Enchanted 9. Memories

10.2K 380 11
                                    

"H-Ha?" Taka kong sabi. Ano na bang pinagsasabi sa akin ni Cassie? Naguguluhan na talaga ako ngayon ng sobra-sobra. Mas magulo pa to kesa sa game na nalaro ko dati sa cellphone ko. Nakalimutan ko na yung tawag eh.

"Dati pa tayo magkakaibigan Meg. Nakalimutan mo lang kami nang ilayo ka na ng pamilya mo sa lugar na to. Dito ka naman talaga nakatira dati eh. Pero dahil nga gusting-gusto ka ni Dwayne tinangka niya na rin dati na kunin ka pero si Shade ang pumigil sa kanya." Sabi ni Cassie saka niya kinuha ang kamay ko at tinuro yung symbol na nakalagay dito.

"Yan ang patunay na si Shade ang nag claim sayo." Dagdag niya pa na pinagtaka ko naman.

"Sabi ni Dwayne siya ang may gawa nito." Taka kong sabi kaya napabuntong hininga naman siya.

"Syempre nagsisinungaling siya Meg. Ganun ka niya kagustong makuha." Sabi niya sa akin sabay tingin sa mga mata ko.

"Ano nga pala ang nangyari kila Axel at Shami?" Tanong ko sa kanya at napansin ko pa ang pagyukom ng kamao niya.

"Ang alam ko lang pinatay ni Dwayne ang ina niya, hindi pa ako sigurado kung siya rin ang pumatay sa ama niya." Parang nanghina ako nang marinig ko iyon. Pinatay niya ang sarili niyang Ina?

"B-Bakit niya naman ginawa iyon?" Naguguluhan kong tanong

"Dahil gusto niyang mapunta ka sa kanya. Nung una kasi siya ang fiancé mo. Yun talaga ang original na plano ng magulang niyo. Pero dahil mas close kayo ni Shade hindi ka pumayag doon at mas pinili mo si Shade kaysa kay Dwayne." Pagkukwento pa sa akin ni Cassie.

"Dahil doon lalong lumala yung galit ni Dwayne. To the point na kinocontrol niya na ang mga normal na tao para lang ipapatay si Shade."

Biglang lumabo ang mga mata ko at tila ba may nakitang imahe na hindi ko maintindihan.

"Dwayne! Huwag na tayong mag-away." Sabi ni Shade kay Dwayne.

"Ayoko! Lahat na lang inaagaw mo sa akin. Ang atensyon, mga kaibigan ko, pati na rin si Megumi inagaw mo." Sabi ni Dwayne kay Shade na punong puno pa ng galit.

"Hindi naman sayo si Megumi. Ako yung mas gusto niyang kasama, at gusto ko rin siya." Pagtatanggol ni Shade sa sarili niya na lalo lang kinainis ni Dwayne. Dahil sa sobrang inis na control niya ang mga tao sa paligid para lang patayin si Shade.

Kaya walang nagawa si Shade kundi ang lumaban para maipagtanggol ang sarili niya. Pero hindi niya alam na ang mga taong pinatay niya ay walang kinalaman sa kanilang dalawa. Lubos itong pinagsisihan ni Shade, ito na rin ang dahilan ng paghihiwalay ng magkapatid.

"Simula din noon lumayo na si Shade sa mga tao. Gusto niya na lang lagging mapag-isa, dahil naaalala niya lahat ng nagawa niya tuwing may nakakasama siya. Pero ngayon, nandito ka na ulit." Sabi ni Cassie nang nakangiti at tila ba nagpapasalamat pa siya sa akin kahit wala naman akong naitulong sa kanya.

Kailangan kong puntahan si Shade. Hindi ko alam kung bakit pero yun yung nararamdaman ko. Bigla na rin kasing nagsibalikan ang mga alaala ko. Biglang lumakas ang katawan ko kaya nagawa ko ng tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Cassie pero nginitian ko lang siya. Pagkatapos ay naglakad na ako papalabas ng dorm.

Nasaan ka Shade? Bakit nakakaramdam ako ng kaba ngayon na hindi ko naman alam ang totoong dahilan. Wala naman na sigurong masamang nangyari sa kanya hindi ba? Hindi ko na napansin na umuulan na pala sa labas dahil tanging si Shade lang ang laman ng isip ko ngayon.

Napatakip na lang ako sa tenga ko nang makarinig ako ng malakas na kulog at talagang may kasama pa itong kidlat. Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko at tila ba nanginginig na ang mga binti ko. Napaupo na rin ako nang sunod sunod na ang pagkulog at pagkidlat na nangyari. Natatakot ako ng sobra sobra ngayon.

Enchanted High (Academy of Magics)Where stories live. Discover now