02. jeepney

3.7K 126 18
                                    

V's POV

That girl made my evening. Aiiiish! Can't stop thinking about what I've done. She even called me mayabang.

Hindi ako naniniwala na hindi ako kilala ng babaeng 'yon. Pero, Paano kaya kung hindi talaga? Tssss Napakaimpossible. Sikat kaya ako sa school.

Lahat ng babae nagkakandarapa. Pati girlfriend ko, pinagseselosan. May umaaway pa sa kanya pero syempre, hindi ako papayag na awayin nila si Lucy. Ako makakaharap nila. Mahal ko kaya 'yon. Speaking of my baby.. She's calling...

"Baby, sabay tayo umuwi bukas ha?"

"Nako, baby, nasira yung kotse ko. Pinaayos ko pa."

"Okay lang yun baby. Okay lang sa akin magjeepney tayo."

"Seryoso ka ba baby? Nako, baka magkasakit ka. Maalikabok pa naman sa kalsada at saka traffic."

"Ano ka ba baby. Okay lang sa akin no basta magkasama tayo."

"Ikaw talaga baby. Okay, sige. Magjejeepney na lang tayo bukas.

"Okay, I love you baby. Mwah."

"I love you too baby."

The she hangs up.

Haaay! Ang ganda talaga ng baby ko. Wallpaper ko kasi sya sa phone ko. Ikikiss ko nga. Yeees! Sabay na kami uuwi bukas. 2 consecutive days na kasi kaming hindi sabay umuwi. I just can't wait to hold her hands.

Anong oras na ba? 10:32 na. Makatulog na nga. Gigising pa ako ng maaga bukas.

GAILLE's POV

Late na akong nagising. Damn! Mala-late talaga ako nito. Hindi naman kasi ako naga-alarm clock.

Paglabas ko ng unit. Lumabas din yung mayabang na kausap ko kahapon. Pero ang kalma-kalma lang niya. Parang walang orasan. Hindi ba 'to takot ma-late?

Anyway, Anong first subject nga namin ngayon? Damn! Trigo. Nakakatakot pa naman si Teacher Renzy at may oral recitation pa naman kami ngayon sa Workbook. Baka pwede pa makahabol. Go Gaille!

"Gaille, buti nakaabot ka kanina sa Trigo and good thing nasa meeting ang mga Math Teachers. Swerte mo talaga." Sabi ni Sam sa akin.

Mabuti nga, hindi na rin ako kumuha ng slip dahil late ako.

"Sus, ako pa. Sige, Magkita na lang tayo bukas, besh. The usual meeting place, sa Chasung Cafe. Libre ko."

"Ang bait mo talaga, Gaille. Tataba ako nito dahil sayo eh. Sige, nandyan na sundo ko. Bye Gagayla! :p" Asar niya sa akin.

Umalis na kotse nila. Saan na kaya sundo ko? Tinawagan ko si Aling Medy na magpapasundo ako dahil uuwi ako sa bahay. Ngayong araw lang naman.

After 20 minutes. Wala pa ring pulang kotse ang dumating.

Kaya tumawag na ako sa bahay. Si Aling Medy yung sumagot.

"Aling Medy, nasaan na po si Manong?"

"Nako! Anak, nag-leave muna si Manong Bob mo dahil namatay 'yong asawa niya kahapon."

"Nakakalungkot naman. Sige po, Aling Medy. Magco-commute na lang po ako."

"Sige, Mag-ingat ka iha."

"Nandyan na po si mommy?"

"Oo, kararating lang nya kani-kanina lang. Inantay yun ni Bob bago sya umalis."

"Okay. Sige po aling Medy. Maraming Salamat po."

Hindi ako sanay magcommute na ako lang isa. Okay lang pagkasama ko si Sam.

Ayokong mag-taxi. Baka maulit ulit si holdap chu-chu. No choice ako ngayon gusto ko nang makita si mommy. May jeepney na, kaya sumakay na ako.

Huminto yung jeepney sa Lorfe's Bubbletea Shop at sumakay si si si Lucy?

Himala at nagjeepney sya. Maarte pa naman 'to. Pero, O_____O kasama nya si---hindi ko nga pala siya kilala. 'Yong kapitbahay ko nang unit. 'Yong tinatawag kong mayabang.

Ooops! Nag-Pretend ako na hindi ko sila nakita. Hindi ko sila nakita. Kaya tumingin na lang ako sa ibang direction. Hindi naman rin nila ako napansin.

Biglang nagsalita si Lucy..

"Hoy! Jaden. Long time, no see. Ang gwapo mo na ngayon. Saan ka ngayon nag-aaral?" Sabi ni Lucy sabay tapik sa katabi niyang lalaki. Hindi ko napansin 'yong lalaki yan ah. Sobrang gwapo nga.

"Oy, Lucy ikaw pala yan? Nasa Jahyun Acad. ako ngayon nag-aaral. Long time, no see rin."

At marami pa silang pinagusapan pero bakit hindi maganda ang atmosphere ni mayabang ngayon?

Katabi sila ngayon ni Lucy at kung makatingin siya sa kausap ni Lucy parang pinatay na niya ito 1000000000 times sa isipan niya lol. Anong connection nila ni Lucy?

Bigla naman napatingin sa akin si Mayabang kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Namukhaan kaya niya ako?

"Hoy, Jennifer! Long time, No See! Bakit hindi kita nakikita sa campus?" Sabi niya.

Ako ba kinakausap niya? I'm not Jennifer. Lumingon ako sa kanya at nakatingin siya sa akin. Anong trip kaya ng lalaking 'to?

"Ahh, Long time no see rin." Sagot ko sa kanya.

"Anong section ka ba? Para mabisita naman kita sometimes." Nakangising sabi niya sa akin at naiilang ako kahit hindi naman karamihan ang nakasakay ngayon sa jeepney na 'to.

Pakasabi niya n'un saka pa tumingin si Lucy sa direksyon niya.

"Baby, Sinong kinakausap mo? Anong mabisita?" Hindi makapaniwala na tanong ni Lucy sa kanya.

"Ha? Ah wala. Nakita ko lang yung childhood bestfriend ko. Si Jennifer pala." Sabay turo niya sa akin.

Tumingin naman si Lucy sa direksyon ko. Hahaha Lagot ka kay Lucy, Mayabang. Kami ni Lucy ang magchildhood best friend at kilala niya ako.

-----*END OF CHAPTER TWO*-----

This is just a short chapter. Hihihi. Thank you for reading. Please do vote and comment only if you want to. ^___^

Prince Charming MayabangOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz