GS: THB Chapter Thirty Three

6.5K 137 2
                                    

GS: THB Chapter 33
ImaginationNpaper

Sachi's POV

Sobrang excited pa naman ako noong patungo ako sa office ni Grey, kasi unang beses ko nag-effort para sa kan'ya tapos iyon pa iyong naabutan ko. Sobra akong nanginginig sa galit kanina, sobrang sakit sa dibdib na malaman na pinagpustuhan lang pala nila ako. Na hindi pala totoo lahat, na wala lang pala ako kay Grey. Mas lalo akong nasaktan nang malaman ko na magkapatid din sila ni Owen, ni hindi man lang nabanggit sa akin ni Owen kaya sigurado ako pinagkaisahan yata nila ako. Mas pinili ko na lang na maglakad at hayaan ang aking mga paa kung saan ako dalhin, gusto ko muna lumayo saglit. Masaya na sana ako eh, tapos pakiramdam ko pa ang suwerte-suwerte ko iyon pala hindi totoo.

Wala akong pakialam sa mga matang napapatingin sa akin sa tuwing nakakasalubong ako, umiiyak pa rin kasi ako dahil laging pumapasok sa isipan ko na niloko lang ako ni Grey. Ako namang si tanga, nagpaloko rin. Agad naman akong natigilan nang may biglang humawak sa braso ko sabay pinaharap ako sa kan'ya.

"Sachi bakit mag-isa ka-"

Agad naman siyang natigilan nang mapanasing umiiyak ako, "May ginawa ba si Grey sa 'yo?" nagaalalang tanong nito.

Agad ko namang pinahid ang aking luha sabay malakas na binawi ang aking kamay, "Sa lahat ng pagkakataon na nagkasama tayo Owen, ni minsan ba hindi ka na-guilty?" diretsong tanong ko rito.

"Sachi anong ibig mong sabihin?" naguguluhan nitong tanong.

"Ni minsan ba inisip mo na kapag nalaman ko ang totoo ay masasaktan ako? Owen ni minsan ba inisip mo na tinuring mo ba talaga akong totoong kaibigan? Kasi Owen, ako totoo lahat ng pinakita ko sa inyo." Humihikbing saad ko rito.

"Sachi i'm sorry, sinubukan naman kitang kausapin tungkol sa amin ni Grey eh pero naduduwag ako. Na baka kapag ginawa ko iyon ay luyan mo ako," paliwanag naman nito.

"Grabe! Ang daming pagkakataon na puwede niyo sana sabihin sa akin pero mas pinili niyong itago iyon. Tapos pinatagal niyo pa? Alam mo rin ba na may pinlano sila Grey sa akin?" humahagulgol ng tanong ko rito.

"Oo alam ko pero hindi talaga alam kung anong balak nila," sagot naman nito na mas nagpaiyak sa akin.

"Ang gago niyo! Ginawa niyo talaga akong tanga, alam mo ba kung gaano kasakit? Na malaman ko na pinagpustahan lang pala ako ng taong minahal ko." Mariin na saad ko rito.

Kumunot ang noo nito na para bang nagulat sa sinabi ko, "Huwag ka magmalinis Owen! Alam naman nating pareho na may alam ka pero hindi mo sinabi sa akin, na kahit may ideya ka na hinayaan mo lang! Oo nga pala, magkapatid nga pala kayo." Saad ko rito.

"Pinagpustahan ka nila ni Lance? Sinasabiko na nga ba! Sachi sinubukan nama kitang ilayo kay Grey dati eh, pero nakikita ko kasi na napapalapit ka na sa kan'ya."  Sagot naman nito.

"Ewan ko ba, hindi na yata gumagana puso ko bakit ang hirap sa akin na paniwalaan ang mga sinasabi mo. Pero sana naging masaya kayong tatlo na naloko niyo ako, na nahulog ako sa patibong niyo." Bulyaw ko rito.

"Believe me, wala akong kinalaman sa plano nila." Pagpupumilit nito.

"Wala kang kinalaman pero alam mo? Owen, tinuring kitang kaibigan kasi akala ko totoo ka. Pareho lang din pala kayo ni Grey, mga manggagamit!" sigaw ko sabay tumakbo palayo sa kan'ya.

Kailangan ko ito iiyak lahat ngayon, hindi ako puwede maging mahina. Kailangan ako ng dalawa kong kapatid kaya kailangan malakas ako. Napaupo naman ako sa gilid ng park nang tuluyan ng bumigay ang tuhod ko, humihikbi pa rin ako habang pilit inaalis sa isip ko iyong mga narinig ko kanina. Nang medyo nahimasmasan na ako ay pinili ko na lang umuwi, kailangan ko ng lakas para patuloy na mabuhay. Kailangan ko makita ang mgakapatid ko kasi sila iyong lakas ko.

Nakatulala lang ako habang nasa biyahe doon na ako bumalik sa aking huwesiyo nang tanungin ako noong driver na bababa na raw ba ako, napansin ko naman na lumampas pa ito ng kaunti kaya naglakad na lang ako papasok sa amin. Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay nakita ko si Grey na nakaupo sa sala namin at nakayuko.

Magaling! Hindi nagdala ng sasakyan para hindi ko malaman na nasa loob pala siya. Iyong mga kapatid ko naman ay nasa kusina at nagsusulat.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ko rito.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kirot nang makitang namumugto ang mata nito nang tumama ito sa aking mata at my sugat ang kamao.

"Sachi let's talk," malumanay na saad nito.

"Zaphyr, Jase may ulam na ba? Bumili muna kayo sa kanto oh," utos ko sa kanila. Agad naman silang tumayo at kinuha ang perang inabot ko.

Nang masigurado kong malayo-layo na sila ay hinarap ko si Grey.

"Ayaw ko!" mariin na sagot ko rito.

"Let me fix this, mahal kita at totoo iyon kaya sana naman paniwalaan mo ako." Saad nito habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Bitawan mo nga ako Grey! Ang kapal talaga ng mukha mo para humarap pa sa akin, nakuha mo na iyong gusto mo Grey kaya hindi mo na kailangan magpanggap pa. Nahulog na ako sa 'yo, nasuko ko na iyong pagkababae ko sa 'yo. Ano pa bang gusto mo?" Hindi ko na napigilan ang aking luha sa pagtulo, nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak.

"Hayaan mo naman akong ayusin 'to oh, Sachi mahal na mahal kita. Please, kahit iyon na lang ang paniwalaan mo. Totoo ang nararamdaman ko sa 'yo, lahat ng pinakita ko sa 'yo totoo." Seryosong saad nito.

"Pero sinimulan mo 'to sa kalokohan, siguro kaya gusto mo itigil na kasi na-gu-guilty ka na wala naman akong ginawa sa inyo pero nagawa niyo akong lokohin. Grey mahal kita, pero mas nagingibabaw iyong sakit at pagkamuhi ko sa 'yo. Wala ka naman ng makukuha sa akin eh kaya huwag ka na mag-aksaya ng oras sa akin. Humanap ka na ng bago mong target." Nakangisi kong sagot dito.

Napayuko naman ito sabay trapo sa luha niya, "Gagawin ko lahat mapatunayan ko lang sa 'yo na totoo at-"

"Shut up! Sa 'yo ko nakita na kahit manloko lang ng tao eh kailangan ma-effort. Ang effort mo nga noong simula 'di ba? Grey huwag na, okay lang ako. Lubayan niyo na lang ako, kayo ni Owen. Sana hindi na magtagpo ang mga landas natin!" mariin na sigaw ko sabay hinila ito palabas ng bahay. "Huwag ka na bumalik dito, kalimutan mo na lang na nakilala mo ako dahil iyon din ang gagawin ko." Saad ko sabay tuluyang sinara ang pinto.

Napakagat na lang ako sa pangibaba kong labi para hindi mapalakas ang ang aking pag-iyak. Napapikit naman ako nang marinig na umiiyak si Grey habang kumakatok. "Hahayaan na muna kita ngayon pero hinding-hindi kita susukuan. Tandaan mo iyan, mahal na mahal kita kaya hinding-hindi ako bibitaw." Humihikbing saad nito.

Gusto ko sana buksan ang pintuan sabay yayakapin siya pero hindi kasi ganoon kadali eh, mahal ko siya pero sobra akong nasasaktan...

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat