28. bcs of V

2.2K 94 10
                                    

Gaille's POV

Sa bahay ako umuwi ngayon. Basta basta na lang nagalit sa akin si Kaylee. The new girlfriend of V pero hindi ko feel eh. Nakarinig naman ako na may kumatok sa glass door ng veranda ko. Tinignan ko naman kung sino. The eff! Si V lang pala.

"Ba't ka nandito?" -tanong ko sa kanya. Ano naman kaya ang kailangan nito?

"Gusto lang kita makasama." -humiga naman sya sa kama ko. Aba! Parang kanya ah.

"Hoy V! Kung gusto mo lang tumambay, hindi tambayan ang kwarto ko."

Nakapikit lang sya habang nakahiga. Taong to walang magawa sa buhay. Tumunog naman phone nya sa pocket nya.

"Pakikuha nga ng phone ko." -utos nya sa akin.

"Excuse me! Hindi mo ko katulong."-sagot ko sa kanya.

Kinuha naman niya ang phone na kanina pa tunog ng tunog. Tinignan niya at sabay bato sa gilid. Tinignan ko naman kung sino. Etchosera na pala ako ngayon.

"Hindi mo sasagutin? Si Kaylee to ah." -sabi ko sa kanya.

"Hayaan mo sya. She's not important." -sagot niya.

Pumunta naman ako sa banyo para magbihis. Pagbalik ko may kausap na si V sa phone nya.

"Si Gaille, nagbibihis pa. Si V 'to. Tawag ka na lang maya." -sabi niya at in-end ang phone call.

The eff! Phone ko pala ang hawak nya. Oh no! Baka si mama yun. Patay ako.

"Sino yun?" -tanong ko sabay bawi ng phone ko.

"Si Jude." -sagot niya. Oh no.

Damn! Si Kookie pala, I'm double dead!

"Ba't mo sinagot? I'm dead!"

"Tumatawag sya eh. 2 missed calls bago ko sagutin." -sagot niya pa.

"V naman eh!"

Patay! PATAY! Magagalit talaga siya sa akin. Lalo na magkasama kami ni V. 7pm ng gabi.

"Ba't ayaw mo ipaalam sa kanya na magkasama tayo? Maging honest ka nga sa boyfriend mo." -sabi niya sa akin.

"Asus! Nagpakilala ka pa. Galit na yun sa akin. Bakit ka pa kasi pumunta dito."

"Hayaan mo na nga sya."

"V, ano ba yang sinasabi mo? Palibhasa kasi wala kang seryosong babaeng minahal."

"You're wrong, Gaille. I have but her attention is with someone else."

"Edi get her attention! Maging kontrabida ka kung seryoso ka talaga sa babaeng yan."

"Sabi mo yan. Thanks for that amazing idea. Susundin ko yang sinabi mo." -he said and gave me a grin.

"The ef ka! Anong sasabihin ko kay Jude nito?" -pag-aalala ko.

"Wag na kasi puro attention mo na lang palaging nasa kanya." -sabi at palapit ng palapit sa akin.

"Umuwi ka na nga! Hindi ka nakakatulong!"

Pagkasabi ko nun, sakto namang tumawag si Kookie. Ayan na!

[Hello? Si Gaille na ba 'to?] -tanong nya sa kabilang linya.

"Oo, Kookie ako na'to."

[Andyan pa ba lalaki mo?]

"Kookie, anong lalaki? Si V yun, kaibigan natin sya."

[KAYA PALA! Kaya pala hindi ka umuwi sa unit mo dahil magsasama kayo ni V diyan sa bahay niyo. Mas pinili mong magsama kayo, kaysa tayo ang magsama ngayon.]

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now