Chapter 73: The Fools

125 13 0
                                    

Seb POV

Kanina pa talaga ako nagtataka kay Mika. Masyado siyang tahimik. Wala siyang imik. Napakaseryoso niya.

"Hon?" hindi pa rin niya ako pinapansin.

"Mikaela? Chanel Mikaela?" hindi pa rin siya umiimik na para bang wala siyang naririnig.

"Mika!!" doon lang siya napatingin sa akin. "Are you okay?"

"I'm sorry. What is it again?" nasa malayo nga talaga ang iniisip niya.

"Okay ka lang ba?" ano ba kasing nangyayari sa kanya.

"Yes. I was just thinking about Celine," she's thinking about Celine?

Hindi tungkol sa kuya niya o kay France? Akala ko pinag iisipan niya nanaman ang kuya niya't pinsan ko.

"What about Celine?"

"I'm just wondering if... what if Kuya is just protecting Celine?"

Protecting Celine? Bakit kakailanganin ni Celine ng proteksyon? May kaaway ba siya?

"I think Celine's safe. Siguro gusto lang talaga ng kuya mong lumayo," tumayo siya bigla.

"I'll just go to Celine's shop," umalis siya pagkatapos sabihin yon.

She sounds weird.

Ano ba kasing nangyayari sa kanya?

"Do you have France' files when she was discharged?" hindi ko man namalayan ang pagpasok ni Vaughn.

"Kinuha ni France sa akin bakit?" mukhang problemado rin siya.

Ano bang meron?

"Ask France yourself. Just don't be fooled," pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na rin siya.

Anong ibig niyang sabihin? They are really weird. Kung sila ni Kaye at Seb panay ang alis dito sa Avila, sila Vaughn naman at Mika napakaweird.

What I have to know about France?

Celine POV

Nakatingin lang ako kay Jayden habang nagluluto siya  ng hapunan namin. I really hate this set up. Me with Jayden alone is so unimaginable.

But here I am. Looking at Jayden's back while he is cooking. Ano pa nga bang magagawa ko? He is with me now. Wala na rin naman akong magagawa para paalisin siya.

Siya lahat nagluto at nag ayos ng pagkainan. Pinaupo niya muna ako bago siya umupo. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman pangiti ngiti sa harapan ko.

"Ako ba ang uulamin mo?"

"What?"

"You are looking at me like you're going to eat me," doon ko lang napagtantong kanina pa pala ako nakatingin sa kanya.

"H-hindi a!" kumuha na ko ng ulam at hindi na ko tumingin sa kanya.

"Sige kunwari naniwala ako kahit nauutal ka na sa pagsisinungaling," panunukso niya.

Hindi nako sumagot pa. Baka saan naman mapunta ang usapan namin.

"Mabuti nalang at naiwan mo ang planner mo. Nalaman kong pupunta ka rito," kaya pala nakasunod siya.

Bakit ko pa ba kasi iniiwan ang planner ko sa shop? Next time talaga hindi nalang ako magsusulat sa planner.

"I saw you earlier. Why did you cry?" sasabihin ko ba?

He is waiting for my abswer kaya napabuntong hininga muna ako bago nagkwento.

"I just got an information that hiwalay na sila mom and dad. I just couldn't believe it kasi magkasama pa sila noong graduation ko. Imposibleng hiwalay sila," ang hirap naman talaga kasing paniwalaan.

MIDNIGHT KISS Season IIWhere stories live. Discover now