Chapter 131: The France Secret Part 2

58 4 0
                                    

Jayden POV

"I doubt that. Paano kung sabihin ko sayo na ako ang dahilan bakit nagkaroon ng sunog sa hospital nila Angelo?"

Natigilan ako sandali sa sinabi niya. Pero ayokong magkamali na naman. Hangga't walang proweba hindi ako maniniwala. She's good at it. Acting like she really did something bad.

"Paano kung sabihin ko sayong maniniwala lang ako kung tatabi ka sa aking matulog ngayong gabi?" mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kanya.

Namula siya sa sinabi ko saka  tinulak ako palayo. Natawa ako sa reaksyon niya. I don't know why but I really love teasing her. I like seeing different expression shown in her face everytime I tease her.

"S-siraulo!"

"Do you want me to show the real crazy?" panunudyo ko pa rin sa kanya.

"B-bakit ka ba kasi nandito? At paano mo nalaman ang unit ko? Siguro umakyat ka sa bintana ko 'no?

"Why would I do that? Kung sobrang dali lang naman ng code ng pinto mo," I winked at her.

"Umalis ka na nga! Kung ayaw  mong ipadampot pa kita sa security!"

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang may-ari ng condo.

"It's Jayden. Jayden Chan Galvan. I'm staying at unit 1021. Hahah... not yet. She's my," napatingin ako kay France bago ko tinuloy ang sasabihin ko. "She's my soon-to be-wife."

Pinaningkitan niya lang ako ng mata at inismiran. Tinapos ko ang tawag at kinausap ulit siya.

"So? Any plans?" nakangiti ko pang-iinis sa kanya.

"Sa bahay ako uuwi ngayon. If you want to stay here then you stay. Hindi kita pipigilan," tumalikod naman siya at akmang aalis.

Pinigilan ko siya at iniharap sa akin. Nagpupumiglas siya at tinitigan ako ng masama.

"Kung makakaya mong mag-isa ako rito at hindi pa kumakain then go," matiim ko siyang tinitigan sa mata.

Her eyes.

Bakit ba ngayon ko lang napansin ang mga mata niya? Napakaganda ng mga mata niya.

"Wala akong pakialam," inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"You will really let me starve?"

Tinalikuran niya lang ako at umalis. She's so heartless! Grabe! Tinanggihan niya talaga ako? Napayuko na lang ako. Hopeless nga talaga ako.

Hahayaan niya talagang magutom ang isang Jayden Chan?

Akala ko pa naman may pakinabang ang pagiging Galvan. Wala naman ata.

"Ano bang gusto mo for dinner?"

Napaangat ako nang tingin. France? Bumalik siya? Pumunta siya sa kusina at nagsuot ng apron.

Napangiti naman ako at napalapit sa kanya.

"Sabi ko na e. Hindi mo ako matitiis," hindi ko maiwasang hindi siya yakapin.

Pero hindi rin nagtagal dahil pinalayo niya rin ako agad. Allergic ba siya sa akin?

"Kapal ng mukha mo!"

"Sabi nga ng Stick O imagination mo ang limit," naupo lang ako at pinagmasdan siya.

" Krimstix nga kasi 'yon hindi stick o," nagpatuloy siya sa 'pag luluto.

Napansin ko ang limang pack ng 'happy' sa mesa. Napakunot-noo naman ako. Ito ba ang binili ni Vaughn sa kanya na pinapasalamatan niya kanina sa tawag?

MIDNIGHT KISS Season IIWhere stories live. Discover now