Chapter 79: The ChanCe

107 11 0
                                    

France POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa lalaking 'to.

Jayden Chan.

"Wala naman akong alam sa lugar na 'to. Dito ako tutuloy hangga't wala pa si Celine," napatayo ako.

"What?!"

"Bakit? Dito mo ba tinatago si Celine kaya ayaw na ayaw mong nandito ako?" lumalapit na naman siya.

Kaya napaatras ako. Ano bang masamang espiritong pumasok sa lalaking 'to at ako ang napagdiskitahan.

"W-wala n-nga!"

"Ba't ka nauutal kung wala nga talaga rito? Akala mo ba maniniwala ako?"

Nagtanong pa siya. Hindi niya ba alam kung gaano siya ka lapit sa akin. Akala niya ba limot kong hinalikan niya ako kanina. Nakakainis!

"Bahala ka! Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan!" pumunta na lang ako ng kusina at nagluto.

Sino ba naman kasing may sabi na nasa akin si Celine? Ang taba talaga ng mga utak nila. Alam naman nilang narito ako paano ko makukuha ang babaeng 'yon.

Hindi kaya si Vaughn ang nagsabi?

"Pupuntahan ko muna ang magiging kwarto ko," sabi niya kaya't napapikit ako't napahigpit ang hawak sa kutsilyo.

Kalma lang France!

Hindi naman niya malalaman. 'Di ba? 'Di ba?

Ayoko na talaga!

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

Kailangan mong umayos France! Ilang taon mong pinaghirapan 'to. Huwag kang susuko. Hindi niya malalaman. Wala kang masisira. May maaayos pa nga.

Nagpatuloy lang ako sa pagluto. Nang matapos ko na bigla kong naalala ang kwarto ko.

Sh*t!

Bakit ko ba nakalimutan 'yon? Agad akong umakyat sa taas at pumasok sa kwarto. Wala siya. Sumandal ako sa pinto at napapikit.

Muntikan na!

"Tapos ka na magluto?" napamulat ako nang marinig ko ang boses niya.

"B-Bakit n-nandito ka?" mula siya ng banyo.

Ngayon ko lang napagtantong nakahalf naked siya kaya inilayo ko ang tingin ko.

Ano ba namang lalaking 'to?!

Parusa ata 'to!

Parusa!

Pesteng Celine. Saan ka ba nagpupupuntang babae ka? Pinapahamak mo talaga ako. Umalis na nga ako sa bahay ni Angelo para makapagtrabaho ng maayos pero parang naging mas mahirap dahil sa lalaking 'to.

"They said... make your friend close... and make your enemy closer," hindi ko napansin ang paglapit niya.

Bakit ba lapit siya nang lapit?!

"Ha-ha-ha alam ko y-yon. P-pero hindi n-naman tayo m-magkaibigan para maging m-magkalapit," umayos ka France!

Umayos ka!!!

Bakit ba ako nagkakaganito?

Hindi kaya...?

No.

Hindi pwede.

Isang beses lang kaming nagkita noon. Sa bar. Imposibleng  maging ganito.

"Hah! Hindi nga! I'm not pertaining you as a friend. I'm referring you as... enemy," ayan na naman siya lapit nang lapit.

MIDNIGHT KISS Season IIWhere stories live. Discover now