GS: THB Chapter Twenty Six

5.6K 139 2
                                    

GS: THB Chapter 26
ImaginationNpaper

"Anong ginagawa mo rito?" diretsong tanong ko rito.

"Nagakakasayahan kaya kayo, puwede ba sumali?" tanong nito.

"Owen iyong mga kaibigan ko 'yong nandito," sagot ko naman.

"Dumaan lang talaga ako para idaan 'to," sagot nito sabay taas sa dala niyang paperbag.

"Para saan?" takang tanong ko.

"Birthday kasi ni Hazel, sabi niya idaan daw 'to sa 'yo." Sagot naman nito.

"Hala nagabala pa si Ate, salamat." Sagot ko naman.

"Sachi, sino 'yan?" tanong ni Cheska sa akin.

"Siya si Owen, 'yong tumulong at nagbigay ng trabaho sa akin." Sagot ko naman.

Tumango naman ito at bumalik na sa ginagawa niya.

"M-May kailangan ka pa ba?" nauutal na tanong ko rito.

"Wala na, busy ka yata kaya bukas na lang kita kakausapin." Sagot naman nito.

"Sige, ingat ka tsaka salamat dito." Saad ko naman.

Tumango lang ito sabay kumaway na.

"Bakit parang ang lamig ng pakikitungo mo sa kan'ya?" tanong ni Cheska sa akin.

"May nasabi kasi sa akin si Grey, kaya ayon iniiwasan ko muna." Sagot ko naman.

"Ibang level na girl!" pangaasar pa nito.

Mayamaya rin ay dumating na si Darwin kaya naman sila na ang pinagluto ko, naghanda na lang ako sa loob para pagkatapos nila ay makakain na. Mayamaya pa ay biglang tumunog ang cellphone at napakunot ang noo nang makitang si Grey iyon tumatawag. Sinagot ko naman 'yon at nagtaka nang marinig ang buntong hininga nito.

"Sachi," tawag nito na may lungkot ang boses.

"Ano 'yon?" tanong ko rito.

"Wala, medyo pagod lang kasi ang daming ginawa kanina. Pagdating na pagdating ko kanina office works agad may jetlag pa nga ako pero wala akong choice." Pagsusumbong nito na para bang bata, halata rin sa boses nito na pagod talaga siya.

"Magpahinga ka na lang muna, kumain ka na ba?" tanong ko rito.

"Actually matutulog pa lang ako, kanina kasi pagdating ko eh gabi na tapos late pa kami natapos kaya ngayon pa lang ako matutulog." Sagot naman nito.

"Ate malapit na raw maluto sabi ni Kuya Darwin!" sigaw ni Zaphyr na nasa labas.

"Darwin?" takang tanong nito.

"Iyong kaibigan kong bakla na nag-t-trabaho sa bar, nandito kasi sila ni Cheska." Sagot ko rito.

"Akala ko kung sino na eh," sagot nito.

"Baliw, matulog ka na Grey kasi kakain na kami mayamaya. Good morning or good night?" natatawa ko pang tanong dito.

"Good mornight," tumatawang sagot nito.

"Sige na, kulit-kulit pa eh." Natatawang sagot ko rito.

"Ingat ka ha? Mamahalim mo pa ako," bilin nito.

Bigla na namang namula ang aking pisngi sa sinabi nito, "Kahit kailan talaga Grey!"

"Sige na, Ingat Sachi. I'll be back, miss na kita agad." Paalam nito.

"Ingat," sagot ko naman sabay binaba na ang tawag.

Hindi ko mapigilang mapangiti matapos ang paguusap namin.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Where stories live. Discover now