Ikadalawampung Kabanata

Start from the beginning
                                    

"I-im sorry." Humarap siya sakin. Naaninag ko ang mukha niya pero ang nakikita ko ngayon ay isang malamig na ekspresyon.

"Don't worry, Ms. Dela Santos. I'm not going to beg. Never again! But don't expect me to do nothing. One day, you'll regret for not choosing me and when that day comes, you'll be the one begging for me." He said bago lumabas ng gate. Narinig ko na lamang ang harurot ng kotse niya.

Nawalan ako ng lakas bago napaluhod. Letsugas! Hindi ko na napigilan ang pagpiyok. Naramdaman kong may yumakap sa akin.

"I'm... I'm sorry, La~La." Si mamu!

Marahan akong humiwalay sa kanya at humarap."Its okay, M-Mamu... Just give me an hour. I need to cool myself." I said bago pumasok ng bahay.

Akmang hahabulin rin sana ako ng mga kaibigan ko at Night but I stopped them. "I'm going to be... alright. You continue the party." Nanginginig ang mga labi kong ngumiti.

Nang makapasok ako ng bahay, deretso agad ako sa kwarto. Nang malock ko ang pinto, nanghihinang napasandal ako roon at nagsimula ulit umiyak.

"Caleila... Anak...." Si Mama!

"Open the door, Caleila." Si Papa.

Tinakpan ko ang sariling bibig. I compose myself para di pumiyok. "I'm okay, Ma, Pa. You entertain our guests."

"Pero anak..." Si mama ulit.

"Ma.. I'm alright. Please... Give me an hour." Pumiyok na naman ako. Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Papa bago ko marinig ang papalayong yabag nila.

Letsugas! Peste!

Napahawak ako sa dalawang tainga ko. Nagre-rewind lahat ng mga sinabi ni Zeus. Ugh!

Numb... Keep yourself numb from now on, Caleila!

Nakatulog ako ng umiiyak. Maaaring bunga rin ng pagod sa pag-iyak kaya ako nakatulog agad. Hindi ko alam kung paano napauwi nina Mama at Papa ang mga bisita basta paggising ko kinaumagahan, umuwi na ang mga tao at bukas na ang nakalock kong pinto. Maaaring nakita nina Mama at Papa na tulog na ako kaya hindi na nila ako dinusturbo.

Direktang napatingin ako sa cellphone ko na nasa bedside table. Kinuha ko yun. Five messages received. Night... Timmy... Shana... Mimah... Pearl... Binalik ko ulit ang cellphone nang mabasang wala siyang message sa akin.

"Ma, Pa... Alis na po kami." Walang ganang paalam ko nang matapos makapagbihis at kumain. And as usual, sinundo na naman ako ni Night.

"Are you alright?" Tanong niya nang makapasok kami sa kotse niya. Tumango lang ako. Tumingin ako sa labas. Umuulan na naman. Peste! Naalala ko na naman siya.

Nabaling ang tingin ko kay Night nang maramdaman kong inangat niya ang kamay ko at may malamig na bagay siyang sinuot sa daliri ko. Napatingin ako roon at oo, sinuot niya sa akin ang sinasabing singsing ni mamu.

"Thank you for choosing me, Caleila." Tamad na tumango ako at nag-iwas ulit ng tingin. I heard his loud sigh before he start the engine.






"Caleila! Caleila!" Humahangos na tumatakbo patungo sa akin ang mga kaibigan ko. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Inosenteng tanong ko.

Hinila ako nina Mimah at Pearl. "You have to come with us. You must watch the live interview of Zeus."

Nanlaki ang mga mata ko at nagwala pero mahigpit ang pagkakahila nila sa akin. "Ano ba? I don't want to watch him! May gagawin pa ako!"

Buwisit! Pangalan pa lang niya, gusto ko ng umiyak!

Hila-hila nila akong papuntang canteen kung saan may tv. Maraming estudyante ang nagkukumpulan roon at ang karamihan ay umiiyak. Why are they crying? Don't say, may nangyaring masama kay Zeus?! Oh God!

Is This Love?Where stories live. Discover now