08. park incident

Start from the beginning
                                    

Anong maitutulong ko sa lalaking 'to? 'Yong utang niya sa akin, hindi niya pa nababayaran. Marami pa kaming pinagusapan. Ang aga namang gumawa ng problema ng lalaking 'to. Hindi pa nga nakapagtapos ng pag-aaral. Ewan ko na lang kung ano ang sasabihin ni tito dito sa kanya.

"Sige, ipagdadasal kita na hindi magagalit mommy at daddy mo." Biro ko sa kanya at tumawa.

"Nanmomoblema na ako dito, tinatawanan mo pa ako." Sabi niya. Talaga namang hindi mapakali ang mukha niya. LOL Nakakatawa talaga siyang kabahan.

"Kagagawan mo 'yan kaya dapat panindigan mo yung ginawa mo. Ano ba naman kayo?!"

"Paano ko 'to sasabihin sa kanila? Dapat samahan mo ako." Kanina niya pa niyuyugyog kamay ko.

Sino ba talaga mas matanda dito sa amin? Parang bata talaga ang pinsan ko!

"Anong ako? Syempre, dapat kayong dalawa ng girlfriend mo ang magkasama. Bakit? Ako ba 'yong nabuntis. Sus, para ka namang bakla. Pero sige, samahan ko kayong dalawa." Sabi ko sa kanya at tumawa.

"Salamat talaga, insan ha. Payakap nga." Niyakap niya naman ako.

"Umuwi na nga tayo, ihatid mo ako. Gabi na oh. Delikado na."

"Halika na."

Tumayo na ako.

"Aray! Jay, teka lang."

Wedge na sapatos ang gamit ko ngayon kaya nasaktan ko ankle ko. Natapilok lang naman ako.

"Ano ka ba naman? Clumsy mo talaga. Teka, tulungan nga kitang tumayo. Ito na 'yong bayad ko sayo. Early payment 'to ah." Sabi niya sa akin. This time, ako naman ang tinawanan niya. Aiiiish! Lalaking 'to talaga.

"Speaking of payment, hindi mo pa nababayaran ang utang mo sa 'kin."

"Susunod na 'yon kapag nanganak na ang girlfriend ko."

"Heh! Mag-iisang taon ka nang hindi nakakabayad." Sabi ko sabay hampas sa batok niya.

Nakahawak lang ako sa braso niya habang naglalakad kami patungo sa sasakyan niya.

"Saan mo ba pinarada kotse mo, malayo pa ba?"

"Malapit na tayo. Ang tagal mo namang maglakad." Asar niya sa akin.

"Kung ikaw kaya nasa sitwasyon ko. Nakakainis ka talaga. Hindi naman ako magiging ganito kung hindi mo ako pinapunta dito."

"Halika ka nga. I-peggy back kita para mabilis tayo maka-abot" Sabi niya.

Nakakainis ang lalaki 'to. Nakarating na kami sa kotse niya. Pinaupo niya ako sa passenger seat.

"Sa unit ka uuwi?" Tanong niya sa akin.

"Oo. Doon na ako umuuwi."

Inis-start na nuya ang sasakyan at nagsimula nang nagdrive. Tinignan ko muna ang phone ko at ang raming missed call at text ni V. Anong kailangan nito? Gabi na ah.

Binuksan ko yung mga text niya ng biglang nagpreno si Jay muntik tuloy akong mauntog buti nalang nakaseat belt ako. Nahulog rin 'yong phone ko. Saan na 'yun?

"Ba't mo hininto?" Tanong ko kay Jay.

"May magpapakamatay yata." Sagot niya habang nakatingin sa harapan.

Kinuha ko muna 'yong phone ko na nahulog at tumingin naman ako sa harap ng sasakyan.

Si V 'yan ah, bakit siya nakaharang dyan? May dala siyang skate board. Saan galing 'to? Naglakad siya papunta sa kotse at kumatok sa window malapit sa akin.

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now