Special Chapter [3]

3.9K 110 20
                                    

"What if Megumi and Shade are normal people?"

M e g u m i

"Meg tara punta tayong cafeteria." Pagyayaya sa akin ni Cassie habang busy ako sa pagtatype ng story ko. "Bakit? Nandoon ba si Brix?" Tanong ko sa kanya at agad naman siyang tumango tango. Wow hindi talaga siya nahihiya na hinahabol habol niya si Brix no.

"Dali na samahan mo ako. Promise babasahin ko na yang story mo." Pagkasabing pagkasabi niya nun ay tumayo na agad ako. Importante sa akin ang story ko. Oo gumagawa ako ng story. Pero tanging si Cassie lang ang nakakaalam nun. Siya lang kasi ang nag iisa kong kaibigan. Isama mo na din pala si Brix dahil kababata namin siya.

Ako kasi yung tipo ng tao na hirap makipag socialize sa iba. Tahimik lang ako kapag iba ang kasama ko. Pero maingay ako kapag si Brix or si Cassie yung kasama ko. Back to my story, marami nang nagbabasa nun kahit dalawa pa lang ang chapters. Kakagawa ko pa lang kasi dahil kakatapos lang nung isa ko pang story. Ginawa ko ring hindi marunong makipag socialize yung bidang babae.

Ang problema na nga lang ay yung character nung lalaki. Ayoko namang maging bad boy dahil masyado ng typical yun diba. Ayoko rin naman ng masyadong good boy kasi parang wala ng thrill na mangyayari.. Hays nagpalutang lutang lang yung utak ko. At kung ano ano na ang naiisip ko.

"Heh?! Wala na siya dito." Sabi ni Cassie kaya nabalik ako sa katinuan ko. "Oo nga pala! May practice pa pala ang basketball club." Saka ko lang naalala na si Cassie nga pala ang manager ng basketball club.

"Hindi ka pa ba pupunta sa gym?" Tanong ko sa kanya. Napailing siya saka niya pinakita sa akin yung kamay niya. Nagulat ako nang makita kong may injury pala siya. Ngayon ko lang napansin dahil nakatuon talaga yung pansin ko doon sa story ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nag aalala kong tanong. "Minor injury lang naman to. Tsaka kung gusto mo tulungan mo na lang ako." Sabi niya na pinagtaka ko. Hindi pa ako nakakasagot ay hinila niya na ako papunta sa gym. Yung right hand niya yung na injured. Ewan ko nga kung anong nangyari eh.

And again nagpalutang lutang nanaman yung utak ko nang iwan ako ni Cassie dito sa bench sa gym. Kausap niya ata yung mga members ng club nila eh. At hindi ko alam ang pinag uusapan nila kaya nakaupo na lang ako dito sa bench.

"Miss umilag ka!" Bigla na lang may sumigaw at nanlaki yung mata ko nang makita na papatama na sa akin yung bola. Pero mas nagulat ako nang hindi talaga yun tumama sa akin dahil may humarang doon.

"Mag ingat nga kayo." Sabi nito kaya napalingon ako sa kanya. Isang lalaking hindi naman katangkaran. "Sorry Miss." Napalingon ako doon sa mga nagsalita.

"Teka! Ikaw si Megumi ah!" Nagulat ako nang makilala niya ako. Siya si Ken. Classmate ko rin pala siya. "Kilala mo siya?" Tanong nung lalaking sumagip sa akin mula sa bola na yun.

"Oo classmate ko siya. At anti-social siya." Sabi niya. Hindi niya na kailangang ipamukha sa akin yun. "Megumi!" Napalingon ako sa nagsalita. Si Brix pala nakangiti siya sa akin ngayon at naglalakad na papalapit sa akin.

"Kilala mo rin siya Brix?" Tanong ulit nung lalaking sumagip sa akin. "Oo. Kababata ko siya." Sagot ni Brix nang nakangiti pa rin. Mukhang kaibigan niya lahat ng members ng basketball club. Well ganun naman talaga dapat eh.

"Meg okay ka lang?" Alalang tanong sa akin ni Cassie tapos kasama niya na rin yung ibang members na kausap niya. "Oo nga pala guys. This is Megumi. And isa na rin siya sa manager ng club na to." Sabi ni Cassie kaya tumayo ako tapos nag bow ako sa kanila. Para matulungan lang ang nag iisa kong kaibigan ay magiging manager nila ako.

Hindi naman siguro masyadong mahirap yun diba.. Hindi naman ako makikipag usap sa kanila eh. Aabutan ko lang sila ng towel at ng tubig tapos yun na yon.

Enchanted High (Academy of Magics)Where stories live. Discover now