Enchanted 12. Reincarnation

8.9K 357 14
                                    

"Blessie, promise me you'll be mine again." Sabi nung lalaking maraming black marks sa katawan doon sa babaeng kasama niya na ang pangalan ay Blessie.

"Babalikan mo ako diba? Ipangako mo." Sabi ni Blessie na naka white dress, napansin ko na magkamukhang-magkamukha kaming dalawa. Hindi ko Makita ng maayos yung mukha ng lalaki dahil blurred iyon.

"Pangako, tandaan mo na mahal na mahal kita." Sabi nung lalaki doon kay Blessie.

"Mahal din kita Damon."

"Wake up Meg!" Nalaglag ako sa kama ko nang biglang may sumigaw malapit sa akin. Ang sakit tuloy ng likod ko. Ano nanaman bang problema ni Cassie at ang aga-aga nambubulabog na siya.

"Cassie? Ano bang meron?" Nanghihina kong tanong saka ko pa hinawakan yung likuran ko. Potek mukha na tuloy akong matandang gurang ngayon.

"Don't tell me you forgot about it?" Hindi niya makapaniwalang tanong sa akin kaya napangiwi naman ako dahil wala akong alam sa mga pinagsasabi niya.

"Forgot about what?" Tanong ko saka sinubukang tumayo kahit na napakasakit pa rin ng likod ko. Napansin ko na lang na napasapo si Cassie sa noo niya.

"Pupunta tayo sa office ng grandma mo. Kakausapin niya tayo diba?" Mabilisan akong napatayo nang maalala ko yung nangyari kahapon. Nagmadali na ako sa pagpunta sa banyo para makapag ayos na.

Pero may isang bagay pa rin na hindi maalis-alis sa isipan ko. Sino si Blessie at Damon? Naalala ko yung pangyayari sa panaginip ko, nasusunog ang buong paligid kung nasaan silang dalawa. Punong-puno ng black marks ang katawan ni Damon. Ito yung type ng black marks na makikita mo kay Shade kapag nasa demon form niya siya.

Hindi ko talaga alam kung ano bang meaning nung napanaginipan ko. Kasi diba nung sinabi ni Shade na 'mahal' niya 'raw' ako, bigla na lang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Blessie. Na mahal niya si Damon.

"Meg pinapapasok na tayo." Tumango na lang ako saka na sumunod sa pagpasok sa loob ng office ni Grandma.

"Kumusta na kayo?" Pabati ni grandma sa amin habang may ngiti pa siya sa kanyang labi. Si Cassie at Brix lang ang sumagot sa kanya. Hindi pa rin nawawala sa isip ko kung sino sila Blessie at Damom, kaya kailangan kong itanong yun sa kanya.

"Megumi okay ka na ba?" Alalang tanong ni Grandma sa akin pero tanging tango lamang ang sinagot ko sa kanya.

"Grandma, sino sila Blessie at Damon?" Taka kong tanong at saktong lumakas naman ang ihip ng hangin sa labas at gulat na napatayo si Grandma. Bakit naman ganun yung reaksyon niya? May masama ba sa tanong ko?

"M-Meg, s-saan mo-" hindi na natuloy ni Cassie yung sasabihin dahil sinenyasan siya ni Grandma na lumabas na muna sila, para maiwan ulit kaming dalawa.

"Saan mo nalaman ang pangalan ni Blessie?" Seryosong tanong ni Grandma nang makalabas na sila Cassie dito sa loob ng office niya. Para bang kinakabahan siya at natatakot pa.

"Bakit grandma? Sino ba sila?" Taka ko ulit na tanong at tila ba hindi pinansin yung tanong niya sa akin. Bakit ba mukang natatakot siya? Eh nabanggit niya na sa akin kung sino si Damon ah?

"Napanaginipan ko sila." Sabi ko dahil napansin ko na napatulala na lang siya at nanginginig pa ang kamay niya. Ano bang nangyayari?

Huminga muna ako ng malalim dahil parang matagal pa bago magsalita si Grandma. Tsaka sinabi ko naman na, na panaginip lang iyon ah?

"Si Damon, he has this black marks on his body. Tapos kasama niya itong si Blessie. Nasa lugar sila kung saan magulo ang paligid at maraming apoy." Pagkukwento ko kaya bakas nanaman ang pagkagulat sa mukha ni Grandma.

Enchanted High (Academy of Magics)Where stories live. Discover now