Chapter Forty-One

Start from the beginning
                                    

"How is Oppa?"

"He's sleeping.."

"I'm sorry Unnie, it's my fault. I didn't think before doing it, I just wanted you and Oppa to be okay again. It's my fault, mianhe Unnie."

"Silly. Okay lang si Timothy." I think.

Her face lit up.

"Unnie never told me she had a boyfriend," she teased me.

"I thought you were his girlfriend," I scratched my head.

"MOE?!! EEW UNNIE!! THAT'S JUST GROSS!!"

"Hahaha!! I'm sorry!"

"Oppa is handsome and tall but he's just my Oppa. He will always be my Oppa."

Gusto ko syang tanungin about what happened a year ago, why she lied to me that night, but I decided against it. It's not important now. Ayokong maalala pa ulit ni Amarie ang masakit na experience nya na 'yon. Ayokong mabuksan ang sugat nya dahil lang sa curiosity ko. Sinabi na rin naman sa'kin ni Timothy ang lahat, naniniwala ako sa kanya.

Nang sumipol na ang takure, nagsalin ako ng tubig sa lalagyan. Si Amarie naman umakyat na para matulog sa kwarto ni Michie. Bumalik na ako sa kwarto.

Tinanggal ko ang mga kumot kay Timothy. Ipinunas ko sa kanya yung towel na nilubog ko sa mainit na tubig. Di naman talaga mainit 'yon na nakakapaso, sakto lang para mainitan sya. Pinunasan ko ang noo nya hanggang leeg. Pati braso nya pinunasan ko. Napatingin ako sa damit nya.

Napalunok ako. Tatanggalin ko ba? *Lub-Dub-Lub-Dub* Kusang gumalaw ang mga kamay ko palapit sa damit nya. Teka! Hindi pwede! Baka di ako makapagtimpi kapag tinanggal ko! 'I want a Son.' Narinig ko bigla ang boses ni Timothy sa isip ko. 'Let's make a baby' What a great idea!

*SLAP*

Hindi pwede! Mag-pigil ka! TAKE IT OFF! TAKE IT OFF! Bakit may naririnig ako sigaw ng madlang people? Pupunasan ko lang naman eh. Di naman ako naninilip! At ang isa pa nakita ko na 'yon!

Anim na pandesal. Mainit at nakakapasong pandesal. KYAAAAHH!!! Binuksan ko na ang butones. Nasilaw ako sa nakita ko. Feeling ko uminit ang mukha ko. Ito ang unang beses na matititigan ko ang katawan ni Hubby without feeling consciousness. Di naman kasi ako mahuhuli ni Hubby na nakatitig sa kayamanan nya. Kayamanan? Pandesal nalang!

Iniwas ko ang tingin ko kay TOP habang pinupunasan sya. Nagiging maniac na ba ako?! Pinagnanasahan ko ang isang walang malay na may sakit? May sakit na nga sinasamantala ko pa!! BAD SAMMY!! BAD!! Pinunasan ko na lang ulit sya. Binilisan ko. Pagkatapos non, inilagay ko ang towel at lalagyan sa bathroom ko. Nag-hilamos ako. Grabe ang init! Ang hirap ng ginawa ko ha!

SOBRA!! Hihihi! Pero ang saya! KYAAAAAAHHHH!!!! *Mental slap* BAD SAMMY!!! BAD!!!

Bumalik na ako sa kwarto. Inayos ko ang kumot ni Timothy. Di na sya masyadong nanginginig pero ang lamig parin nya. Inaantok na ako. Pag-tingin ko sa digital clock, two-fourtyfive am na. Kaya naman pala.

Humiga ako sa tabi nya at in-off ko ang lampshade. Niyakap ko siya nang mahigpit para di na sya masyadong lamigin. Pinakiramdaman ko ang paghinga nya. Nakadikit sa dibdib nya yung pisngi ko, pinapakinggan ko yung tibok ng puso nya. Ang bilis. Naramdaman ko na gumalaw sya at niyakap ako. Yung legs nya pumulupot sa legs ko. Mas lalo kaming nagkalapit. Ehem! Di ako gumawa ng first move, di ako namantala ha! Napangiti nalang ako. Hinalikan ko ang chest nya, sa may heart area.

"Good night Hubby. Je vous aime"

Then I was out.

***

Talk Back and You're Dead!Where stories live. Discover now