Chapter 63: The Annulment

149 16 0
                                    

Seb POV

Ilang buwan matapos ang surgery ni France nang maghiwalay sila ni Vaughn. Doon ko napansin na nagbago ang ugali niya.

Si Vaughn ang nakipaghiwalay sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit. Kahit na ganoon nanatili pa rin naman ang pagiging magkaibigan namin.

"What's wrong with your cousin?" tanong ni Mika sa akin.

Kahit anong gawin ko hindi talaga sila okay ni France. Sabagay masama ang ugali ng tomboy na yon.

"Hayaan mo na yon hon," paano na lang kung kami na talaga ni Mika.

Magkakariot ata sa pagitan nila.

"I hate her. I knew she's two-faced," napatingin ako kay Mika.

"Pinsan ko pa rin siya Mikaela," ayokong sinasabihan niya ng ganoon si France.

France is still my cousin. Kahit gaano kasama ang ugali noon ayoko pa rin na sinasabihan siya ng masama. Lalo pa ng girlfriend ko.

"Is this 'blood is thicker than water'?" iritableng pahayag ni Mika.

Sumasakit ang ulo sa kanilang dalawa.

"Hon hindi yan ang ibig kong sabihin. Ayoko lang na sinasabihan mo ang pinsan ko ng masama kasi nga pinsan ko pa rin yon. Ako lang at sila ni mom ang natitira niyang pamilya," I really tried my best to explain my side.

"So you hate me just because of your cousin?"

Ano bang nangyayari sayo Mika? Imposible namang pinagseselosan mo si France.

"Napakadali nga ng kuya mong palitan si Celine e," napansin ko ang pagbago ng ekspresyon niya.

"My kuya is not like that Sebastian," nagagalit na siya.

"That's what I am trying to say Hon. Kahit tayo pa mas matimbang pa rin ang pamilya. So please just ignore her," pakiusap ko sa kanya.

"I just saw how close she is with Kuya. I thought they are just friends. But I saw their actions even infront of Celine. I pity Celine. If it was me, I would cry and walk out," kaya pala nagkakaganito siya.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ganoon sila ni Renz. They are too close for friends. Pero kapag tinatanong ko naman si Francine sinasabi niya na hindi niya gusto si Renz.

"Pero hindi naman gusto ni France ang kuya mo Hon. I know her. Her words are firm. Pag sinabi niyang hindi, hindi talaga," she is still mad.

"I thought if we come back here they will be okay," ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

Kung may magagawa lang sana ako.

"Idedate na lang kita para lumamig yang ulo mo," I can't let her be sad the whole day.

Celine POV

Kahit pa anong sabihin ni Mister hindi pa rin ako susuko. Alam ko mahal pa rin niya ako. Hindi niya man sabihin.

He loved me for long. At sinaktan ko siya. I deserve this. Pero hindi ko siya susukuan.

"Anong moment yan?" natatawang sabi ni Kaye.

Panira talaga siya.

"Aalis ako," isinuot ko ang sling bag ko.

"Saan ka nanaman pupunta?" tanong niya.

"Wag kang matanong. Bye bye," nginitian ko siya bago lumabas ng bahay.

Dumiretso ako sa GMH.

"Nurse Kim!" napangiti siya sa pagtawag ko.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon