Chapter 100: The Legendary Mosquito

101 6 1
                                    

Celine POV

Naghanda na kaming apat ni Galvan, Seb at Mika. Nasa kusina kami ni Mika samantalang nasa pool naman si Galvan. Hindi pa naman kasi sila dumadating. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang laki nga pala talaga ng bahay nila. Halos magkatulad lang sa bahay ni Madam Star.

"Did you bought your gift?" tanong ni Mika sa akin.

Gift?

I forgot! 

"Nakalimutan ko kanina. Paano ba 'to?"

Sa dinami rami namang makakalimutan ko 'yon pa. Panigurado magagalit naman nito si Kaye sa akin.

"Kleeeeeeeeeng!"

Hindi pa man ako nakaharap niyakap na ako agad ni Kaye. Bakit ba dumating agad sila? Hindi na tuloy ako makakabili ng regalo ko for them.

"Hi Celine long time no see. Buti naman at nandito ka na nga talaga finally," sabi naman ni Em.

"Nagpakalasing ka kagabi nang hindi man lang nagkukwento. Alam mo naman miss kita. Tsaka ang dami mong kasalanan sa akin!"

Natawa kami sa sinabi ni Kaye. Namiss ko rin naman siya. Namimiss ko ang pagbubunganga niya sa akin. Ang paggising niya sa akin tuwing umaga. At lalo ko ata siyang mamimiss ngayong ikakasal na siya kay Em.

"Mukhang ang saya niyo a?" napalingon naman ako sa pagdating ni Kristell.

Kasama niya si Vaughn. I remember him. Siya ang official photographer ng Avila na kasama noon ni France.

"Nice to see you again Miss Hannah Celine," bati ni Vaughn sa akin.

Sobrang laki na ng grupo. Anim ang Spades noon pero ngayon ay lima nalang pero masaya naman kasi nga dumagdag ako, si Kaye, si Seb, at saka si Vaughn.

Sana nga ganito lang lagi. Sana maging maayos na talaga. Pero hangga't hindi ko napapatunayan na hindi kami magkapatid ni Galvan. Hinding hindi pa magiging okay.

"Tara pumunta na tayo sa pool. Baka mainip doon si Renz," imbita naman ni Seb sa amin.

Ngumiti naman ako at sumunod sa kanila.

France POV

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo. Mukhang nakauwi naman ako kagabi ng maayos because I woke up in my own bed. I just can't remember anything. What really happened yesterday? Hinatid naman siguro ako ni Kristell. Good thing I have her.

"You're awake now," nakangiting pumasok ng kwarto ko si Jayden.

May dala siyang tray ng pagkain. Ano na bang oras? Bakit pa kasi ako uminom kahapon? Kung para sa lalaking 'to France ang ginagawa mo baliw ka na talaga.

"I cooked for you. It's lunch time. Masarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising," nakangiting sabi niya pagkatapos umupo sa   tabi ko.

Inirapan ko lang siya at hinanap ang cellphone ko. Baka tumawag si Sir sa akin kahapon. Patay talaga ako. Nakakalimutan ko na ang plano namin nang dahil sa lalaking 'to.

"Ako naghatid sayo rito kagabi kasi sobrang lasing mo. Kumain ka na," nakangiting sabi niya sa akin.

Ngunit sinamaan ko lang siya ako ng tingin. Is he doing this to make me fall harder? Inilayo ko ang mukha ko pero hindi siya natinag at mas inilapit niya pa ang kutsara sa bibig ko.

"Kaya kong kumain! Hindi naman ako imbalido!" sigaw ko sa kanya.

"Say whatever you want. Basta susubuan kita," kunot-noo kong sinubo iyon habang masama pa rin  ang tingin sa kanya.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon