Special Chapter: The France and Vaughn Story

108 5 0
                                    

Vaughn POV

[5 years ago]

I really hate running errands for others. But I just can't say no to Jezel. She is too precious to me to say no to her. She hired me to take picture of her client here at the university. She is still not here kaya nag-ikot ikot muna ako.

Napatigil ako nang may nakita akong isang babae sa bench. Biglang napatigil ako sa paghinga nang hawiin niya ang buhok niya at ngumiti habang nagbabasa ng libro I couldn't stop myself but to take pictures of her.

Tiningnan ko ang mga kuha ko pero bigla na lang may humablot ng camera ko.

"Sh*t!"

"Do you know that it is illegal to take pictures of someone without her consent?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. She's too breath-taking.

"Are you deaf? Then I won't let this pass," hinigit niya ang kamay ko at nagpunta ng parking lot.

What are we supposed to do here? Doon pa lang ako nahimasmasan.

"Miss?"

"Wear this," binigay niya sa akin ang isang helmet.

Sumakay siya sa motor saka nilingon ako.

"Are you going to stay there?" may halong pagkairita sa boses niya.

Hindi ko alam kung bakit sumakay ako. Pinaandar niya ang motor niya't tumigil sa isang pilice station. Napakunot-noo naman ako.

"So shall we settle now?" sabi niya pagkababa namin.

"Ganito na pala ngayon. Kapag nagandahan ka sa tao ipapakulong ka," sabi ko bago napabuntung-hininga.

"Hindi ka naman kasi sumasagot nang tinanong ka," nabigla ako nang magsalita siya ulit.

Nakakaintindi at nakakapagsalita pala siya ng tagalog?

"I'm Francine Sandoval," she smiled at me again.

"I'm...I'm taking you as my girlfriend," natawa siya sa sinabi ko.

Napagtanto kong iba pala ang nasabi ko.

"Sure. I'll take you as my boyfriend too," sabi pa niya.

Napatulala naman ako sa sinabi niya.

[Five years later]

Vaughn POV

I went to Jezel. Mula pa noong mga bata pa kami ka close ko na siya. Siya lang ang makakatulong sa akin. I want to propose to France. I want to surprise her. But I really had no idea how.

"Wedding planner ako Vaughn Carlo hindi proposal planner," sabi niya sa akin.

"Sige na kasi Alam mo namang ikaw lang ang kilala kong mataino, artistic, ma-"

"Oo na. Oo na. Dami mo pang sinasabi. Ano ba kasi ang gusto mong mangyari?" sabi niya sabay alok sa akin ng maiinom.

"I want to surprise her on our fifth anniversary," natutuwang sabi ko.

"Naks. Sana all. So next week na pala ang anniversary niyo. Sige bilang gift akong bahala sa wedding niyo," saad ni Jezel "Bring her to the place where you meet. Siguradong matutuwa si France. What do you think?"

"That's really nice. Sige sige."

Pagkatapos naming mag-usap ay tinawagan ko si Seb. I know he would help me. I met him at the mall. Buti na lang din at nandito siya for weeks since dito rin nag-aaral ang girlfriend niya. Nasa university naman si France kaya timing din ang pagplano ko ng proposal sa kanya.

MIDNIGHT KISS Season IIWhere stories live. Discover now