GS: THB Chapter Sixteen

6.3K 156 4
                                    

GS: THB C.16
ImaginationNpaper

Warning:R-18!!!

Sachi's POV

Napangiwi ako sa sinabi nito, lalasing-lasing hindi naman pala alam ang daan pabalik sa bahay nila.

"Manahimik ka nga Grey, bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko ulit dito.

Lumapit ito sa akin sabay bigla akong niyakap, pinatong nito ang ulo niya sa aking balikat. Napakunot naman ang aking noo nang maramdamang namamasa ito, akala ko tumulo ang laway pero bigla akong nanlamig nang marinig itong humihikbi.

"Grey umiiyak ka ba?" tanong ko rito.

"Ang bigat na kasi sa pakiramdam Sachi, ang sakit-sakit na at wala akong mapagsabihan."

"Bakit, ano bang nangyari? Grey naman eh, hindi ako sanay na nagkakaganito ka." Nagaalala ng saad ko rito.

"Galit na galit ako sa kan'ya Sachi, pero bakit ganoon? Miss na miss ko pa rin siya, ni hindi siya mawala sa isip at puso ko. Kahit na mas pinili niya 'yong iba kesa sa amin ni Mommy."

Napakagat na lang ako sa aking labi, nakayakap pa rin ito sa akin at hindi ko alam kung paano ito i-co-comfort kaya malumanay ko na lang na hinahaplos ang likuran nito. Hinayaan ko lang ito magsalita nang magsalita, pilit ko mang iniiwasang maapektuhan baka kasi gumagawa lang ito ng kuwento pero ramdam ko kasi 'yong sakit sa bawat salitang binibitawan niya.

"Ako 'yong legal na anak eh, si Mommy 'yong totoong asawa. Kami 'yong legal na pamilya Sachi, pero mas pinili niya ang kan'yang kabit at bastardo! Sachi ang sakit sa akin na halos gabi-gabi kong narirnig si Mommy, umiiyak ito at kinakausap ang sarili kung saan ba siya nagkulang kung bakit hindi kami ang pinili."

"Grey asan na ba 'yong Daddy mo?" tanong ko rito.

"Sumakabilang bahay, mas pinili niya 'yong mahirap na buhay kesa sa karangyaan. Sachi mayaman naman na kami eh, hindi niya na kailangan pa magtrabaho. Kaya ko silang buhayin ni Mommy. Kaya ko ibigay ang buhay na hindi kayang ibigay ng bastardo at kabit niya!"

Humarap ito sa akin, bigla akong nakaramdam ng kirot nang makita itong luhaan. Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang nasa likod ng kilalang pangalan ni Grey. Oo ang yaman niya pero nangungulila pala siya sa pagmamahal ng ama niya dahil wasak ang pamilya niya. Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Owen, sabi niya mayaman si Grey pero hindi masaya ang pamilya.

"Pasensya ka na kung sa 'yo ko ito nasabi lahat ha? Hindi ko na kasi talaga kaya, ang bigat-bigat na sa damdamin." Saad nito habang nakatitig sa akin.

Pinunasan ko ang luha nito gamit ang aking palad sabay nginitian.

"Ang tapang-tapang tapos umiiyak pala!" pang-aasar ko rito.

Sumimangot naman ito na para bang nagtatampo, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Ngayon ko lang nakita na may ganito pala siyang side, sana pala lagi na lang siyang lasing. Napailing na lang ako sa aking naisip.

"Tahan na, siguro may rason ang Daddy mo kaya hindi kayo ang pinili. Siguro nakita niya kung gaano ka katapang, naniniwala siya sa 'yo na kaya mong alagaan ang Mommy mo kahit wala siya. Grey hindi mo naman kailangan magtanim ng sama ng loob sa Daddy mo eh, dahil kahit baliktarin man ang mundo... Siya pa rin ang Daddy mo, hindi kita minamadali pero sana kapag dumating ang tamang panahon ay unti-unti mo siyang mapatawad. Kailangan ka ng Mommy mo, kaya sana huwag ka sumuko o huwag mo siya sukuan." Pagpapagaan ko sa loob nito.

