"Love..."

Lumingon ako at tinitigan ko sa mata si Art. "Sean..."

Napailing ito. "Still beautiful as ever." pinagmasdan ko ang boquet ng rosas na hawak niya. "Oh, this one's for you. Ayoko namang makipag-kita sa girlfriend ko nang walang offering." he chuckled as he gave the flowers to me.

Inamoy ko ang mga bulaklak at ngumiti ako ng tipid. "My favorite." inalis ko ang paningin ko sa mga rosas at tumingin muli ako kay Art.

Bahid sa mukha ko ang kalungkutan, hindi handang bitawan ang bawat salitang makakasakit sa kaniya.

"So... Anong ganap? How's work, masyado kang busy hindi na tayo nakaka-kain sa labas." tanong nito, hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kaniya, sa mata niya. It's like I'm seeing right through him.

"May problema ba Anne? Are you sick? Ba't kasi dito pa e, p'wede mo naman akong papuntahin na lang sa bahay niyo para hindi ka na mapagod. Being an owner of a company is exhausting you know?" hinawakan niya ang mga kamay ko at napatingin ako do'n.

There's a complete silence for over 10 seconds until he broke it.

"Anne?"

still no reply.

"Anne, anong problema?" I heard the shaking on his voice.

Lumunok ako ng lawak. Kasabay nang pag-tingin kong muli sa mukha niya ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Nagulat si Sean Sa inakto ko. "Anne... Don't you dare."

Umiling ako. "I'm sorry... Pero ayoko na sa'yo."

"What do you mean by that?" hinaplos niya ang pisngi ko at inis ko itong inalis. Nagulat na naman siya sa ginawa ko.

"Don't act like you didn't know anything about this kind of stuff Sean. Nagawa mo na 'to diba? Oh-- look! I'm returning the favor." tumayo ako mula sa pagkakaupo

"Ano bang nangyayari sa'yo? Ayos naman tayo ah?" nakahangad siya sa akin.

"Ayoko na, wala na... Tama na. Tapos na! Sawang-sawa na ako Sean."

"I'm tired of your excuses, your craps and your bullshits. You've even became an expert at sorry and an expert at hurting me. At anong role ko sa buhay mo? Eto, taga-intindi, taga-patawad, taga-baba ng pride at taga-ayos ng mga mali mo sa buhay!"

I placed both of my hands at my chest. "Alam mo bang tangang-tanga ako sa sarili ko? Ang tanga ko para makipag-balikan sa'yo. Ikaw na nga 'yung nang-iwan, ikaw din 'yung nakipag-balikan. Ang galing mo din ah? Ano, na-realize mo lang ba talaga na you're nothing without me kaya kinuha mo ulit ako?"

Marahas na tumayo si Art. "What's your problem? Nakipag-balikan ako kasi mahal kita, hindi ko kayang mawala ka sa'kin. Hindi kita maintindihan Anne! We're okay yesterday and not today? Ano na naman bang nagawa ko?"

"Ikaw ang problema ko!" dinuro ko ang dibdib niya at bahagya siyang napaatras.

"Bakit ba ang hilig niyong maghanap ng away kayong mga babae kayo?" he asked and I grinned.

"Bakit ang hilig niyong manakit? Hobby?" Natigil siya sa sinabi ko. "I saw you downtown with your ex girlfriend. Does her lips taste good love?"

Wala akong mabasang ekspresyon sa mukha ni Art. Hindi niya ako sinasagot, he's supposed to say something right after I say my line.

Letse, bahala na.

Sinampal ko siya kaya nabalik siya sa katinuan. "Or a bruised lips taste better? How long are you guys been together? Siya ba kasama mo everytime na nasa business trips ako at nagpapakahirap para sa future natin? Siya ba yung dahilan ng bawat pag-ngiti mo everytime na nasa opisina kita habang nakatitig ka sa bintana? You're staring at the window like I'm not your favorite sight."

Wala pa din akong natanggap na kahit na anong reply kay Art. Oh my goodness gracious! Mamumura ko na talaga 'to! Buhat na buhat?!

"Sean!"

"For every story, there is a hidden chapter in other's point of view." nakayuko nitong sambit.

Ikinuyom ko ang dalawa kong mga kamay. T*ngina, ano na 'yong script?

He held his head up. "Never judge the whole story by the chapter you just walked in."

"Oo, we kissed. But I didn't saw it coming. Nagkita lang kami at nagkausap and I was stunned when she did it. I'm sorry for not telling you this and I'm sorry for ruining your life, but I'm trying Anne, I'm trying to be better for you."

Nasaktan ako sa mga sinabi niya... Syempre in my character's point of view. "Stop it, wala namang magbabago. Ayoko na Sean, I'm tired of this love."

"Susuko ka na agad? Pagod na din ako sa sarili ko but I didn't gave up because I know it'll be worth it... That you're worth it."

"Ba't parang ako pa ang may mali? Bakit parang kasalanan ko pa na nagkaganito ako dahil sa'yo?"

"Ako ang mali. It's all me and I'm the one who burned us down but it's not what I intended. Inaamin ko, naging palpak akong tao. I committed multiple mistakes, I was lost Anne. Nakipag-balikan ako because it's clear to me that you're the one that I needed to fix my life. It's not your responsibility but you're definitely the answer to my prayers."

Tahimik lang ako sa bawat linyang ibinabato ni Art sa akin. Hindi na ako magtataka kung makakuha man siya ng Oscars.

"Don't leave me please... I'm done healing and thanks to you... Let me heal you too Anne."

"And If I can't love myself... Please let me love you instead."











End Of All The Endings (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon