Nakita ko si Timothy na nakaupo sa gilid ng kama. Nakapatong ang dalawang siko nya sa hita nya at naka-takip ang dalawang kamay nya sa mukha nya. Parang ang lalim ng iniisip nya.

Kinurot ang puso ko nang makita sya. Hindi pa kami nagkakaayos na dalawa. Ayoko talaga kapag nag-aaway kami nang ganito. Kung lalapit ako sa kanya.. lalayuan kaya nya ulit ako katulad nang nangyari kagabi? Ayoko naman na lumabas sya ng kwarto. Mag-sosorry nalang ako sa kanya.

Atras abante ako sa paglapit sa kanya.

"T-Timothy.."

Bigla syang tumingin sa akin. Nag-iba ang expression ng mukha nya. Mabilis syang tumayo at naglakad palapit sa akin. Bigla nya akong hinatak at ikinulong sa mahigpit nyang yakap. Naramdaman ko na hinalikan nya ang pisngi ko. Huminga sya nang malalim. Parang kinakalma nya ang sarili nya. Galit ba sya?

"I'm sorry," bulong nya sa tenga ko na ikinagulat ko. "I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." Mas hinigpitan nya ang yakap nya sa'kin. "I'm so sorry. I'm sorry. Please Wifey.. I'm so f*cking sorry."

Niyakap ko sya at naiyak. "I'm sorry din."

Hinalikan nya ako sa pisngi, sa noo, sa ilong at sa labi. "I'm sorry Miracle. I'm sorry I hurt you. I'm so sorry." Ibinaon nya ang mukha nya sa gilid ng leeg ko. Hindi nya ako pinapakawalan sa yakap nya. "Don't ever leave me again like that okay?" Hinaplos nya ang buhok ko. "Please Wifey.. I'm really sorry."

Lumunok ako. "Okay. I'm sorry too Timothy. Hindi ko na uulitin. Sorry." Pinunasan ko ang luha ko at niyakap sya nang mahigpit.

"Where have you been? I really thought you were gone."

"Bakit? Saan mo ba ako hinanap?"

"Bus terminal."

"Haay Timothy."

Bigla syang bumigat.

"T-Timothy!"

Humiwalay sya ng yakap sa akin pero nakahawak sya sa isang kamay ko. "I'm exhausted."

Napansin ko ang itim sa ilalim ng mga mata nya. Mukhang hindi rin sya nakatulog nung gabi na mag-away kami. Hinila ko sya papunta sa kama.

"Matulog ka na muna Timothy."

"Stay here with me."

Tumango ako. "Of course. Dito lang ako, tatabihan kita."

Humiga na sya at mabilis na nakatulog. Pero kahit na tulog sya hindi nabawasan ang higpit ng hawak nya sa kamay ko. Tinitigan ko ang mukha nya habang natutulog. Di ko na namalayan na nakatulog pala ako. Pagkagising ko wala na si TOP sa tabi ko. Bumangon ako sa kama at tumingin sa digital clock sa bedside table. Nine pm. two hours lang ang tulog ko. Nagugutom na ako. Hindi pa ako nakain simula kaninang umaga.

"Timothy?" wala sya sa banyo nang i-check ko. Lumabas ako ng kwarto. "Timothy?" tawag ko pagkababa ko sa hagdan.

May narinig akong tawanan sa kusina. Ah! Oo nga pala, nandito sina Red sa bahay. Pumunta ako ron.

"Sam! Musta ang tulog?" tanong ni Jack.

Napatingin sa akin lahat at napatigil sa paglalaro ng baraha. Parang may inaasahan silang magic trick mula sa'kin. Bakit ba biglang tumingin sa akin ang mga 'to?

"Uh.. Hello.." nag-wave pa ako sa kanila. Awkward... Nasaan kaya si TOP? Hmm.

"Tamang tama ang gising mo Sam, may pupuntahan sana kami eh," sabi ni Red.

"Saan?" tanong ko sa kanya.

"Bar."

"Uhh.. Ok.. Si TOP?" tanong ko.

Talk Back and You're Dead!Where stories live. Discover now