33. hospital

1.8K 77 24
                                    

I want to dedicate this chapter to @jhennifer07 :) Napansin ko yung previous comment niya sa previous chapter eh :D Salamat sa pagsuporta sa story na 'to.

*****

Gaille's POV

Nakagising na ako pero parang hindi ko ata 'to kwarto. Medyo masakit ang ulo ko saka yung gilid ng katawan ko. Anong nga yung nangyari sa akin kahapon o kanina ba yun? Aiiissh. Parang wala ata ako sa sarili.

Nakita ko naman si V na nakaupo sa gilid. May pumasok naman na doctor. Ahhh, nasa hospital pala ako?

"Doc, kamusta po ang result?" -tanong agad ni V.

"The patient is very fine. Minor scratches only. Siguro, depressed yung pasyente kaya nawalan siya ng malay. Hindi naman malakas siguro ang impact ng pagkakabangga sa kanya kasi wala akong makitang lubhang galos sa kanya kaya pwede niyo na siyang iuwi ngayon o pwede din bukas." -sabi nung lalaking doctor saka umalis.

"Sa susunod magingat ka tumawid. Para kang baliw kung tumawid sa daan. Wala sa sarili. Nagiisip ka ba?"

Haaay naku! Bungangero! Masakit na nga ulo ko, ang rami niya pang sinasabi.

"Oo na! Gusto ko lang naman bumili ng ice cream." -sagot ko sa kanya.

Nasagasaan pala ako? Haaaay! Si Kookie? Saan na sya? Ah, no. Wala na pala sya sa akin.

"Oh, ayan! Nagiging emotional ka na naman. Dahil ba nagkita lang kayo ng fiancè ni Jude?" -sabi nya. Napalingon ako sa kanya. Ba't nalaman nya?

"Kilala mo fiancè ni Jude?"

"Syempre. Matagal na."

Hindi man lang nya sinabi sa akin?

"V, wag mo sabihin sa mga kaibigan mo ang nangyari ha. Baka---"

"Kahit hindi man natin sasabihin, malalaman din nila. Malapit na yung ikasal oh and I'm sure, we are all invited."

"Oo, alam ko. Wag mo nang sabihin sa akin. Sa ngayon, engaged pa sila noh kaya wag ka munang advance!"

"Oh, Anong plano mo? Hahabolin mo pa rin sya. Ganun?"

"Hindi. Wala akong plano. Gusto ko lang syang makausap pero hindi muna sa ngayon kasi naghihinagpis pa ako TT.TT"

"Ewan ko sayo. Bakit pa kasi siya pa ang pinili mo na----"

"V, gusto ko ng tubig." -naputol ang sasabihin nya. Grabe, uhaw na uhaw na ako.

"Sige, bili lang ako sa labas."

Lumabas na siya ng room. Private hospital 'to ah. Sino ang magbabayad ng bills? Sumandal muna ako sa board ng bed. Pumikit muna ako. Ilang minutes lang bumukas na yung pinto.

"Ang bilis mo ata. Asan na ang tubig ko?" -sabi ko habang nakapikit pa rin.

Inilahad ko ang kamay ko para kunin yung tubig. Binigay niya sa akin ang malamig na malamig na bottled water. Pagkabigay nya, binuksan ko na ang mata ko at tumayo na ako sa pagkakasandal. Only to find out na hindi si V ang nasa harapan ko ngayon.

"Ikaw ba yan V o hindi?" -tanong ko.

Ohmygaaad! Mas gwapo siya sa lahat ng lalaki na nakita ko. Uwemjee! Matangos na ilong, matangkad, maganda ang pangangatawan at mukhang mayaman. Owemgee! Ito na naman ako!

"Ahh pwede ko bang hingiin ang number mo? Para naman makamusta kita kong okay ka na ba. Okay lang ba sayo, Gaille?" -sabi nya.

Ha? Number ko? Wait! Hindi ko pa nga sya kilala. Pero... Huh? Kilala nya ako? Paanon nangyari---

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now