GS: THB Chapter Twenty Four

5.5K 147 3
                                    

GS: THB Chapter 24
ImaginationNpaper

I was about to tell her everything, pero nagkaroon ako ng urgent meeting abroad. Isa sa mga branch namin sa Canada ay nagkakagulo kaya kailangan ko pumunta roon, I made a promise to Sachi na aalis kami ngayong araw dahil day off niya pero hindi ko matutupad. Pero imbes na malungkot ay gumawa ako ng paraan, maaga kong inutusan ang driver ko na bumili ng cake at nagpalagay ng "Sorry hindi tayo tuloy today, babawi ako pagbalik promise." I even adviced him na bumili ng card para sulatan ko. Ayaw ko sana talaga ma-disappoint si Sachi eh, pero kailangan ko 'to gawin dahil walang ibang maasahan si Mommy. I am the CEO of our all company kaya dapat lang na ako ang umayos kapag may aberya.

Matapos maligo aya agad kong kinuha ang aking cellphone para tawagan si Sachi, alam kong maaga pa pero kailangan ko siya makausap bago ako tuluyang makaalis. Sana gising na siya. Mayamaya pa ay may sumagot sa kabilang linya, hindi ko mapigilang mapangiti nang marinig ang boses nito na kakagising pa lang.

"Hello, bakit?" saad nito sa kabilang linya.

"Did I disturbed you?" nakangiti kong tanong dito.

"Hindi naman, bakit ang aga mo tumawag? May problema ba? Sabihin mo para makaligo na ako agad." Saad nito na mas lalong nagpangiti sa akin.

"Wala, ano kasi... Sachi sorry, hindi matutuloy 'yong plano natin today. Promise babawi ako paguwi ko." Malungkot na saad ko rito.

"Saan ka pala pupunta?" tanong nito.

"Pupunta akong Canada, may aasikasuhin lang sa negosyo namin pero babalik naman ako. Babawi ako Sachi, promise." Saad ko rito.

"Ganoon ba? Sige lang, para rin mas may time ako sa kapatid ko. Tsaka ingat ka roon ah? Naiintindihan ko naman, pasalubong naman diyan." Natatawang saad nito.

"Sure, bilhan ko kayong chocolates." Sagot ko naman.

"Joke lang, pero seryoso ingat ka roon. I can wait naman so don'tworry." Saad nito.

"I will, basta dadaanan na lang kita mamaya bago ako magpahatid sa airport. I badly need energy," saad ko sabay napakagat sa aking labi.

"Baliw! Aga-aga," natatawa nitong saad.

"Basta dadaan ako riyan, ingat ka habang wala ako. Huwag ka masyado magtiwala kay Owen, Sachi sabihin mo agad sa akin kapag may ginawa siyang masama ha? Uuwi agad ako." Bilin ko rito.

"Grey huwag mo ako isipin, kaya ko 'yong sarili ko. Tsaka ilang taon ka bang mawawala?" natatawang saad nito.

"Hindi ko pa alam, ilang araw o linggo ba ako roon. Isa lang ang alam ko at sigurado ako, I will miss you." Seryosong saad ko rito.

"Aray! Aray! Kinakagat ako ng langgam," natatawang biro nito.

"Sachi naman eh, hindi mo ba ako mamimiss?" tanong ko rito.

Napasimangot na lang ako nang tawanan niya lang ako, "Sige na Grey mag-ayos ka na ng mga gamit mo na dadalhin mo. Basta tandaan mo lang, sa pagbalik mo... Nandito pa rin ako." Saad nito na mas nagpangiti sa akin.

"I love you," nakangiti kong saad dito.

Napakamot na lang ako ss batok ko nang isinukli nito sa sinabi ko ay tawa lang. Pero at least, I started my day talking to her. Wala pa akong specific dates kung hanggang kailan ako roon, hindi na ako nagdala ng maraming damit dahil may condo naman ako roon at every year naman talaga ako pumupunta sa canada kaya may mga damit ako roon. Matapos komg maghanda at maayos ang mga papeles na dadalhin ko ay bumaba na ako at doon na hinintay ang aking driver.

"Manang may ingredients po ba riyan ng pancake? Paluto namam po oh," nakangiti kong saad sa katulong namin.

"Opo Sir, ilang piraso po ba?" tanong nito.

"Mga lima po, pabalot na lang po ah? Tsaka palagyan po ng chocolate syrup, 'yong hindi pa nakukuhanan." Saad ko naman dito.