"Hindi nga ako nagkamali ng nilapitan, salamat Sachi." Saad nito sabay niyakap ulit ako, tinugon ko naman iyon para maramdaman niyang may tao pa rin na naniniwala sa kan'ya.

"Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita para maibsan ang pagkalasing mo." Alok ko rito.

Nakatitig lang ito sa akin, bigla namang bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya namilog ang aking mata. No!

"Mahal mo na ba si Owen?" tanong nito sa akin.

"Eh! Bakit biglang napunta sa kan'ya ang usapan?" kunot noong tanong ko sa kan'ya.

"Sachi, bigyan mo naman ako ng pagkakataon oh. Gusto pa kasi kitang makikala, pagbigyan mo naman ako Sach." Seryosong saad nito.

"Binibigyan naman kita 'di ba? Grey lasing ka lang kung ano-ano na pinagsasabi mo. Sige na, ipagtitimpla namuna kita ng gatas."

Tatayo na sana ako nang bigla nitong hinawakan ang aking kamay sabay tumayo, hinapit nito ang aking bewang palapit sa kan'ya kaya halos mawala na ang pagitan sa aming dalawa. Kaunting galaw ko lang ay lalapat na ang labi ko sa labi nito.

"Grey ano-"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla niyang sakupin ang aking labi. Maling nagulat ako dahil napaawang ang aking bibig, dahilan para mas mabigyan siya ng pagkakataon na malayang maangkin ang loob nito. Napangiwi ako nang malasahan ang lasa ng alak sa bibig nito, gusto ko sana siya itulak pero ayaw makisama ng aking katawan. Napahawak ako sa magkabilang balikat nito nang maramdamang palalim na nang palalim ang halik nito.

"Hmm," napaungol ako nang bigla niyang kagatin ang aking pangibabang labi na para bang gigil na gigil.

Agad naman akong humiwalay rito nang maalala na nasa sala kami, baka mamaya ay magising ang mgs kapatid ko.

"Grey baka magising 'yong kapatid ko," saad ko nang hindi pa rin ito tumitigil sa paghalik sa aking leeg.

Hindi ko alam pero bigla akong nawala sa aking sarili, bakit parang gusto ko rin na may mangyari sa amin?

"Hindi 'yan, tara sa kuwarto mo." Saad nito sabay kinarga ako. Agad niya namang ni-lock ang pintuan at dahan-dahan akong nilapag sa aking higaan.

Napakagat ako sa aking labi nang magsimula na itong maghubad ng damit at pantalon, ang natira na lang ay ang suot niyang boxer. Namilog ang aking mata nang makitang umbok na umbok iyon para bang galit na galit at gusto ng makawala.

Muli itong dumagan sa akin at hinalikan ang aking labi, napapapikit ako sa sensasyong dinudulot nito. Magagaan na mga halik ang ginagawa nito mula sa aking tenga pababa sa aking leeg. Mayamaya pa ay hinubad na nito ang aking damit, wala na akong ibang saplot sa pang-itaas dahil matutulog na sana ako noong dumating siya.

Kumurba ang ngiti sa labi nito at matamang tinitigan ang aking dibdib, bigla namang namula ang aking pisngi sa ginawa nito.

"Sinasabi ko na nga ba, ang ganda mo talaga." Saad nito habang nakaibabaw sa akin. Pinipigilan kong mapaungol nang malakas nang dumampi ang labi nito sa aking leeg pababa sa aking dibdib. Napasabunot ako sa buhok nito nang palipat-lipat niyang angkinin ang aking dibdib gamit ang labi nito.

Bakit ko ba 'to hinahayaang mangyari? Bakit parang masaya ako na siya ang gumagawa nito sa akin...

Hinihimas ng kamay niya ang kabila kong dibdib habang inaangkin naman ng labi niya ang kabila nito. Mayamaya ay tumigil ito sabay tuluyang tinanggal ang huling saplot na natitira sa kan'ya...

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora