Chapter 92: The Reminiscing

106 10 0
                                    

Em POV

I already asked permission from Dad to marry Kaye. Pumayag naman siya. Ayoko na rin namang maulit na ireto niya ako kay Celine.

Kasama ko ngayon si Jayden para mamili ng singsing. Panay parinig ng babaeng 'yon sa akin.

"Okay ka lang ba 'tol?" mukha kasing wala siya sa mood.

"Ha?"

"Ayos ka lang ba kako? Bakit parang wala ka ata sa sarili mo?" nakikita kong nag-aalangan siyang sabihin sa 'kin.

"Si France..."

France? Pinsan ni Seb? Anong mayroon kay France?

"What about her?"

"Am... Am I inlove?" nagulat naman ako sa sinabi niya.

I just can't imagine he would be saying this. Siya? Inlove kay France? Paano?

"Mukhang hindi ka nga okay 'tol. Bakit mo naman naiisip na gusto mo si France?"

"I don't know," naguguluhang sagot niya.

"Sigurado ka ba? Baka naman dahil hindi mo kasama si Celine kaya nasabi mo 'yan," ayokong masaktan siya tulad ng dati.

Syempre magkaibigan kami. Pagkatapos ng lahat ng nangyari inaalala ko pa rin naman siya. Ayoko na rin naman masira ang pagkakaibigan namin.

"No. I know this feeling Em. Gusto ko pa rin naman si Celine. But I'm confuse about how I feel for France," ano naman kaya ang nangyari sa kanilang dalawa ni France para magkaganito siya.

"Baka kakaisip mo lang 'yan 'tol," napatango naman siya.

After namin bumili ng singsing kumain muna kami sa isang malapit na restaurant. Para naman maiba ang iniisip ng kaibigan kong 'to.

"Bakit naman kailangan din natin pumunta?" pamilyar sa akin ang boses na 'yon.

"Jayd- pambihira!" tama nga ako si France nga.

Ang bilis naman ni Jayden at nakaupo na agad sa kinaroonan ni France. Talagang iniwan niya ako ha!

"Hi France. Hi Seb," umupo ako sa tabi ni Seb.

Magkatabi sila France at Jayden. Konti na lang talaga maniniwala na ako kay Jayden. May gusto nga ata siya kay France. Pero parang wala lang kay France.

"Congrats nga pala sa inyo ni Kaye. Nasabi sakin ni Seb," sabi ni France. Normal ba 'to sa kanya. Nagcocongrats siya pero walang kabuhay buhay.

"Salamat," sagot ko.

"Anong gusto mong kainin? Beef bourguignon, seafood paella, or wiener schnitzel?" pareho kaming napatingin ni Seb kay Jayden.

Nakangiti talaga siya kay France. Si Jayden ba talaga 'to? Mukhang wala lang kay France pero sa amin na nakakakita sa kanila iba na.

"Uhm...'tol nar-"

"My treat. Orderin mo lang lahat ng gusto mo," dagdag pa ni Jayden.

Langya. Talagang pinutol pa ang sasabihin ko. Mukhang napansin na rin France. Nakatungo lang siya kasi kanina at nakatingin sa menu.

"Or ipagluluto kita mamaya kung gusto mo," sabi pa ni Jayden.

Tulad ko tahimik lang din si Seb at nakatingin sa dalawa. Kalmadong napatingin naman si France kay Jayden.

"I can buy my own. I can cook for myself. Just mind your own okay?" sabi ni France bago pa man ibinalik ang tingin sa menu.

"But I'm too interested in you," natigilan kaming tatlo sa sinabi ni Jayden.

MIDNIGHT KISS Season IIWhere stories live. Discover now