Tumango naman ito at nagsimula ng maghanda, hindi naman ganoon katagal magluto ng pancake kaya pinagawan ko na para kay Sachi. Kumakain ako ngayon at iniinom ang kape na tinimpla ni Manang. Masaya ako na medyo nakakabawi na si Mommy, maaga siyang umalis kanina para raw i-check 'yong ibang business namin. Ganoon kasi kami ni Mommy eh, hindi kasi siya pinanganak na mayaman kumbaga lahat ng meron kami ngayon ay katas ng paghihirap namin kaya kahit may pera kami ay kailangan pa rin namin kumayod.

"Sir heto na po, medyo natagalan ng kaunti kasi hindi pa ganoon karami ang nagbukas." Saad ng driver ko tsaka nilapag sa mesa ang hawak nitong box of cake, binuksan ko muna ito para tignan kung maganda ba. Napatango naman ako nang makitang maganda ito at binalik sa pagkakatali ang laso nito.

"Manang gandahan niyo sa pag-gawa ah," nakangiti kong saad kay Manang.

"Oo naman iho, tsaka malapit na 'to dalawa na lang kulang." Sagot ni Manang. Habang naghihintay ay senenyasan ko si Kuya na kumain muns dahil ihahatid niya pa ako sa airport mamaya.

"Kuya daan tayo kina Sachi bago mo 'ko ihatid sa airport ah," bilin ko rito.

Tumango naman ito tsaka patuloy na kumain, matapos kong kumain ay nag-mouth wash na ako. Malapit na rin matapos sila Manang at Kuya kaya naghanda na ako, I just double check my things at pinadala na sa driver ko ang maletang hawak ko para ihatid na sa sasakyan. Ako na ang nagdala sa cake at pancake, may sinulat ako kanina sa card bago ko ito ilagay sa paper bag na may nakalagay na pancake.

"Sana magustuhan niya 'to," mahinang saad ko bago tuluyang pumasok sa loob.

Hindi pa naman ako mahuhuli sa departure ko kaya naisipan ko na dumaan na muna kina Sachi, para man lang maramdaman niyang sincere talaga ako.

"Sir baka mapunit 'yong labi niyo," natatawang saad sa akin ng Driver.

"Masaya lang ako Kuya," sagot ko sabay umiiling. Kanina pa kasi talaga ako ngiti nang ngiti.

"Sir ang tagal ko na po nag-t-trabaho ss inyo pero ngayon ko lang po kayo nakitang gan'yan, na sobrang saya at para bang in love." Saad nito sabay ngiti.

Nginitian ko lang ito, alam ko kasi sa sarili ko na si Sachi ang dahilan nito. Mayamaya pa ay papasok na kami sa squatter's ares at tuluyan ng nakarating sa harap ng bahay nila Sachi, bumusina naman si Kuya kaya bumaba na rin ako. Hindi ko mapigilang mapangiti nang tuluyan ng lumabas si Sachi, nakapambahay lang ito at nakatali ang buhok. Medyo may pawis pa sa noo nito, naglilinis yata 'to.

"Good morning," bati ko rito.

Ngumiti naman ito, "Wow naman, ganda ng outfit-an natin ah. Kagalang-galang!"

"Nang-asar pa talaga," natatawang sagot ko rito.

"Ano nga pala kailangan mo?" tanong nito.

"Gusto lang kita makita bago ako tuluyang umalis, tsaka I brought something for you." Saad ko sabay kinuha ang paper bag at cake tsaka inabot sa kan'ya.

"Hala, nagabala ka pa? Grey talaga," nahihiyang saad nito.

"Mainit-init pa 'yang pancake, kainin mo 'yan ah? Tsaka nandiyan pa ba sina Zaphyr at Chase?"

"Kakaalis lang, gusto mo pumasok muna?" alok nito.

"Sige, tulungan kitang ipasok 'to." Saad ko sabay sumunod na rito.

"Gusto mo ba kumain muna? Ipaghahanda kita." Alok nito at nilapag sa mesa ang mga bigay ko.

"Busog na ako Sachi eh, tsaka dumaan lang talaga ako para ibigay 'to at oara makita ka." Nakangiti kong saad, mas lalo akong napangiti nang makitang namumula ang pisngi nito.

"Baliw," sagot naman nito.

"Sachi, iyong mga bilin ko ah? Tsaka pasensya na talaga, huwag ka magalala kasi magagamit mo pa rin ang dress na binigay ko sa 'yo." Saad ko rito.

Tumango naman ito, "Mag-ingat ka roon," bilin nito.

"Babalik ako, promise." Saad ko sabay tumayo at hinalikan ang noo nito, niyakap ko ito ng mahigpit dahil alam ko medyo matatagalan ako roon. Napangiti naman ako nang tinugon nito ang yakap ko.

""Mahal kita," bulong ko rito. Hindi man ito  sumagot ay napangiti pa rin ako nang mas hinigpitan nito ang yakap niya sa akin.

Ayaw ko sana talaga umalis eh, pero kailangan...

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon