Chapter Forty-Six

Start from the beginning
                                    

Bigla syang natigilan. Para syang nanigas na parang estatwa.

"You.." he looked at me then pushed me away as if seeing me pains him. "F*ck! I'm seeing her again," he groaned.

He again closed the door. Sinaraduhan nya ako ng pinto. Sa pangalawang pagkakataon sinaraduhan nya ako ng pinto! At ano'ng ibig nyang sabihin sa 'I'm seeing her again'? Huminga ako nang malalim.

"TIMOTHY ODELLE PENDLETON!! I DEMAND YOU TO OPEN THIS DOOR RIGHT NOW!! AS IN NOW NA! OR ELSE—"

Bumukas nga? Bago pa ulit ako makapag-react bigla nya na lang akong niyakap.

"You're real. You're really here. You're real. Real. You're here," he murmured.

"T-Timothy." Nagulat ako sa ginawa nya.

"I thought I was just seeing things. Imagining. Hallucinating. I thought you weren't real," he kissed my head. "Damn you Miracle. Where have you been? I missed you."

He though I wasn't real? Akala nya imagination lang nya ako?

"You're real right? You're really here. My Miracle," he lifted my chin so he can give me a closer look.

"Yes. Yes I am." I returned the hug.

"I knew it!" he smiled and hugged me again. "Where have you been?" he asked while breathing in my scent.

"I'm sorry. I was just..busy." Nagsinungaling na naman ako.

"Busy with what?" Seryoso nya akong tinignan. "Too busy to call me? You promised you would atleast let me hear your voice while you're gone."

"I know. I know. I'm sorry. K-Kinuha ni kuya ang cellphone ko."

"I knew it. That f*cktard." Niyakap nya ako nang mahigpit na mahigpit.

Alam ko na kung kaya nya lang kaming paghinangin nagawa na nya hwag lang ulit akong lumayo sa kanya. I missed him so much. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib nya at pumikit. Ngumiti ako. Inamoy ko sya. Minulat ko ang mga mata ko. Natigilan ako.

"Timothy." Lumayo ako nang kaunti para tignan sya sa mukha.

"Yes?"

"You stink." I wrinkled my nose.

"What?"

"God Timothy. You stink."

"Really?" Inamoy nya ang collar ng damit nya.

"Ilang bote ng alak ang ininom mo?"

"I don't know. A lot?"

Amoy alcohol! Habang yakap ko si Timothy naramdaman ko na parang tutumba na sya.

"Kailangan mong umupo muna."

"I'm not drunk."

"Yes you are."

"No I'm not."

"Yes you are."

"No I'm not."

Ang kulit. Pumasok ako nang tuluyan sa loob ng kwarto ni TOP. Inalalayan ko syang umupo sa silya. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Ang mga unan nasa kabilang dako ng kwarto, parang ibinato sa pader. Ang kumot nakalaylay na sa sahig. May bote pa ng alak na basag sa may paanan ng bedside table.

Noong huling punta ko rito, ang pagkakatanda ko organized ang mga gamit at malinis. Ang kurtina nakasarado pa. Ang dilim tuloy! Parang bahay na 'to ng bampira ah. Alcoholic na disorganized na bampira. Lumapit ako sa glass wall at hinawi ang kurtina.

Talk Back and You're Dead!On viuen les histories. Descobreix ara