Enchanted 13. Marriage?!

9.5K 306 15
                                    

Parang hindi talaga kaya ng utak ko yung mga kinuwento ni Grandma sa amin eh. Reincarnation? Hindi naman ata talaga totoo yung ganun eh. Pero sa lahat lahat ba naman ng kabaliwan na nangyari sa akin ngayon pa ako mag dududa?

Fated daw kami ni Shade. Sa dinami dami ng pwedeng matadhana sa akin doon pa sa lalaking masungit na iyon. Ni hindi ko nga alam kung may gusto ba ako sa kanya eh. Pinapangunahan na agad nila feelings ko eh no?

"Megumi tara na may klase pa tayo." Sabi ni Cassie sa akin kaya sumunod naman ako kaso dahil nga katangahan kong hindi ko na kayang itanggi, nadapa ako. Tapos ayun nangudngod yung mukha ko sa sahig. Napakagandang bungad naman nito sa araw kong to.

Tinulungan ako ni Cassie na tumayo kaya medyo nahiya pa ako. Alam niyo naisip ko lang talaga to ha. Pero ako ang enchanted one, tapos hindi ko naman alam kung paano gamitin yung powers ko. Useless lang din ako eh.

Damsel in distress na lang lagi ang dating ko, nakakairita na rin kaya kapag mahina ka diba? Pero hindi ko rin naman alam ang dapat kong gawin. Napabuntong hininga na lang tuloy ako.

Yung nullifying magic ko nga hindi ko alam kung paano gamitin eh. Tapos yung ibang powers pa kaya? Tsaka nakaka offend kaya yung bigla na lang gagamitin ng ibang tao yung magic or powers mo diba?

Gulong-gulo yung utak ko hanggang sa naisip ko na lang na sino ba yung mga magulang ko at ginawa nila akong ganito? Bigla ko tuloy naisip kung ano bang pangalan ng magulang ko, teka bakit parang nakalimutan ko na?

Ang gulo-gulo na ng utak ko, ni hindi ko na nga napapansin na umiiling-iling na pala ako tapos nakahawak na rin ako sa magkabilang pisngi ko.

"Meg may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Cassie kaya naman napalingon ako sa kanila, halos lahat pala sila ay nakatingin na sa akin. Napangiwi ako dahil nakuha ko nanaman ang atensyon ng mga kaklase ko.

"Baka lumuwang na yung tornilyo." Sabi ni Madison saka sila nagsitawanan. Nagulat na lang kami nang biglang lumutang yung isang upuan tapos muntikan pa nitong tamaan si Madison.

"Shut up. Wala kang alam sa mga pinagdadaanan ni Megumi. Kaya kung ayaw mong tumama na sayo yung susunod na upuan manahimik ka na lang." Halata yung galit sa mukha at boses ni Cassie pagkatapos niyang sabihin iyon. Mukhang natakot naman sila kaya agad na silang lumayo.

"Cassie kalma lang." Sabi ko saka ko pa hinawakan yung balikat niya pagkatapos ay nginitian ko siya. Pero mukhang hindi ko talaga siya napakalma.

"Eh kasi naman Meg. Napakasama talaga ng ugali ng Madison na iyon. Akala niya naman may alam siya tungkol sayo." Pagpapaliwanag ni Cassie kaya lalo akong napangiti sa kanya.

"Patay na patay lang naman kasi sila kay Shade na magiging asawa mo." Napanganga ang lahat dahil sa sinabi niya. Kahit ako ay hindi makapaniwala nang sabihin niya iyon.

"Ano? Ikakasal na sila Megumi at Shade?!"

"Kailan?"

"Paano?"

"Bakit?"

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa sunod-sunod na katanungan ng mga classmates namin. Napatakip na rin ako sa tenga dahil sa ingay na ginagawa nila. Ang lakas talaga ng tama ni Cassie. Bakit niya sinabi iyon? Hindi naman totoo yun ah.

"Anong meron?" Napalingon kami doon sa nagsalita tapos automatic naman na may namuong mga puso sa mga mata nung classmates naming babae tapos nagsitilian pa sila. Napaka ingay naman.

"Shade!" Sigaw ni Cassie kaya napalingon naman sila sa amin. Tinanong ulit ni Brix kung anong meron at napaka ingay kanina pagkapasok nila. Sasabihin na sana ni Cassie yung dahilan kung bakit napaka ingay kanina ang kaso bigla na lang humangin ng sobrang lakas na naging dahilan ng pag basag ng mga bintana.

Enchanted High (Academy of Magics)Where stories live. Discover now