09. kotse incident

2.5K 104 7
                                    

V's POV

"Buksan mo ang pinto ng kotse." Utos niya sa akin.

"Paano kung ayoko." Sagot ko sa kanya saka umandal sa upuan dito sa backseat.

"Buksan mo." Sigaw niya sa akin sabay hampas sa braso ko.

"Sasama ka sa akin sa unit. Kung gusto mong taposin na natin ang pagpapanggap natin. You don't know what can I do to you."

"Bahala ka. Ayoko na." Sabi niya.

"Edi, hindi ka makakauwi."

Tinignan niya lang ako.

"Bakit nakikipagusap ka sa ibang lalaki ha?"

"Wala kang pakialam. Don't act like your my real boyfriend. " Sagot niya sa akin.

"Sagutin mo 'yong tanong ko!"

"Ba't ka ba  nagagalit? Pinsan ko lang naman 'yong kausap ko. Cousin!"

"Oo, pinsan mo nga. Pero, lalaki pa rin 'yon. Hindi ko gustong hinahawakan ka niya sa kamay."

Hindi ko mapigilang sabihin 'yon sa kanya. Ba't nga ba ako nagagalit? Nagseselos ba ako? Ah.. Hindi basta! Iba 'to. Gusto ko na ba siya? No way! Si Lucy lang ang gusto ko at mahal ko. Kaya nga nagpapanggap kami para pagselosin siya. Hindi magbabago 'yon!

*****

GAILLE's POV

Hindi ko alam kong ba't nagagalit ang lalaking 'to. Akala mo kung sino. Nakakapagod na. Parang may limit ang mga bawat kilos ko.

Pumunta na siya sa harapan para magdrive.

"V, iuwi mo na ako."

Pero hindi niya ako pinansin. Nagdadrive lang siya.

"V, I'm begging you, please!"

No response pa rin siya.

Nagring yung cellphone ko at si Jay 'yong tumawag.

"Hello."

[Jay: Nakauwi ka na ba? Saan ka dinala ng lalaking 'yon?]

"Hindi pa ako nakauwi. Pero, okay lang ako."

[Jay: Sino kasama mo diyan?]

Magsasalita na sana ako nang magsalita ang mayabang..

"Sino na naman 'yan?" Tanong niya sa akin.

"PINSAN ko 'to!" Sagot ko.

[Jay: Sinong lalaking 'yon? Siya ba 'yong dumukot sa 'yo? Saan na kayo?]

"Wag kang mag-alala, boyfriend ko ang kasama ko ngayon. Iuuwi naman niya ako ng buhay. Sige na, 'wag mo na akong problemahin. Magusap na lang tayo mamaya."

Then, I ended the call.

"Sa susunod, sasabihin mo sa akin kung makikipagkita ka sa ibang tao."

"Bakit ko pa kailangan sasabihin sayo? Anong paki mo? Pinagbabawalan mo ba ako?"

"Paano kung makita ka nang schoolmates natin? Anong sasabihin nila? That I always end up being cheated. Gusto mo bang ipamukha sa akin 'yon?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"I'm sorry. Pero ayoko na sa fake relationship natin. Ayoko na din mga attentions na nakukuha kapag kasama kita sa school" Sabi ko.

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now