Chapter 111: The Night with ChanCe

84 6 0
                                    

This chapter is dedicated to Rachel Hilbay Gallardo. Happy reading.

France POV

Nasasaktan ako pero mas nakakaramdam ako ng inis sa ginawa ni Vaughn. Naiintindihan ko naman kung bakit nagkakaganoon siya. Nagkausap na kami pero parang hindi pa rin niya tanggap. Siguro galit nga talaga siya sa akin.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Siguradong magsususpetsa na sila sa akin. Kung naiinis ako sa kanya mas naiinis ako sa sarili ko. Naupo ako sa isang bench saka napabuntong hininga.

"Let's go back," nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Jayden.

"Why are you here?" naiinis kong tanong sa kanya.

Bakit ba siya sumunod? Hindi niya ba talaga ako titigilan? Sobrang stress na ako kay Vaughn dadagdag pa siya.

"Bumalik tayo roon. Look at your hand. It's bleeding," sabi niya saka hinawakan ako.

"Hayaan mo na hindi naman masakit," sabi ko saka inalis ang kamay niya. "Ikaw na lang ang-araaay!"

"Hindi pala masakit ha! Bumalik na tayo," sinubukan niya ako ulit hawakan pero lumayo ako.

"Ayokong bumalik," seryosong sabi ko.

"Then wait me here," sabi niya saka umalis.

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. I enjoyed being with them pero nakakalimutan kong may kailangan akong gawin. Kung tawagan ko kaya si Sir? Kahit mahirap na gamitin ang left hand dahil nga may kaunting bubog pa sa kanang kamay ko I still managed to call.

"Why did you call? May meeting kami ngayon," bungad sa akin ni Sir.

"Sir... I think... I think I can't do this anymore," mahinang sabi ko.

"What? What about the plans France?" mukhang nagalit siya sa sinabi ko.

"Hindi ko na po kayang gawin 'to," dagdag ko.

"Umayos ka. I have to go," pinatay niya a tawag.

I'm really stuck with this situation. Gusto kong magawa ang gusto ko pero hindi pwede. Pagbalik ni Jayden may hawak na siyang plastik bag. Mukhang galing siya ng botika.

"Akin na ang kamay mo," wala sa loob kong binigay ang kamay ko.

Kinuha niya ang ilang bubog na bumaon sa kamay ko saka nilinis sa sugat ko.

"F*ck!"

Hinila ko ang kamay komula sa kanya ng buhusan niya ng isopropyl alcohol ang kamay ko. Sobrang hapdi talaga. Kanina parang wala lang.

I gave him a death glare pero tinawanan niya lang ako.

"Now I know bakit hindi ka nagproceed sa memedtech mo," inis kong sabi sa kanya

I shaked my hand to lessen the pain. Ako na lang ang gagamot sa sarili ko. Akmang kukunin ko ulit ang kamay ko nang piniga niya ang kamay ko.

"Araaaay!" napasigaw ako sa sakit saka sinamaan siya ng tingin.

"I can do it okay?" tumawa pa siya at umiling iling.

"Stop laughing! Don't you know that putting alcohol on fresh wound can damage tissues and it would take long time to heal the wound?"

Tinaasan niya ako ng kilay at napatakip pa sa bibig niya. Mas lalo pang sumama ang tingin ko sa kanya nang napailing siya't napapalakpak.

"Hearing that from you makes me more interested with you France. Ang dami mong natututunan kay Renz. Ano kayang natutunan mo sa 'kin?" inirapan ko siya at kinuha na lang ang cotton at disinfectant. "Ang matutunan akong mahalin France. 'Yon sana ang natutunan mo."

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon