GS: THB Chapter Twenty Five

5.9K 125 2
                                    

GS: THB Chapter 25
ImaginationNpaper

Sachi's POV

Hindi ko mapigilang mapangiti sa ginawa ni Grey, akalain mo 'yon may tamis din pala ito sa katawan. Pero hindi ko alam, may parte sa akin na hindi mapigilang malungkot dahil aalis siya. Nasanay na kasi akong lagi siyang nandiyan at nangungulit, marami siyang makakasalamuha roon pero may tiwala naman ako sa kan'ya. Kung sisirain niya 'yon, desisyon niya na 'yon. Pero bigla akong napaisip sa nangyari kahapon, unang beses ko kasi siyang nakitang nagkaganoon na para bang takot na takot at punong-puno ng pagaalala ang mga mata. Tapos may mga sinabi siya tungkol kay Owen, imposible namang sinisiraan niya lang ito eh sa reaksiyon niya kahapon na para bang wala na sa sarili.

Hindi ko rin naman pinapansin si Owen kahapon, nagkasagutan kami noong nakaraang araw kaya minabuti kong huwag muna siya kausapin. Hindi rin ito nagtangkang kausapin ako pero nahuhuli ko itong panay ang tingin sa akin, nagtaka nga ako na noong lumapit siya ay siya ring pagdating ni Grey eh.

"Tama na nga! Hindi ko na muna sila iisipin, rest day ko ngayon kaya dapat stress free na muna." Saad ko sa aking sarili at hinanda an ang pancake para kainin. Sayang at hindi man lang ito natikman nina Chase at Zaphyr, pero may cake naman kaya okay lang din. Nang buksan ko ito ay hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ang nakasulat doon.

"Hay naku Grey, sana lang talaga kaya ko pa pigilan ang sarili ko." Saad ko sabay naalala ang ilang beses niyang pagsabi sa akin na mahal niya ako.

"Totoo na kaya 'yon?" tanong ko sa aking sarili.

Matapos kong kumain ay naglinis na lang ako tsaka naglaba, nilibang ko ang sarilo ko sa mga gawaing bahay. Bigla namang sumagi sa isip ko sina Cheska at Darwin, kamusta na kaya sila? Matapos ang mga gawaing bahay ay naligo na rin ako, may pagkain pa naman sa ref namin at malapit na ang sahud namin kaya next time na lang ako mamamalengke. Napakunot naman ang aking noo nang marinig na may kumakatok sa pintuan namin.

"Wala naman akong inaasahang bisita eh, huwag lang sana ito si Owen." Saad ng isip ko.

"Sandali," saad ko sabay binuksan na ang pinto.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang salubungin nila ako ng yakap, "Girl long time no see!" saad ni Darwin habang yakap-yakap ako.

"Cheska! Darwin!" tuwang-tuwa kong sambit habang magka-group hug.

"Hindi ka man lang bumisita sa bar, miss na miss ka na kaya namin." Saad sa akin ni Cheska.

"Pasensya na medyo busy lang sa trabaho, halina kayo't pumasok." Nakangiti kong saad.

"Ang linis naman," saad ni Cheska.

"Teka bakit nga pala kayo nandito?" pagiiba ko ng usapan.

"Binibisita ka lang namin, nakasahud na kasi kami tsaka heto oh may dala kaming pizza at softdrinks." Saad ni Darwin sabay tinaas ang dala nito.

"Hala nagabala pa kayo!" umiiling na saad ko.

"Ano ka ba, okay lang naman. Tsaka girl, rest day namin!" saad ni Cheska.

"Ako rin! Awe, ang saya ko." Saad ko sabay ngumuso.

"Kinakabahan nga kami ni Darwin eh, kasi baka wala ka ngayon tapos hindi namin alam saan ka na nag-t-trabaho." Saad ni Cheska.

"Pasensya na talaga at hindi na ako nakapag-update sa inyo ha? Medyo busy lang talaga sa trabaho, nasa coffee shop na ako ngayon. Tinulungan ako ni Owen na makapasok doon, siya kasi may-ari." Saad ko rito.

"Ay bongga! Mabuti na rin 'yon kasi alam namin na kailangan mo talaga ng trabaho, tsaka ano nga pa lang balita sa inyo ni Mr. Grey Samson?" tanong ni Darwin.

"Hala, ba't mo naman natanong?" takang tanong ko rito.

"Nakalimutan din kasi namin na sabihin sa 'yo na may araw noon na sumugod si Grey sa bar, galit na galit ang lolo mo. Akala nga namin susuntukin na kami eh, nagulat kami at ikaw ang hinahanap. Hindi naman sana namin sasabibin eh, pero pinilit kami." Paliwanag nito.

