GS: THB Chapter Twenty Three

5.6K 130 2
                                    

GS THB: Chapter 23
ImaginationNpaper

Halos hindi rin ako makatulog ng gabing 'yon, paikot-ikot lang ako sa kama ko hanggang sa makatulog ako pero pasikat na ang araw. Dahil nga late na akong nakatulog kaya late na rin akong nagising, napakamot na lang ako sa ulo ko nang maalalang hindi ko nasundo si Sachi.

"Babawi na lang ako mamaya," saad ko sa aking sarili. Bumangon na ako at mag-aalmusal na sana nang makita ang mga invitation na nasa mesa na ng aming sala. Bigla kong naisip ang nangyari kagabi, alam akong marami na namang makikiusyuso kapag nalaman nilang may dini-date na akong babae kaya I've changed my mind.

"Gusto ko rin masulit ang official date namin kaya hindi ko siya dadalhin sa event ng business ko, magpapaayos ako ng venue. Gagawin kong romantic ang date namin, bak kasi 'yon na rin ang araw na tatanungin ko siyang maging girlfriend ko na. I will explain to her everything, pero syempre hindi ko sasabihin na may iba kaming gagawin." Saad ko sa aking sarili.

I called my secretary and adviced her na siya na ang bahalang mamigay ng mga invitation cards, wala naman daw problema sa kan'ya kaya mas mabuti. Hindi ko rin feel pumasok sa office kaya mas pinili ko na lang na tumambay sa bahay at mag-movie marathon. Nakatulog lang din ako noong mga tanghali na at nagising na noong medyo hapon na dahil sa tunog ng cellphone ko. Okay na sana 'yong araw ko eh, bakit tumawag pa 'to?

Sinagot ko ito pero hindi ako naunang nagsalita.

"Grey!"

Agad ko namang nailayo ang aking cellphone nang sumigaw ito.

"Please lang Owen, ang ganda ng mood ko ngayon kaya huwag mo sirain." Saad  ko rito.

"Dahil ba malapit mo ng mauto si Sachi? Grey kung ano man 'yang pinaplano mo, aalamin at aalamin ko 'yan. Tandaan mo, lalabas din 'yang plano ninyo ni Lance!" may pagbabantang saad nito.

Napabalikwas naman ako ng bangon habang pilit na kinakalma ang sarili ko, "Ganoon ba talaga kasama ang tingin mo sa akin Owen? Hindi porket nagiging malapit na kami ni Sachi sa isa't isa ay may pinaplano na kami sa kan'ya!" bulyaw ko rito.

Narinig ko naman itong tumawa sa kabilang linya, "You seems so guilty my brother, kalma ka lang." Mapangasar na saad nito.

"Masyado ka kasing pakialamero sa buhay ko! Oh baka naman nagseselos ka na dahil wala na sa 'yo ang atensiyon ni Sachi? Sinasabi ko na nga ba, ikaw talaga ang may masamang plano kay Sachi!"

"Shut up! Tsaka wala akong pake sa nararamdaman ko, always remember it Grey sa akin babalik si Sachi dahil ako ang nagbigay ng trabaho sa kan'ya. Remember? Binulyawan ko siya kahapon pero heto siya at on duty, kaya ko gawin ang mga bagay na gusto kong gawin sa kan'ya kung gugustuhin ko. Walang tutulong sa kan'ya, mga tao ko ang nakakasalamuha niya. Kaya huwag lang sana pasukan ng insekto ang utak ko, baka hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa kan'ya." Saad nito sabay bumuhakhak ng tawa.

Naikuyom ko ang sarili kong kamay sabay pinaghahampas ang aking higaan.

"Huwag na huwag mong gagawan ng masama si Sachi Owen! Ako ang makakalaban mo." Banta ko rito.

"Kahit ngayon pa nga eh, wala kang magagawa." Saad nito sabay agad na binaba ang tawag.

Napahilamos na lang ako sa sarili kong kamay sabay napasabunot sa sarili kong buhok.

"Hindi kita hahayaan sa plano mo, Owen!" mariin na saad ko at dali-daling hinanap ang susi ng aking sasakyan. Hindi na ako nagabala pang magbihis, mas kailangan ko unahin si Sachi at baka may masama siyang gawin doon.

Halos paliparin ko pa ang sasakyan ko, marating ko lang agad ang shop ni Owen. Ang tagal ko pa lang nakatulog, alas singko na ng hapon kaya may rason din ako para kunin na si Sachi. Agad kong pinarada ang sasakyan ko sa labas ng shop at dali-daling hinanap si Sachi sa loob, napakunot ang aking noo nang mahagilap na papalapit si Owen kay Sachi kaya tumakbo ako papunta sa kan'ya, naglilinis ito ng mesa. Agad ko itong hinila sabay niyakapkaya mas nauna akong makuha si Sachi kesa sa kan'ya.

Mas lalo kong kinainis nang makita ang nakangisi nitong rekasiyon nang makita ako at ang porma ko. Naningkit sa galit ang aking mata nang sumilay ang nakakalokong ngiti nito sa kan'yang labi.

"Grey?" takang tanong ni Sachi sabay tumingala sa akin.

"Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ko rito.

"O-Oo naman, anong nangyari sa 'yo bakit parang takot na takot ka?" takang tanong nito.

Umiling lang ako sabay niyakap ito ng mahigpit, "Hindi ko hahayaang may manakit sa 'yo o gawan ka ng masam. Not even Owen," mariin na saad ko habang hinahaplos ang buhok nito.

"Teka lang, bakit bigla kang sumugod dito? Nakapangbahay ka pa, may sakit ka ba? Grey nag-t-trabaho pa ako." Saad ko rito.

"Alas singko na Sachi, out mo na." Sagot ko naman.

"Pero-"

"Sige na Sachi, kunin mo na ang gamit mo at kakausapin ko lang 'to." Saad nito kay Sachi.

Tumango naman ito sabay sinenyasan akong babalik din siya agad. Nang makalayo ito ay agad itong lumapit sa akin.

"Ganoon na ba talaga siya kahalaga sa 'yo at nakaya mong pumunta rito na hindi man lang nagbihis?" nakangisi nitong saad.

"Dahil demonyo ko! Sinasabi ko na eh, may sama kang tinatago riyan sa budhi mo. Kung umakto ka kapag nandiyan si Sachi akala mo Santo ka, mas magdodoble ingat si Sachi lalo na ngayong nakita ko ang baho mo!" may pagbabantang saad nito.

"How sure you are na ikaw ang paniniwalaan niya? Hayaan mo, malalaman ko rin ang masang plano niyo ni Lance." Sagot naman nito.

"Wala kaming plano ni Lance! Tsaka puwede ba? Huwag ka nga pasok nang pasok sa buhay ko!" saad ko sabay kinuwelyuhan ito.

"Galit na galit na naman ang tigre, sige suntukin mo lang ako nang makita ni Sachi na kaya mo magbuhat ng kamay sa isang tao. Matatakot 'yon sa 'yo at lalayuan ka!" nakangisi nitong saad.

"Grey! Owen!"

Agad ko naman itong binitawan nang makita si Sachi.

"Anong nangyayari rito?" nagaalalang tanong ni Sachi.

"Wala, kinausap ko lang siya. Sachi, let's go!" saad ko sabay hinila na si Sachi.

Nang marating namin ang sasakyan ay nagtaka akong hindi pa rin kumikibo si Sachi kaya nilingon ko ito, nakita ko itong nakatulala kaya bigla akong kinabahan.

"Sachi! Sachi okay ka lang ba?" tanong ko rito.

Lumingon naman ito sa akin sabay tumango, mayamaya ay agad niya akong niyakap ng mahigpit na mas ikinataka ko.

"Sachi tell me, may nangyari ba?" tanong ko ulit dito.

"Grey... May problema ba? Nagtataka ako kung bakit bigla kang sumugod kanina, punong-puno ng takot ang mata mo tapos sobrang bilis ng kabog ng puso mo. Ano ba talagang nangyari?"

Bigla akong natigilan sa sinabi nito, tinugon ko ang yakap nito sabay hinalikan ang ulo nito.

"Natakot lang ako na baka may ginawang masama si Owen sa 'yo, Sachi tumawag kasi siya sa akin..." Pagsasabi ko ng totoo rito.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan nitong tanong.

"May masama siyang pinaplano sa 'yo, Sachi nagaalala ako sa kalagayan mo." Diretsong saad ko rito.

"Grey I'm fine, heto ako oh hindi man lang nasaktan kaya huwag ka na magalala." Saad nito habang hinahaplos ang likuran ko.

Napapikit namam ako sabay nakahinga ng malalim, "Totoo na talaga 'to, alam kong wala na 'tong halong kalokohan." Saad ng aking isip.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon