Enchanted 1: Academy of Magics

28.1K 604 64
                                    

Megumi's POV

"Megumi-chan!!" Napalingon ako doon sa taong tumawag sa pangalan ko at talagang dinagdagan pa ng kung anong kaartehan sa dulo.

"Chan?" Taka kong tanong kay Lyca na kung ano-anong tinatawag sa akin. Kada araw iba-iba eh.

"Diba ganun yung sa anime? Nilalagyan nila ng ganun sa dulo ng name para kyut hahaha. Pang Japanese kasi name mo eh." Masaya niyang sabi saka niya pa ako inakbayan.

"Aishh! Late nanaman ako!!" Napalingon ako doon sa nagsalita. Hindi pamilyar ang itsura niya para sa akin. Hindi kaya bagong student siya?

"Lyca sino 'yun?" Tanong ko kay Lyca, sabay turo doon sa student na sumigaw kanina. Medyo magaling kasi itong si Lyca. Marami siyang kilalang student sa buong school namin.

"Ah siya ba? Siya yung former student ng class 2-C, yung nagkaroon ng issue kasi laging late tapos may binully ata." Sagot ni Lyca. As expected sa chismosang babaeng ito.

Tumango na lamang ako dahil mabilis din namang nawala yung interest ko doon sa taong iyon. Naglakad na lang kami pabalik sa classroom, habang nagkakatuwaan ay bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na sigaw.

"TABI DIYAN!" Nanlaki yung mga mata ko nang makakita ako ng mga upuan na malapit nang bumagsak kay Lyca. Hindi nakagalaw ang katawan ko, tanging naiisip ko lang ay sana hindi mabagsakan si Lyca.

"Lyca!!" Yun na lang ang nasabi ko, pagkatapos ay biglang umikot ang paligid at ilang Segundo lang ay nawalan na ako ng malay.

...

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko, sumasakit yung ulo ko ano nga bang nangyari kanina? Napabangon ako nang maalala ko si Lyca. Pinalibot ko ang paningin ko ngunit medyo nanlalabo pa rin ito.

"Nasaan ako?" Tanong ko.

"Nasa bahay ka na apo." Iyon ang sagot ni Grandma na kakapasok lang dito, mukhang nasa kwarto ko na ako.

"Teka Grandma, si Lyca? Okay lang po ba siya?" Hindi mawala-wala ang pag-aalala sa isipan ko. Tanging tango lamang ang binigay na sagot sa akin ni Grandma. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon kahit papaano.

"Megumi, lilipat ka na ng school." Sabi ni Grandma na kinagulat ko naman. Nagkaroon ba ulit ng problema sa school kaya lilipat ako? Or baka may problema yung grades ko?

"Po? Bakit po Grandma? Okay naman po yung grades ko ah? Tsaka okay din po yung pakikitungo ko sa ibang mga students at pati na sa mga teachers." Sunod sunod kong sabi dahil ayoko na talagang lumipat ng school.

"Maiintindihan mo rin iyon apo. Maghanda ka na ng mga gamit mo. Bukas na agad ang alis natin." Pilit ang ngiti ni Grandma nang sabihin niya iyon. Tila ba may mangyayaring hindi niya naman inaasahan.

Dahil mukhang wala naman na akong magagawa, tanging tango na lamang ang ginawa ko. Kahit ayaw ko, kailangan kong sundin sila Grandma. Pero saang school naman kaya ako lilipat?

Sakto naman na biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Si Grandpa iyon, nakangiti siya at tila ba bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Apo, huwag kang mag-alala. Dahil ang school na lilipatan mo ay pag-aari natin. Doon din nag-aral ang parents mo dati." Nakangiting sabi ni Grandpa kahit naman na siya yung mukhang nag-aalala.

Pero teka! Sa amin yung school na lilipatan ko? Ngayon ko lang nalaman na pag mamay-ari pala sila Grandpa na isang school! Edi ibig sabihin mayaman kami?

Nginitian na lang ako ni Grandpa saka na rin siya lumabas sa kwarto ko. Naisipan ko na mag-ayos na ng gamit para hindi na ako mahirapan bukas. Pero sana bago ako umalis makausap ko muna sila Lyca. Mamimiss ko yung babaeng iyon eh.

Enchanted High (Academy of Magics)Where stories live. Discover now