GS: THB Chapter Twelve

6.7K 150 2
                                    

Grey Samson: THB C.12
ImaginationNpaper

Owen's POV

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa pinaplano ni Grey, alam kong may plano ito. I know him a lot, alam kong hindi lang siya basta sa kagaya ni Sachi mahuhulog.

Oh, Lance.

Agad ko namang dinial ang numero nito, mayamaya pa ay sumagot din ito agad.

"Long time no talk my dear friend, napatawag ka?" salubong agad ni Lance sa tawag ako.

"Lance tell me, alam kong may alam ka sa pinag-gagawa ng kaibigan mo. Sabihin mo na sa akin." Diretsong saad ko rito.

"Talagang tumawag ka pa para riyan ha? You can ask Grey, ayaw ko na manggaling sa akin." Sagot naman nito.

"Lance," seryosong saad ko rito.

"Wala akong sasabihin Owen, loyal ako sa pagkakaibigan namin ni Grey no matter what kaya wala kang makukuha sa akin." Saad nito sabay binaba ang tawag.

Sinasabi ko na nga ba! Alam kong may pinaplano ang mga ito, kaya hanggat kaya ko ay ilalayo ko si Sachi sa kan'ya. Naisipan ko namang tawagan si Grey, mas mabuti na 'yong sa kan'ya galing kung ano ang ginagawa nila.

"Hello Owen, anong problema at himalang napatawag ka?" salubong nito sa tawag ko.

"I knew it Grey, may plano ka kay Sachi hindi 'ba?" diretsong tanong ko rito.

"Oh! Kanino ka naman galing niyan?" saad nito na para bang natatawa.

"Grey alam mong hindi kita hahayaan sa pinaplano mo, gagawin ko lahat huwag lang matuloy 'yang plano mo." Pagbabanta ko rito.

"I don't care Owen, gawin mo na lahat wala akong pake! Tsaka bakit ba ganoon ka na lang magalala sa babaeng 'yon? Ang baba naman yata ng taste mo." Mapangasar na saad nito.

"Huwag ka magsalita ng tapos Grey, baka sa huli ay lunukin mo lang ang mga sinabi mo. You know to yourself na hindi mo makuha-kuha si Sachi kaya you are so challenged kasi pakiramdam mo bumaba ang pride mo. Tandaan mo Grey, gagawin ko lahat para kay Sachi." Mariin na saad ko sabay binaba ang tawag.

"Argh!" naiinis na sigaw ko, kinuha ko 'yong picture frame na nasa side table ko at tinapon sa dingding.

"Owen,"

Agad naman akong napalingon sa pintuan mang marinig ang boses ni Mommy.

"Mom," malungkot na saad ko.

"Anong problema anak?" nagaalala nitong saad.

"Mom we used to be bestfriends back then, we are best of everything not until we knew the truth. Mom hindi ko naman kasalanan eh, wala akong ideya." Saad ko rito.

"Anak I am so sorry kung tinago ko sa 'yo ang totoo." Naiiyak na saad ni Mommy.

"Mommy pagod na pagod na akong ikumpara sa kan'ya, yes dad is with us pero hindi noon mababago na mas mahal niya si Grey kesa sa akin." Naiiyak na rin na saad ko rito.

"Anak huwag ka magsalita ng gan'yan, mahal ka ng Daddy mo at 'yon ang totoo." Pagpapagaan ni Mommy sa loob ko.

"Pero mas mahal siya ni Daddy dahil mas successful siya kesa sa akin."

"Owen enough!" saway sa akin ni Mommy.

"Mom I am doing my best, am I not enough?"

"Anak you are enough, para sa akin enough ka at 'yan ang lagi mong tatandaan." Saad ni Mommy sa akin sabay niyakap ako.

"Don't worry Mom, I am doing my best na palaguin pa ang mga negosyo na meron ako lalo na ang kompanya natin. I will make Daddy proud, iyan ang goal ko." Sagot ko naman sabay tinugon ang yakap nito.

"Huwag mo muna 'yon isipin okay? Just do your best anak, nandito lang ako para sa 'yo lagi." Saad sa akin ni Mommy.

"Pero Mom I am worried, remember Sachi? Mom, pakiramdam ko may pinaplano siyang masama kay Sachi." Pagsusumbong ko rito.

"Anak your Dad will be mad kapag nalaman niyang pinagbibintangan mo si Grey."

"Mom nagsasabi ako ng totoo, I saw it with my two eyes." Kumbinsi ko rito.

"Hanggat kaya mo umiwas sa gulo anak, umiwas ka. Ayaw kong napapahamak ka," saad sa akin ni Mommy.

Isang malalim na buntong hininga na lang ang aking pinakawalan, ayaw ko na dagdagan pa ang iisipin ni Mommy kaya hindi ko na lang ito pinilit na paniwalaan ako.

"Nakauwi ka na?"

Medyo napawi ang aking bigat na nararamdaman nang makita ang text message.

"Oo, see you tomorrow."

"Hala, susunduin mo ako?"

"Oo sana, okay lang ba?"

Hindi ito nag-reply kaya sinubukan kong tawagan, nakatatlong ring pa lang ay sumagot na ito.

"Owen?" tawag nito sa akin.

"Sachi, okay lang ba?" tanong ko rito.

"Baka ma-late ka pa sa duty ko, kaya ko namam na pumunta sa shop na mag-isa." Sagot nito.

"Baka kasi guluhin ka ulit ni Grey," saad ko.

"Kung manggugulo ma 'yon ay hindi talaga ako magdadalawang isip na sapakin siya."  Sagot naman nito.

"Sachi may tanong nga pala ako," saad ko rito.

"Ano 'yon Owen?"

"Kapag ba niligawan ka ni Grey, papayag ka?" diretsong tanong ko rito.

Hindi ito nakasagot agad, rinig na rinig ko ang buntong hininga nito.

"Anong tanong ba 'yan? Sa palagay ko hindi, sobrang layo kasi ng agwat namin sa buhay Owen tsaka malabo na ligawan ako noon." Sagot naman nito.

"Good, dahil sigurado ako na hindi magiging mabuting boyfriend ang lalaking 'yon." Sagot ko naman.

Bigla naman itong natawa sa kabilang linya, "Galit na galit ka sa kan'ya 'no?"

Hindi ko alam pero ang gaan talaga ng pakiramdam ko kay Sachi. Doon pa kami nakapag-decide na matulog na noong napansin naming mag-aalas dose na pala.

"Paano ba 'yan? Kailangan na natin matulog, susunduin kita bukas ha. Good night Sachi." Nakangiti kong saad dito.

"Good night din Owen, maraming salamat ulit." Sagot nito at tuluyan ng binaba ang tawag.

Paano kaya 'no? Kung dumating 'yong araw na mahulog ako sa babaeng gusto rin ni Grey? Pero malabo naman yata na magustuhan niya si Sachi.

Teka! Bakit si Sachi ang naisip ko? Nababaliw na yata talaga ako, kulang lang 'to sa pahinga.

Kinabukasan ay nagising din ako dahil sa alarm clock ko, naghanda na ako para maagang matapos at masundo na si Sachi. Nagalmusal lang ako at pagkatapos ay nagmaneho na patungo sa bahay nila Sachi.

Malayo pa ay tanaw na tanaw ko na ang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay nila Sachi at sigurado akong si Grey na naman 'yon. Mahigpit kong hinawakan ang aking manibela sa sobrang panggigigil.

"Ang aga-aga, sira na araw ko!" saad ko sabay hinampas ng malakas ang manibela.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Where stories live. Discover now