SPECIAL CHAPTER

13.1K 241 18
                                    

SPECIAL CHAPTER

Matapos ang proposal ni Grey sa akin, napag-usapan namin na ang magiging kasal ay pagkatapos ng aking panganganak. Pumayag naman ito kaya walang naging problema, pero habang hinihintay namin ang araw na 'yon ay naghahanda na kami sa magiging proseso ng kasal. Napagkasunduan namin na iimbitahan niya lahat ng kaibigan niya at ako rin, wala naman ako gaanong kaibigan si Cheska at Darwin lang.

Lumipas ang mga buwan ay mas naging matatag ang relasyon namin ni Grey, minsan naaawa ako sa kan'ya kasi dis-oras ng gabi kung ano-ano pinapabili ko sa kan'ya tapos may mga pagkakataon pa na iiyak ako kapag mali iyong nabili niya. Sabi naman ni Tita dala daw iyon ng pagiging buntis ko, emotional at naglilihi raw. Noong limang buwan na ang aking tiyan ay doon na namin nalaman ang gender ng aming anak, at alam niyo ba? Hindi lang isa, kundi dalawa! Yes, kambal ang pinagbubuntis ko. Surpise! Magkakaroon na kami ng dalawang little Grey, pareho kasing lalaki. Halos hindi mawala ang ngiti sa labi ni Grey nang malaman niyang puro lalaki ang magiging anak namin.

"May makakasama na akong mag-basketball nito," tuwang-tuwa nitong saad habang tinitignan ang monitor.

Hindi ko rin mapigilang mapangiti nang makita ang dalawa kong baby, ang liit pa nila pero excited na akong makita sila.

"Hon daan tayong mall, mamili na tayo ng damit nila." Suhestiyon ni Grey.

"Hala siya, excited talaga?" natatawang sagot ko rito.

"Syempre! Puwede nga bili na tayo ng dede nila e." Natatawa naman nitong sagot.

"Oo na," sagot ko naman dito.

Matapos namin magpa-check up ay dumiretso na nga kami sa mall, pero bago kami namili ay kumain na muna kami dahil nagugutom iyong dalawa kong baby.

"Ang gaganda naman," nakangiti kong saad habang tinitignan ang mga lampin at damit na pang bagong silang doon.

"Bilhin natin lahat!" nakangiti nitong saad.

"No! Baliw ka talaga, iyong mga importante lang." Natatawa kong sagot nang makita ang basket na hawak niyang halos puno na.

Advance ng lolo niyo, namili daw ba ng mga damit na pang-1 year old eh hindi pa nga nakakalabas ang nga baby namin. Kapag si Grey talaga kasama ko namimili, halos bilhin niya lahat ng display na magugustuhan niya. Bumili na rin ito nang magiging higaan ng dalawa naming kambal.

"Grey thank you," saad ko noong makauwi na kami.

"Para saan?" tanong nito.

"Sa lahat, nakikita ko rin lahat ng effort mo para bumawi. Grey sobra kong na-appreciate lahat, I love you." Saad ko habang nakatitig sa mata nito.

"You don't have to thank me Sachi, dapat ako nga magpasalamat sa 'yo kasi you complete me. Simula noong dumating ka sa buhay ko, doon ko talaga nasabi na "akin 'to" at mas lalo pa akong sumaya nang malaman kong kambal pa iyong baby natin. Tutulungan kita sa pag-aalaga sa kanila, I will be the good father. Hinding-hindi ko gagawin ang ginawa ng ama ko sa amin." Paninigurado nito.

"Hindi mo kailangan maging perpekto Grey, maging mabuting ama at asawa ka lang iyon na ang magiging kasiyahan namin." Nakangiti kong sagot.

"Oo naman, gagawin ko lahat para sa inyo dahil mahal ko kayon." Saad nito sabay hinalikan ang aking labi.

"Grey kapag medyo lumaki na pala iyong baby natin, iyong puwede na iwan? Gusto ko sana mag-trabaho, alam mo naman malapit na mag-college iyong mga kapatid ko kaya kailangan ng pera." Saad ko rito.

Kumunot ang noo nito sa aking sinabi, "I can provide." Sagot nito.

"Nakakahiya naman Grey, dito na nga kami nakatira tapos ikaw pa magpapa-aral sa kanila." Nahihiyang sagot ko.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz