Chapter 128: The Crazier

57 4 0
                                    

Celine POV

Nag-aalala na ako kay Galvan. Lagi na lang siyang busy. Tapos mukhang hindi pa siya nakakatulog ng maayos. Dapat kasi hindi ko na lang sinabi sa kanya ang tungkol sa sinabi ni Jayden.

"Celine..."

Natigilan naman ako. Bakit nandito siya? Alam niya na sigurong alam ko ang tungkol sa ginawa niya.

"Mommy," nanatili lang akong nakatayo. "Bakit kayo nandito?"

Masama pa rin ang loob ko sa kanya. Lalo na sa pagpapalabas nila na magkapatid kami ni Galvan.

"I want you to know na dito na ako tutuloy sa bahay natin. I won't leave you anymore Celine," nakangiti pa niyang sabi.

"What?"

"Alam ko galit ka sa akin. Pero ginagawa ko lang 'to para sa ikabubuti mo. Ayokong mapahamak ka," dagdag pa ni mommy.

"Mapahamak? Mom mabuting tao si Galvan," hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa sarili kong ina.

"Marami kang hindi alam Celine. Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo pa kilala ang pamilya nila," dagdag pa ni mommy.

"Then tell me mom. Ano ba ang mga hindi ko nalalaman tungkol sa pamilya ni Galvan? Kasi para sa akin hindi ko na kailangan pang malaman 'yon. Sapat nang mahal ko siya at mahal niya ako. Kaya kung ayaw niyo mas lalo pa akong magalit sa inyo hahayaan niyo kami ni Galvan," sabi ko kay mommy bago umalis.

Doon na muna ako siguro sa Midnight's Coffee. I don't want to be stress. Nagbago talaga si mommy. Okay naman siya noon kay Galvan. Bakit ngayon sinasabi niyang hindi pwedeng maging kami ni Galvan?

"Mommy!"

Napatingin naman ako sa tumawag na mom.

"Meiru?"

Anak 'to ni Dion a? Bakit nandito siya? Kung ganoon nandito rin ang daddy niya! Sana naman hindi pumunta si Galvan dito. Baka kung ano naman ang isipin niya. Nakaschool uniform pa 'to. Nag-aaral na pala siya.

"Where's your dad?"

"Iniwan po siya rito ni Sir Dion. Walang pasok po kasi si Meiru. Gusto ka raw niya dalawin," sabi sa akin ni Kyle.

Napakunot-noo naman ako. Bakit ganyan siya makatitig kay Meiru? 'Yong titig na parang may gusto siya kay Meiru. Ang bata pa kaya ni Meiru! He is 13 and Meiru's just 5 years old. He is 8 years older! 

"Kyle bumalik ka na roon. Ako na ang bahala kay Meiru," nag-aalangan pa ito bago bumalik sa storage.

Bumaling naman ang atensyon ko kay Meiru. She's so cute. Little Dion talaga. Mahal na mahal siguro ng mommy niya si Dion kaya naging magkamukha talaga sila.

"Don't look that way at my daughter," nawala naman ang ngiti ko nang marinig ko na naman ang boses na 'yon.

Dion.

"Nagagandahan lang ako kay Meiru. Wala akong masamang gagawin sa anak mo," then I rolled my eyes at him.

I saw him smirked kaya mas lalong nainis ako sa Dion na 'to.

"Wala naman akong sinabing may gagawin kang masama sa anak ko. It bothers me when you look like that at Meiru," nanatili pa rin itong nakangisi.

"Ano bang mali sa pagtitig ko kay Meiru?"

"It feels like you're looking at me too," napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Ang kapal mo alam mo ba 'yon?" naiiinis kong saring sa kanya.

"Say whatever you want. Anyway, iiwan ko muna rito si Mei. I enrolled her at the school near here last time. Hindi ako nainform na wala silang pasok ngayon. Walang magbabantay kay Meiru sa bahay dahil wala ngayon ang yaya niya. Babalik ako by 2pm. If it's okay," he looked sincere.

MIDNIGHT KISS Season IIWhere stories live. Discover now