GS: THB Chapter Thirty Six

7.9K 171 2
                                    

GS: THB Chapter 36
ImaginationNpaper

Grey's POV

Nagising ako sa isang puting silid, sigurado ako hindi ko 'to kuwarto. Napahawak naman ako sa tagiliran ko nang makaramdam ng kirot doon at naalala ko na niligtas ko nga pala si Sachi. Namilog ang aking mata sabay napabalikwas ng bangon nang maalala si Sachi, wala ito saloob ng silid. "Baka hindi ko siya naligtas." Saad ng isip ko.

"Grey gising ka na pala, huwag ka muna gumalaw nang gumalaw dahil sariwa pa ang sugat mo." Saad ni Owen.

"Owen si Sachi? Owen hindi ko naligtas si Sachi!" kinakabahang saad ko.

"Ha?" takang tanong nito.

"Tumawag ka ng pulis! I-report mo 'yong nangyari, lalabas na rin ako para makatulong sa paghahanap kay Sachi." Nagmamadaling saad ko.

"Kumalma ka nga Grey-"

"Owen nandito na-" hindi na natapos ni Sachi ang sasabihin sabay nagmamadaling lumapit sa akin. "Grey gising ka na!" tuwang-tuwa nitong saad habang yakap-yakap ako. Hindi ko mapigilang mapangiti sabay tinugon ang yakap nito, "Ligtas ka." Saad ko.

"Oo naman, niligtas mo ako e. Bakit parang takot na takot ka?" nagtatakang tanong nito.

"Nang magising kasi siya Sachi akala niya hindi ka niya naligtas kaya nagmamadali na lumabas at tumawag daw ng pulis para hanapin ka." Natatawang sagot ni Owen.

"Shut up!" saway ko rito.

"Ikaw talaga, safe na ako o. Maupo ka muna, lumabas lang ako para bumili ng makakain para kapag nagising ka e makakain ka rin." Sagot nito sabay inalalayan akong makaupo.

"Ako na maghahanda nito," saad ni Owen sabay inabot ang hawak na supot ni Sachi.

"Thank you," nakangiting saad ni Sachi kay Owen.

"Tsk! Huwag mo nga 'yan ngitian," saway ko sa kan'ya.

"Nangangamoy selos," pang-aasar pa ni Owen.

"Grey may masakit ba sa 'yo? Sabihin mo para masabihan ko iyong mga nurse." Nagaalala pa ring tanong ni Sachi.

"Okay na ako Sachi, nandito ka na e." Sagot naman nito.

"Gutom lang 'yan, kumain ka na lang." Sagot nito.

"Sachi galit ka pa rin?" tanong ko rito.

"Oo," diretsong sagot nito.

Napayuko naman ako, "Sorry talaga," mahinang saad ko.

"Mahal mo ba talaga ako Grey?" diretsong tanong nito sa akin.

"Sobra, mahal na mahal kita Sachi." Nakatitig sa mga mata niyang sagot ko.

"Pero bakit?" naiiyak na tanong nito.

"Kasi akala ko hindi ako mahuhulog sa 'yo, nagsisi naman na ako Sachi e. Matagal na, sa totoo lang matagal ko na talaga tinapos iyong deal kasi alam ko nahuhulog na ako sa 'yo. Wala lang talag akong time na kausapin si Lance kaya huli na noong nasabi ko sa kan'ya tapos narinig mo pa. Sachi kahit tanungin mo pa si Lance, alam niyang naguhulog na ako sa 'yo kahit pa bago pa iyong deal namin." Paliwanag ko.

"Sana sinabi mo sa akin Grey, kasi sobra talaga akong nasasaktan." Tuluyan ng tumulo ang luha nito.

"Natatakot ako sa posibleng maging reaksiyon mo, na baka nagsisimula pa lang tayo ay tuluyan mo akong layuan. Iyon iyong kinakatakutan ko Sa, ang layuan mo ako tapos mahal na kita." Saad ko sabay pahid sa luha nito.

"Nasaktan ako Grey kasi akala ko hindi mo ako mahal, na lahat ng pinakita mo sa akin ay part ng deal niyo. Pati iyong sa mga kapatid ko, kay Tita at iyong date natin sa yate. Kasi Grey totoong kasiyahan iyong naramdaman ko kapag kasama kita e. Lahat Grey totoo kaya sobra akong nasaktan." Humihikbing saad nito.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Where stories live. Discover now