GS: THB Chapter Ten

7.9K 186 3
                                    

GS: THB C.10

Grey's POV

"What?" hindi makapaniwalang saad ko sabay inikot ang swivel chair na inuupuan ko.

"Yes Grey, nauungusan ka na ni Owen." Sagot sa akin ni Lance na kampante lang na nakaupo sa couch sa loob ng opisina ko.

"Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan? I need to confirm that!" naiinis na sagot ko rito.

"Ang init naman yata ng ulo mo, Grey bakit gan'yan ka kung mag-react? Does it mean, panalo na ako?" natatawa nitong saad.

"Shut up Lance! Show me some prove para maniwala ako." Pagmamatigas ko pa rin.

"You want prove?"  Saad nito sabay tumayo at pinakita sa akin ang picture ni Owen at Sachi na magkasama sa coffee shop.

"How come?"

"Huwag mo na alamin, ang gawin mo na lang ay gumawa ka ng paraan para makapuntos kay Sachi. Ang tagal mo naman yata Grey, naiinip na ako." Umiiling na saad nito.

"Move na kamo? Halika, samahan mo ako." Saad ko rito at tuluyan ng lumabas ng opisina. Sumunod naman ito at pumasok na rin sa loob ng sasakyan ko.

"Sa flower shop na alam mo," diretsong saad ko sa driver.

"Sige po," sagot nito at nagsimula ng magmaneho.

"Wow, bago 'yon ah?" pangaasar nito.

"Ayaw niya ng dahas kaya dadahan-dahanin ko siya." Sagot ko rito.

Agad naman huminto ang sasakyan nang nasa harap na kami ng isang flower shop. Bumaba ako at naghanap ng magandang bouquet na ibibigay kay Sachi.

"Anong best seller niyo rito?" tanong ko sa babaeng nandoon.

"Heto po Sir, white roses symbolizes purity. Habang 'yong red roses naman symbolizes love and affection." Paliwanag nito sa disenyo ng bouquet.

"How much?" tanong ko rito.

"Six thousand pesos po," sagot nito.

"Just make sure na magugustuhan iyan ng pagbibigyan ko," saad ko rito.

"Sigurado po ako, sa ganda ba naman ng mga bulaklak na 'to? Fresh from baguio pa nga po 'yan eh." Confident na sagot nito.

"Okay then," sagot ko sabay abot sa kan'ya ng pera.

"Thank you Sir," pagpapasalamat nito at inabot sa akin ang bouquet.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang amuyin ko ito, sobrang presko pa nga.

"Wow naman, kung wala lang tayong deal Grey baka iisipin kong in love ka na sa babaeng 'yon dahil sa mga ngiti mo." Saad ni Lance pagkapasok na pagkapasok ko.

"Baliw, do you think mahuhulog ako sa dukhang 'yon? No Lance, sobrang layo namin ng standing sa buhay." Sagot ko at nagpahatid na sa coffee shop ni Owen.

"Should I write my name?" tanong ko rito.

"Of course Grey! Kailangan 'yon para maramdaman niyang mahalaga siya sa 'yo." Natatawa nitong sagot.

"Nandito na po tayo," saad ng aking driver.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan,  unang beses ko 'to ginawa sa babae men!

"Baba ka na," saad ni Lance.

"Anong ako? Ikaw na, sabihin mo na lang galing sa akin."

"Grey naman! Paano mo ma-be-beat si Owen kung pagbigay lang ng bulaklak 'di mo mabigay?"

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Where stories live. Discover now