Chapter Twenty-Eight

Start from the beginning
                                    

"Ang lapad pa ng balikat!"

"Pa-bluetooth ng picture ha."

"O sige."

"Grabe! Sya na ang pinakagwapo na nakita ko sa lugar na 'to!"

"Tama!"

"Ang sexy nya!"

"Inaakit nya ang mga mata ko! Hahaha!"

"Nakakasabog ng ovaries ang kagwapuhan nya!"

"Tingin palang nya mabubuntis na ako eh!"

"Walang pinipiling anggulo!"

"Grabe talaga sobrang gwapo!"

"Bagay kami!"

Shiz! Sana hindi si TOP ang pinag-uusapan nila. Pero malabo naman na hindi, si TOP lang naman kasi ang nakikita kong gwapo rito. Meron din naman iba, pero iba parin ang level ng kagwapuhan ni TOP. Sobrang nasa tuktok ang kagwapuhan nya, bagay sa kanya ang nickname nya na TOP.

Tumayo ako at kinuha ang mga paperbags. Mabilis ako lumakad paalis. Ayoko ng mga naririnig ko. Nagseselos ako.

"Miracle," si TOP may dalang malaking box ng popcorn at dalawang strawberry milkshake.

"Hubby," muntik ko na syang hindi mapansin.

"Saan ka pupunta?"

"Uhh.. Ano.. Ang tagal mo kasi kaya.." huminga ako ng malalim.

"May nangyari ba habang wala ako?" Shiz!

"W-Wala."

"You're tense."

"Huh? Ah kasi.. Ang dilim."

Tinignan lang nya ako.

"Hehe! Mag-uumpisa na yata."

Hinawakan ko sya sa braso at umupo na kami sa may hulihan.

"Are you sure you're okay? Are you cold?" inakbayan nya ako.

"I'm okay TOP." Sumandal ako sa balikat nya.

Dumilim na nang tuluyan sa sinehan at nag-umpisa na ang palabas.

***

Hinila ko sya papuntang Fun House pagkatapos ng first movie. Hindi na namin pinanuod ang pangalawa. Ang daming naglalaro sa fun house. In fairness ang laki ng place nila. Kumuha na kami ng tokens.

"Ano'ng uunahin natin?" lumingon lingon ako sa paligid.

"You choose."

"Hmm. Ito nalang Jellies!"

Umupo ako sa harap nung machine. Nasa kabila si TOP. Ang Jellies, ang rules ay kailangan ko lang makakuha ng 500 Jellies sa loob ng three minutes. Ang selection ng player ay mga Jelly Beans. Ang cute nila! Ang pinili ko ay 'ang Jelly-Pink. Girl kasi sya. Ang kay TOP Jelly-Blue. Haha! Ang cute talaga. Nag-start na kaming maglaro. Ang galing ni TOP. Ang cute talaga ng Jell-Blue nya. Kaso lagi akong dead. Kaya naubos ang tokens na ibinigay sa'kin ni TOP.

"Wow! Hubby! Ang galing mo naman!"

"Tss."

Nasa level twenty-two si TOP nang mag-game over. Wow! Samantalang ako level twelve lang. Hmp! Ang bilis ng mga mata ni TOP at ang bilis ng kamay nya.

"Game Over na," kinuha nya ang mga ticket na lumabas sa machine at tumayo. "Ano'ng next?"

Nag-isip ako ng laro. Yung ako naman ang mananalo. Pero ano kaya? Mukhang sanay si TOP sa mga games dito. Lalaki kasi sya. Tumingin ako sa paligid. Hindi nagtagal at may nakita ako. Isang game kung saan tyak na mahihirapan sya. Tumingin ako kay TOP nang nakangiti.

Talk Back and You're Dead!Where stories live. Discover now