GS: THB Chapter Twenty One

5.6K 134 3
                                    

GS: THB Chapter 21
ImaginationNpaper

Grey's POV

Alam ko kung bakit gamoon na lang mag-react si Owen, I knew it. Hindi siya ganoon mag-react kung wala lang sa kan'ya si Sachi, sakto kasi kanina na hinalikan ko ang noo niya ay nahuli ko si Owen na nakatingin sa amin. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko kanina noong ayaw niya paalisin si Sachi. Hindi ko mapigilang matuwa nang pumayag si Sachi na sabayan ako sa dinner, unang beses ko 'to nag-aya. Hindi ko alam, pero lately lagi ko na lang naiisip kung paano pasiyahin si Sachi.

Nagulat na lang ako nang makita si Lance sa restaurant na kakainan namin ni Sachi, sinamaan ko ito nang tingin nang mapansin kung paano niya ngitian si Sachi. Para bang sinasabi na gumagawa na pala talaga ako ng paraan.

"May reservation ba kayo? Kasi kung wala, you can seat with us." Alok nito sa amin.

"Sigurado ka?" tanong ko rito.

"Oo naman, let's go! Nandoon na rin si Maureen," saad nito at nauna ng maglakad.

Pansin ko ang pagiging hindi kumportable ni Sachi kaya hinawakan ko ang kamay nito, agad naman itong napatingin sa akin pero nginitian ko lang ito.

"Grey Samson! The hot fuckening billionaire,"

Agad naman akong natigilan at napailing nang marinig ang sinabi ni Maureen, she never changed ang ingay pa rin. Tunayo ito at nakipagbeso-beso sa akin, sila talaga ang magkaibigan nila Lance bale common friends na lang namin si Lance.

"How are you?" tanong ko at inalalayan si Sachi na maupo.

"I am fine, ikaw kamusta na?" Balik nito ng tanong sa akin.

"Okay lang naman, oo nga pala siya si Sachi 'yong nililigawan ko." Pagpapakilala ko sa kan'ya kay Sachi.

Nginitian naman siya ni Sachi at napakamot sa aking sentido nang makita ang reaksiyon nito na natatawa.

"You're kidding me, huwag mo nga akong niloloko." Tumatawa nitong sabat sabay umiling-iling pa.

Agad naman akong napatingin kay Zaria nang makitang napayuko ito sa sinabi ni Maureen.

"Maureen," saway sa kan'ya ni Lance.

"What? Alam kong prank 'to kaya-"

Agad naman siyang natigilan nang mapansin niyang hindi tumatawa si Lance at ako naman ay seryosong nakatingin sa kan'ya.

"Seriously? Hala! I am really sorry, akala ko kasi nagbibiro ka. Knowing you Grey? Hindi naman gaya niya ang mga tipo mo eh,"  saad nito sabay tinignan si Sachi mula ulo haggang paa.

"Maureen, mag-order na tayo." Pagiiba ni Lance sa usapan.

Tinanguan ko naman ito kaya tumigil na siya kakasalita. Tumabi na rin ako kay Sachi na nakayuko lang habang magkalapat ang dalawang kamay, agad itong napatingin sa akin nang hawakan ko ang kamay nito.

"Don't mind her," bulong ko rito.

Ngumiti naman ito ng bahagya sabay tumango, inabot na sa akin ni Lance ang dalawang menu at binigay kay Sachi ang isa.

Naririnig ko namang may napili na sila Lance kaya naghanap na rin ako ng puwede ko makain.

"Grey," mahinang tawag ni Sachi sa akin.

"Ano 'yon?" sagot ko rito.

"Hindi pamilyar sa akin ang mga pagkain at pangalan nito, puwede bang ikaw na lang pumili ng para sa akin?" nahihiyang saad nito.

Nginitian ko naman ito sabay sagot, "Sure."

"Omg! Ngayon ka pa lang nakapasok dito?" mapang-asar na tanong ni Maureen kay Sachi.

"Maureen, enough." Awat sa kan'ya ni Lance.

"Maureen please? You can tell me naman kung ayaw mo kaming kasalo, puwede naman kaming lumipat sa kabilang table." Hindi ko na mapigilang magtimpi, binabastos niya na kasi si Sschi.

