Prolouge

1.5K 28 3
                                    

P R O L O U G E................

"Sorry"

'Yan ang huling sinabi ni Brent kay sa kanya noog huli silang magkita noong recognition day. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nag-sorry ito sa kanya.

Buong bakasyon ay palagi itong laman ng isip niya at hindi ito mawala-wala doon kahit na ano pa ang gawin niya.

Tuwing gigising siya sa umaga ay ito agad ang maiisip niya at bago naman siya matulog ay binabalik-balikan niya ang mga masasayang alaala nilang dalawa.

Ngunit ngayon na malapit na muli ang pasukan nila ay kinakabahan na siya.

May parte sa kanya na gusto pa rin itong maging kaklase ngunit may parte din sa kanya na ayaw na niya dahil hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan pa.

Aantayin na lang niya ang pasukan nila at kung ano mang mga mangyayari pa...

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Where stories live. Discover now