"Umalis ka na nga.." kinuha ko ang magazine. Si Vannessa ang nasa cover, pinsan kong model.

"Fine! Gwapo kong nilalang pinapalayas mo na ako?" tumayo na sya.

"You know Jared, I like you but you're too conceited. Go."

"Babalik ako mamayang lunch. Hehe!" (~~, )

"Huh?! Bakit?!"

"Sasamahan kita mag-lunch. Wala kang kasama dito diba? Maliban sa mga maid. Wala kang kasabay mag-lunch."

"Sus! Sanay na akong kumain mag-isa."

"Basta babalik ako."

"Bahala ka." ( ̄^ ̄)ゞ

"Bye! Bye!" Nag-wave sya.

Napatitig ako sa kanya. Ang lapad ng ngiti nya. Masyado syang gwapo. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba 'to?

"H-Hwag ka na ngang ngumiti dyan, alis! Shoo! Shoo!"

"Oo na. Oo na. Aalis na."

"Ingat! Sila sa'yo!"

Nag-wave sya habang nakatalikod sa akin at naglalakad. Pinanuod ko syang makasakay ng kotse nya. Ano ba 'yon? Bakit ako kinabahan? Huh?! Haay. Ang playboy na 'yon. Eeesshh!! Tinablan ba ako ng charms nya? HINDI! HINDI! Ano ba?! Si TOP lang ang mahal ko!! Kung ganon Crush ko si Red? Err. No way. (。-_-。)Dala lang ito ng hangover.

***

"Hoy! Hoy! Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang hinihila nya ang kamay ko.

"Hoy Hoy? Yan ang tawag mo sa'kin? Hoy? May pangalan ako babae." Tumigil sya sa pagkaladkad sa'kin at hinarap ako. Nakakainis na 'to ha!

"JARED!!!!" sigaw ko.

"Aray ko! Ang sakit sa tenga!" Nagtakip sya ng tenga.

"Saan ba talaga tayo pupunta?! Kanina mo pa ako hinihila! Ang sakit na ng paa ko! At gutom na ako!"

"Ang reklamador mo naman babae. Kailangan mo ng exercise, masyado ka kasing nasanay sa kotse."

"EH SA MASAKIT NA ANG PAA KO EH!!!"

Ngumiti sya nang nakakasilaw. "Dadalhin kita sa lugar na hindi mo pa napupuntahan," sabi nya at nagpatuloy sya sa paghila sa kamay ko.

"Eeeh! Naman eh! Pagod na ako eh!"

"Dali na Samantha! Diba gutom ka na? Bilis." (~~,)

"Humanda ka sa bill mamaya! Sisiguraduhin ko na mamumulubi ka."

Tumigil kami sa isang karinderya. KARINDERYA?!! Tinignan ko si Red nang masama.

"Dinala mo ako sa isang KA-RIN-DER-YA?" nagtitimpi sa galit na bulong ko.

"Tsk! Hwag mong maliitin ang kainan na 'to! Class A karinderya 'to!"

"Lechugas Barabas Hestas." Nag-walk out ako.

"Sam! Sandali!" Hinabol nya ako.

"Gusto mo ba akong magkasakit? Pakakainin mo ako dyan? Yuck!"

"Ang arte mo Samantha. Malinis ang mga pagkain dyan."

Nainis ako sa sinabi nya. "Ako maarte? Sorry ha! Gusto ko lang talaga mag-ingat sa mga kinakain ko no. Ayokong magka-sakit!"

"Malinis dyan matagal na akong kumakain dyan, sige ganito nalang. Tikman mo lang ang pagkain nila, kung ayaw mo eh di lilipat tayo sa iba."

"Bakit ba gusto mo kumain dyan?"

"Basta! Oh ano? Deal?"

Tinignan ko ang kainan at tinignan ko sya. HOLY SHIZ! Ginagamitan nya ako ng puppy-dog-eyes technique. Jared Dela Cruz PLUS Puppy-Dog-Eyes. Not a good combination at all.

Hwag mo akong tignan nang ganyan baka pumayag ako. (>人<;)

 (>人<;)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Talk Back and You're Dead!Where stories live. Discover now