"Grey okay lang ako," saad ni Sachi sa akin.

Kahit ngumiti ito, kita naman sa mata niya ang totoo niyang nararamdaman.

"Fine, I'll shut my mouth then. I am just worried Grey, baka may ginawa 'yang kababalaghan kaya niligawan mo." Saad nito na para bang nandidiring tinignan si Sachi.

"Isa pa talaga Maureen, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Banta ko sa kan'ya sabay tinignan ito ng seryoso.

Agad namang hinawakan ni Sachi ang kamay ko at pinapakalma ako. Natahimik naman si Maureen kaya medyo kumalma na ako, inabot sa akin ni Sachi ang tubig kaya uminom na rin ako.

Mayamaya pa ay hinatid na ng mga waiter ang order namin, napansin kong natigilan si Sachi nang makita ang mga utensils na nasa harap niya.

"Gamitin mo lang 'yong kaya mong gamitin, don't mind them." Saad ko rito.

Tumango naman ito at dinampot ang kutsara at tinidor, pinandilatan ko ng mata si Maureen nang sinadya nitong tumikhim. Naging tahimik naman ang dinner namin, hindi na nagsalita pa si Maureen pero kita sa mukha nito kung paano niya tignan si Sachi na para bang natatawa.

Nagtaka naman sila Lance at Maureen nang mag-order ako at mag-take-out ng mga pagkain.

"Dadalhan mo si Tita?" tanong ni Maureen.

"No," sagot ko naman.

"Then para kanino 'yan?" tanong ulit nito.

"Damn it Maureen! Ano bang pake mo?"

Hindi ko na napigilan ang aking sarili, napalakas ang aking pagkakasabi kaya maraming napatingin sa amin.

"Maureen masasapak na talaga kita," banta na rin ni Lance sa kaibigan niya.

Nang dumating na ang take out na in-order ko, inaya ko na si Sachi na umalis. Nag-iwan ako ng sampung libo sa mesa.

"Babayaran ko na rin 'yong kinain n'yo," saad ko at binalik ang wallet sa bulsa ko.

Napailing na lang ako nang mapaawang ang bibig ni Maureen sa gulat.

"Next time man, huwag mo na ako ayain na sumama sa table niyo kung gan'yan lang din ang ugali ng makakasalamuha ko. Nakakawala kasi ng gana," sinadya kong iparinig 'yon kay Maureen.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Sachi at hinila na palabas ng restaurant.

"Grey sorry," saad nito nang makalabas na kami.

Agad naman akong natigilan at hinarap ito.

"Why?" takang tanong nito.

"I am sorry kung napahiya ka dahil sa akin, pasensya na kung ang pangit-pangit ko. Pasensya na kung dukha ako, pasensya na-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin nang hilahin ko ito sabay niyakap.

"It doesn't matter to me, wala kang kasalanan. Makitid lang ang utak ni Maureen, pagpasensyahan mo na ang babaeng 'yon." Pagpapagaan ko sa loob nito.

Napapikit naman ako nang marinig ang paghikbi nito, kanina pa 'to pinapaiyak ng mga tao masasapak ko na talaga ang dahilan ng pag-iyak niya.

"Grey layuan mo na lang ako, may mga mas deserving naman diyan. Iyong pareho ng estado ng buhay mo, mayaman at kaya kang sabayan sa mga sosyal na bagay. Sino ba naman ako? Isa lang naman akong mahirap na walang alam sa mga mayayaman na gawain." Umiiyak na saad nito.

"Sachi naman, hindi ko 'yon gagawin. Ikaw nga nagturo sa akin na hindi lahat ng bagay nadadaan sa pera 'di ba? Hayaan mo na sila, sa akin ka lang makinig at maniwala. Tahan na, kanina ka pa umiiyak." Pagpapatahan ko rito.

Pinaharap ko naman ito sa akin at pinahiran ang luha nito, parang kinurot ang aking puso habang pinagmamasdan siyang umiyak.

"Mahal kita," diretsong saad ko rito.

Nagulat naman ito sa aking sinabi, mayamaya ay nagulat din ako nang mapagtanto kung ano ang aking nasabi.

"Bakit ko 'yon sinabi?" tanong ng isip ko.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon