GS: THB Chapter Six

9.6K 239 3
                                    

Grey Samson: The hot Billionaire C.6

"Stop!" biglang sigaw ko na ikinagulat ni Jona.

"Ano bang problema mo?" naiinis na tanong nito sabay tumayo.

Dali-dali kong kinuha ang aking wallet at naglabas ng pera, tinapon ko 'yon sa mukha ni Jona at dali-dali ring nagbihis.

"Saan ka ba pupunta?" tanong nito.

"Wala ka ng pakialam! Hindi kita girlfriend, binabayaran lang kita." Diretsong sagot ko rito sabay tuluyan ng umalis.

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok nang makitang umuulan pala. Pero hindi ako nagpapigil, nagpahatid ako sa driver ko sa bar na pinuntahan ko at kung saan ko nakilala si Sachi. Agad naman nila akong nakilala noong pagkarating na pagkarating ko.

"Sinong nakakakilala kay Sachi rito?" diretsong tanong ko.

Bigla naman silang nagkatinginan at natahimik.

"Ikaw! Hindi 'ba ikaw ang may-ari ng bar? Sabihin mo sa akin, taga saan si Sachi!" bulyaw ko rito.

"H-Hindi ko po alam, s-si Darwin at Cheska ang kaibigan ng babaeng 'yon." Nauutal na sagot nito sabay turo sa magkatabing bakla at babae.

"Sagutin niyo ang tanong ko," kalmado ko pang saad dito.

Biglang nag-init ang aking ulo nang makitang umiling ang mga ito.

"Isa, dalawa, tatlo-"

"Heto na po! Ito po 'yong address niya," nanginginig na saad noong isang babae sabay inabot sa akin ang maliit na papel.

"Sasabihin naman pala, papatagalin pa." Umiiling na saad ko.

Agad ko namang binigay sa driver ko ang nakuha kong address, alam niya raw ang lugar na 'yon pero maliit nga lang daw ang daanan papunta roon.

"Dumaan tayo sa super market o saang bilihan, bumili ka ng maraming pagkain at dadalhin ko kay Sachi." Utos ko sa aking driver.

"Sige po," sagot na lang nito.

Mayamaya pa ay tumigil na kami sa isang malapit na mall, binigay ko sa kan'ya ang debit card ko at sinabihan na bumili ng kung ano. Luto man o hindi, basta pagkain. Hinilot ko na muna ang akinh sentido, habang nakasandal sa upuan.

"Ano bang ginawa sa akin ng Sachi na 'yon at nagkakaganito ako?" mahinang saad ko.

Hindi ko namalayan nakaidlip pala ako kakahintay sa driver ko, doon na ko na alimpungatan nang maramdamang umaandar na ang sasakyan.

"Nabili mo ba lahat?" diretsong tanong ko sabay umayos ng upo.

"Yes po, tsaka ito na po ang card niyo." Sagot nito.

Napatango naman ako nang makita ang mga pinamili nito. May dalawang box ng pizza, dalawang box ng cake at bundle meal na galing sa isang fastfood chain. May mga raw foods din at mga prutas.

"Parang unang beses mo 'tong ginawa para sa isang babae boss ah," saad ng aking driver.

"The hell you care?" sagot ko rito.

Sanay na ito sa akin kaya hindi na rin ito pumapalag. Bigla naman itong bumaba at lumapit sa nakatayong lalaki na nasa gilid ng daan. Agad kong nilibot ang aking paningin sa lugar na 'yon, napangiwi ako nang mapansing parang squatter area 'yon. Bumalik na rin agad 'yong driver ko at nagmaneho ulit.

"Malapit na tayo Sir," saad nito.

"Mabuti at kaya pang pumasok ng sasakyan natin, ayaw ko rin maglakad sa daan na 'yan." Sagot ko at napapangiwi kung paano tignan ng mga nakatambay roon ang aking sasakyan.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon