Enchanted 3: The Owner's Grand daughter?

13.8K 478 26
                                    

Cassie's POV

Napayuko na lang ako. Shocks hindi ko nanaman na control yung powers ko. And talagang nakita pa ni Mrs. Sandoval yung gulo na ginawa ko. Hindi kaya patalsikin na agad ako sa school na ito? Habang papalapit ng papalapit sa akin si Mrs. Sandoval wala na akong nagawa kundi ang mapa pikit.

Pero nabigla ang lahat nang yakapin ni Mrs. Sandoval si Megumi. Teka anong nangyayari dito? Medyo naguguluhan na ata ang utak ko.

"Apo, are you okay?" Tanong ni Mrs. Sandoval kay Megumi at bakas pa ang pag-aalala sa mukha nito.

"APO?!!" Sigaw namin dahil sobra kaming nagulat ngayon.

"Ay, oo nga pala Cass. Ito si Grandma." Pagpapakilala ni Megumi sa akin kay Mrs. Sandoval. K-Kilala ko na siya as school director pero hindi bilang grandma ni Megumi.

"I-Ikaw yung apo ng school director?" Gulat na gulat na tanong ni Madison at tila ba namumutla na ang buong pagmumukha niya ngayon.

"Oo Ms. Lopez. Apo ko siya." Nakangiting sagot ni Mrs. Sandoval kaya bigla naman kaming kinabahan. Nakakatakot ang mga ngiti niya.

"At alam ko ang ginawa mo sa apo ko." Dagdag pa nito kaya naman napatakbo na palayo si Madison pati na yung alipores niya. Buti nga sa kanila, kala kasi nila ang gaganda nila eh.

Humarap sa akin si Mrs. Sandoval kaya napaayos naman ako ng tayo ko. Papagalitan niya rin kaya ako dahil sa gulo na ginawa ko? Kinakabahan nanaman tuloy ako.

"Thank you Ms. Martinez." Pasasalamat niya sa akin kaya naman nabigla pa ako. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. First time na may nagpasalamat sa akin dahil sa ginawa ng enchant ko. Dahil kadalasan puro pasakit lang ang dala ng enchant ko eh.

"Cass? Tara na." Nakangiting sabi ni Meg, tumango na lang ako. Nadaanan namin sila Shade at Brix. As usual naka poker face lang si Shade at para bang hindi na interesado sa mga next na pangyayari. Habang si Brix OA nanaman kung ngumiti. Napabuntong hininga na lamang ako.

Megumi's POV

"Ano Cassie, mauna na ako. May pasasalamatan lang ako." Paalam ko kay Cassie at agad naman siyang ngumiti sa akin ng nakakaloko. Kung ano-ano nanaman sigurong iniisip neto. Hindi ko na lang iyon pinansin saka ko na sinimulang hanapin sila Brix. Dapat kasi kanina pa ako nagpasalamat eh. Sakto nakita ko silang naglalakad.

"Brix!" Oo, si Brix lang talaga ang tinawag ko dahil wala akong pake dun sa isang masungit.

"Oh Megumi? Okay ka na ba talaga?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Alam niyo parang ewan talaga tong si Brix. Parang nakilala ko na siya dati na ewan talaga. Kasi yung mga ngitian niya sobrang weird. Like bakit ba sobrang saya niya lagi? Basta ang gulo!

"Okay na ako. Salamat nga pala sa pagtulong sa akin. Nakalimutan ko kasi kanina na magpasalamat sayo eh." Nakangiti kong sabi sa kanya. Mukhang wala naman kasing pake yung kasama niya.

"Bakit sa akin ka lang nagpapasalamat? Tinulungan ka rin kaya ni Shade." Natatawang sabi ni Brix. Parang sinasadya niya na kausapin ko yung maangas na lalaking iyon. Kahit labag sa kalooban ko, kailangan ko rin talagang magpasalamat sa kanya.

"Thank you." Pero ano pa bang inaasahan natin sa maangas na lalaking iyon? Syempre hindi niya ako pinansin diba. Napaka sungit talaga eh.

"Sige BRIX, una na ako ha." Talagang diniin ko yung pag banggit sa pangalan ni Brix. Nakaka curious lang kung bakit at paano sila naging magkaibigan eh. Paano natitiis ni Brix ang maangas na lalaking iyon?

Teka nasaan na nga ba si Cassie? Bakit ba ako umalis mag-isa? Hindi ko pa kabisado ang malaking lugar na ito eh. Saan ko naman hahanapin si Cassie ngayon?

Enchanted High (Academy of Magics)Where stories live. Discover now