Enchanted 5. Lost in the Woods

12.4K 435 14
                                    

Megumi's POV

"Seryoso ka ba Cassie?" Tanong ni Brix kay Cassie, pinagpapawisan na rin kasi si Cassie.

"Sa kasamaang palad, seryosong-seryoso ako. Bigla kong nakalimutan yung daan sa hindi maipaliwanag na kadahilanan." Sagot niya.

"We're lost." Biglang sabi ni Shade.

"Obviously." Mataray kong sabi.

"In the woods." Dagdag niya pa, ay sige state the obvious pa more.

"Cassie. Huwag mong sabihin na dito yun?" Parang naramdaman ko yung kaba sa boses ni Brix nang itanong niya iyon kay Cassie. Napayuko na lamang si Cassie bilang sagot.

"Bakit naman nila tayo ipapadala dito? Even if this thing is planned." Sabi ni Brix na para bang sobrang frustrated sa nangyari.

"We're trap. Someone's controlling this." Sabi ni Shade na lalong nagpataka sa akin. Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila.

"Teka nga lang. Ano bang nangyayari ngayon? Anong trap? Anong controlling?" Nalilito kong tanong sa kanilang tatlo. Napabuntong hininga si Cassie at ganun din si Brix.

"This forest... It is cursed." Sagot ni Cassie na nagpataas ng mga balahibo ko.

"And we need to find our way out. Kasi kung hindi natin magagawa yun, mamamatay tayo dito." Dagdag ni Brix, teka kung ganun ka panganib dito. Bakit dito kami pinapadaan ni Grandma?!

"Pero gabi na. At alam niyo naman ang mga nangyayari dito tuwing gabi." Sabat ni Shade. Parang nag-iba bigla yung aura ni Shade.

"Stop it. It's not helping okay." Mukhang naiinis na rin si Cassie sa nangyayari sa amin ngayon. Bakit ba kasi wala akong kaalam-alam dito?

"I'm just telling the truth. Alam niyo na yung nangyari sa atin nung unang beses na napunta tayo dito." What? Ano bang pinagsasabi ng maangas na lalaking ito? Nakapunta na sila dati dito? Lumingon ako kila Cassie at Brix na mukhang nag-iisip ng paraan para makaalis sa lugar na to. Ano bang pwede kong matulong? Eh wala naman akong enchant, tsaka wala pa akong kaalam-alam sa mga bagay-bagay sa mundong to.

"Dapa." Sabi ni Shade nang makaramdam kami bigla ng hangin. Dumapa kami tulad ng sinabi niya, then ayun sobrang lakas ng hangin na dumaan na may kasama pang nakakarinding tunog. Napatakip tuloy ako sa tenga ko.

"AAAAAAHHHH!" Sigaw ko dahil pakiramdam ko dudugo na yung tenga ko dahil sa tunog na iyon. Bigla namang tumigil yung malakas na hangin pati na yung tunog na kasabay neto.

"Woah." Manghang sabi ni Brix, hindi ko alam kung bakit naman siya namamangha ngayon sa sitwasyon na ito.

"Cassie please explain." Yun agad ang sinabi ko nang makatayo na kami.

"Okay. Gaya ng sinabi ko kanina, this forest is cursed. Alam mo naman siguro yung mga nasa fairy tale stories diba?" Tumango ako doon. Mahilig naman kasi ako sa fairy tales.

"Dito sila nag eexist. Ang pinagkaiba nga lang, sa lugar na to, masasama sila. Ito ang dark side ng fairy land. Hindi nila nilelead ang mga tao sa kasiyahan, pinapatay nila ang mga ito." Hindi ko alam pero kinilabutan ako doon sa narinig ko.

"Kaya huwag na huwag kang lalayo sa amin. Hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay okay?" Sabi ni Cassie kaya tumango naman kami ni Brix bilang sagot. Habang si Shade ay wala pa ring pakialam. Kailan kaya siya magkakaroon ng pake? Kapag malapit na kaming lahat mamatay?

"Siguro naman hahanapin tayo nila Grandma diba?" Pilit ang ngiti ko pagkatapos kong itanong sa kanila iyon. Hindi naman siguro kami pababayaan nila Grandma dito diba?

Enchanted High (Academy of Magics)Where stories live. Discover now