Tsaka ko naalala ang araw na pumunta si Grey dito, oo nga pala. Bakit hindi ko naisip na paano siya nakarating dito? Punong-puno pa kasi ako ng galit sa kan'ya ng mga panahong 'yon.

"Napatulala ang lola niyo! May namamagitan na ba sa inyo?" excited na tanong ni Darwin.

"Ano ba, huwag na nga siya ang pagusapan natin." Sagot ko at naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.

"Omg! Nagiging kamatis ka!" natatawang saad ni Cheska.

"Oo na, ano nililigawan niya na ako pero hindi ko alam. Masyadong imposible, hindi pa nga nag-si-sink in sa akin hanggang ngayon eh, para bang sa tuwing magkasama kami ay nasa panaginip lang ako." Saad ko sa kanila.

Napatakip naman ako sa tenga ko nang sabay silang tumili, "Kinikilig ako!" tumitiling sigaw ni Cheska.

"Girl it's a big fish!" saad ni Darwin.

"Iyon na nga eh, kaya pinipigilan ko ang sarili ko kasi biruin mo 'yon? May bilyonaryong magkakagusto sa katulad kong dukha?" umiiling na saad ko.

"Ang liit naman ng tingin mo sa sarili mo girl! Malay mo 'di ba? Baka si Grey pala talaga ang nakalaan sa 'yo," saad ni Darwin.

"Kasi naman eh, ang layo talaga ng agwat namin sa buhay." Malungkot na saad ko.

"Girl kapag love na ang pinagusapan wala itong sinusukat na estado sa buhay, pero kilalanin mo muna si Grey. Baka may ibang pakay din 'yan sa 'yo," saad ni Cheska.

"Kaya nga eh," sagot ko sabay buntong hininga.

"Wait nga, kain na muna tayo." Saad ni Darwin at binuksan na ang pizza.

"May cake rin dito oh," saad ko sabay tumayo at nilabas ang cake.

"Wow, anong meron?" tanong ni Cheska.

"Wala naman, binigay 'to ni Grey kanina. Dinaan niya bago siya pumuntang airport," sagot ko naman.

Muntik ko pa itong mabitawan nang sabay na naman silang tumili.

"Iba na talaga 'yan girl!" saad ni Darwin.

Napailing na lang ako rito at nilapag ang cake at kumuha ng mga plato at tinidor. Binuksan naman 'yon ni Darwin at sabay silang nagkatinginan ni Cheska nang mabasa ang message na nandoon.

"Ibang level na talaga 'to girl!" saad ni Darwin sabay pumapalakpak pa.

"I agree, omg ang sweet naman." Sang-ayon ni Cheska rito.

"Kayo talaga, kumain na nga lang kayo." Natatawang sagot ko.

"Kumuha ka muna ng extrang plato para malagay 'tong dalawang hiwa ng pizza para sa mga kapatid mo." Utos ni Cheska sa akin.

Ayaw ko sana kasi nakakahiya pero pinandilatan ako ng mata ni Darwin kaya kumuha na lang ako. Ang dami nilang tanong tungkol kay Grey, sinasagot ko naman tapos panay tili pa ang mga ito. Sulit naman 'yong rest day ko, nakasama ko ulit sila. Sinulit din nila ang rest day nila at nandito pa rin sila kahit gabi na, nag-ambag-ambag kami dahil magluluto raw kami ng inihaw na isda. Tuwang-tuwa naman sina Zaphyr at Chase nang makitang may mga pagkain. Si Darwin ang inutusan naming bumili ng isda at kami naman ang naghanda ng paglulutuan. Walang mapaglagyan ang saya ko, sobra ko  rin kasing na-miss ang dalawang 'to eh.

"Ate sino bumili noong cake?" tanong ni Chase.

"Bigay 'yan ni Grey," sagot ko naman.

"Ate pasabi sa kan'ya thank you," saad naman ni Zaphyr.

Tumango naman ako rito at kinuha ang aking cellphone, napakunot naman ang aking noo nang makitang may message galing kay Grey.

"I'm already here, missing you already." Na may sad emoji pa.

"Ingat! Salamat daw sa cake sabi nila Chase." Reply ko rito.

Matapos ko 'yon e send ay tinulungan ko na si Cheska sa ginagawa niya.

"Hay naku Grey, naiisip na naman kita!" saad ng isip ko.

Paglingon ko naman sa harapan ng aming bahay ay nakita ko ang sasakyan ni Owen.

"Ano kaya ang kailangan nito?"

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon