Special Chapter [2]

9.2K 310 9
                                    

What if Megumi and Shade are normal people?

M e g u m i

Pinatawag nanaman ako ni sir. Kailangan na daw kasing ipasa yung mga papers para sa darating na school trip. At dahil ako ang class representative kailangan na ako yung magpasa nung papers kay sir. Nandoon kasi yung listahan ng mga sasama talaga. Well bawal naman kasing hindi sumama kaya halos lahat kami nandoon. Maliban na nga lang kay-

Natumba ako bigla dahil may nabangga pala ako. And worse? Si Shade Ramirez pa yun! Yung sikat na sikat na delinquent ng school namin. L-lagot, nabangga ko siya at natapon yung iniinom niyang soda.. A-ano ng gagawin ko nito? Kinakabahan talaga ako ng sobra eh..

"S-sorry." Sabi ko pero tinignan niya ako ng masama kaya napaatras ako. "Sorry po talaga!" Sigaw ko saka ako tumakbo palayo. Bakit kasi sa dinami dami ng mababangga siya pa talaga? Nakakatakot kaya siya. As in sobra talaga. Maramdaman mo lang yung presensya niya kikilabutan ka talaga. Tapos feeling mo any minute susuntukin ka na lang niya.

Sikat siya bilang isang beast. Lagi siyang tulog sa klase at lagi siyang tumitingin ng masama sa mga tao. Ay mali, hindi naman talaga ako sure kung ganun talaga yung tingin niya dahil di ko pa naman talaga nararanasan ko. Wait.. Naranasan ko na pala. Kani-kanina lang.

"Meg! Tara na bilis! Akin na yan." Napalingon ako kay Cassie na nasa pinto na pala ng faculty room. Mas binilisan ko pa yung lakad ko papunta sa kanya. Tapos inabot ko na yung mga papers.

"Sure ba kayong sasama ang lahat?" Tanong ni sir sa aming dalawa ni Cassie. Oo kaming dalawa yung class representative. "Sir.. Si Shade po hindi ata sasama." Sabi ni Cassie sabay napatingin pa siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Oh god. Sana naman wag akong sabihan ni sir na pilitin si Shade Ramirez na sumama. Ayoko pang mamatay ng maaga.

"Pilitin niyo siya. Hindi pwedeng hindi sumama. Megumi may one week ka pa para mapasama siya." Sabi ni sir na parang kinaguho ng mundo ko. Oh no... Ito na nga yung kinakatakot ko eh. "Pero sir-"

"Wala ng pero pero. Pilitin mo siya. Kailangan bago mag friday next week naipasa mo na yung listahan na kasama na yung name ni Shade Ramirez." Sabi ni Sir. "Start na ng one week mo ngayon. Next week kailangan nasa akin na ha." Paalala ni sir kaya napabuntong hininga ako. Paano ko mapapapayag yung beast na yun?!

Naglalakad ako sa may backyard ng school para walang makakita sa akin. Bakit? Kasi baka sabihin nanaman nila na pilitin ko si Shade na sumama. Ang sabi din kasi ni sir, kapag di ko daw siya napilit lahat kami hindi makakasama. Kaya nagsiragasaan yung mga reklamo nung mga classmates ko. Gustong gusto nilang makasama kasi maganda yung pupuntahan naming lugar ngayon.

Ilang beses na nga akong napabuntong hininga eh. Iniisip ko pa lang na kakausapin ko si Shade Ramirez nanginginig na yung buong katawan ko eh. Mama! Natatakot ako.. Huhuhuhu! Bakit kasi nagpresenta pa ako bilang class representative eh! Masyado ba akong mabait?!

"TABI DIYAN!!"

Bigla na lang akong may narinig na sigaw mula sa taas kaya napaangat ako ng ulo ko. At biglang nanlaki yung mata ko nang may makita akong lalaking tumalon mula doon. Nagpapakamatay ba siya? And worse? Sa akin siya babagsak! Magpapakamatay siya at isasama niya ako!

*DUG!!!*

Aray.. Ang sakit ng likuran ko.. Napadilat ako nang maalala kong nabagsakan nga pala ako ng isang tao. Kung kanina nanlaki yung mata ko, well ngayon mas malaki pa. S-si S-shade R-ramirez yung tumalon. Hindi ako makagalaw.. Nakadagan siya sa akin at natatakot ako ng sobra ngayon..

"Sinabi na kasing tumabi diba." Sabi niya tapos tinignan niya ako. "Ikaw nanaman." Kinilabutan ako ng sabihin niya yun. Naaalala niya ako?! Oh my god! Ipapapatay niya na ba ako dahil hindi ako umalis sa posisyon ko kanina? Agad siyang tumayo. Napansin kong may sugat siya sa braso niya.

Enchanted High (Academy of Magics)Onde histórias criam vida. Descubra agora