Chapter 14. Busog na busog.

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngayon ko lang naamin sa sarili ko na nahulog na pala ako sa kanya.

But the thing is...

Hindi kami bagay sa isat-isa.

Isa lang akong hamak na shunga who happened to save his nephew from an accident.

They repayed my suicidal act and here I am... Standing beside the man na inakala kong hinding-hindi ko magugustuhan.

He was indeed a king. Sapat na 'yon para matauhan ako. I am a hopeless romantic person pero hindi ito ang oras para paniwalaan ang mga fairy tales. Cinderella's story was just a fantasy.

I'm in a real world. Things like true love's kiss or happy-ever-after don't exist here.

Tama na siguro 'yong mahalin ko na lang siya ng ganito. Palihim...at least masarap pala sa pakiramdam ang ma-inlove. Iyon nga lang, hanggang doon na lang.

He was so close...yet so far...

Nang maihatid niya ako sa unit ay nagpasalamat ulit ako sa kanya and shut the door closed.

And here I am...

Staring at the blank ceiling.

Sabado.

Anung gagawin ko bukod sa tumunganga?

Tumayo na lang ako at pumunta ng kitchen para magluto ng almusal.

Nagsangag ako ng kanin at pagkatapos ay nagprito ng itlog. Syempre, hinding-hindi mawawala ang ang paborito kong tuyo at kamatis.

Sarap!

Kasalukuyan akong nagsasandok ng kanin nang tumunog ang door bell.

Kahit naka-pajama at cotton blouse lang ako ay binuksan ko ang pinto.

Sana nagbihis na lang ako...

"Good morning. Can I come in?"

"A-ah... Y-yes sir."

"Cut the formality, were not at the office."

Cut the formality daw pero bossy pa rin ang tono ng boses. Tss...

Pinapasok ko siya sa sala.

Shit! Shit! Shit!

Khaki pants and a v-neck white shirt...

Im really holding my breath.

What's he doing here?

Ah! Juice colored!

Ang pajama ko...

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatayo lang at pinapakiramdaman ang isat-isa.

Humarap siya sakin na nakakunot ang noo.

Anu na naman bang problema nito?

"What's that smell?" lumukot pa ng bahagya ang mukha niya.

Ganun? Alien ba to? Hindi pa nakakaamoy ng tuyo?

Right...rich kids.

"Ah...that's my breakfast."

He-he...

"Really? Can i join you?"

"Y-you want to join me?"

"Yes."

"In breakfast."

"Yeah..."

"With that funny smell."

"Yup."

"Y-you're kidding, right?"

"Ayaw mo?"

"A-ah, hinde...hinde..sure! To the kitchen."

Nagpatiuna ako papunta sa kitchen.

Kumuha ako ng extra plate at kutsara't tinidor, saka ako umupo at sumunod naman siya.

Anyare sa taong 'to? Nakasinghot na 'to ng Baygon! Bakit biglang-bigla na lang siya kakatok sa pintuan ko? At sasamahan pa ako sa almusal?

Hindi kaya sinaniban 'to?

ANYARE?!

Asan ang madilim na mukha niya?! NASAAN?! PAK!

Pano ba 'to? Paano mo pakakainin ng tuyo ang taong pa-bacon-bacon?

My goodness and a half!

"Well? How do we eat this?" tanong ni King habang tinutusok-tusok ng tinidor ang tuyo.

Huminga ako ng malalim at hinipan ko ng marahas ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

Tumayo ako at naghugas ng kamay at saka bumalik sa upuan ko. Para lang siyang bata na nagmamasid lang.

Naglagay ako ng kanin sa plato niya at saka sakin. Tahimik lang siya. Pagkatapos ay kinamay ko ang kawawang isda at binali sa gitna. Hinimay ko ang laman at saka kumuha ng sliced na kamatis. Isinama ko ito sa sinangag at saka sumubo.

Sarap!

"Hmmm...your turn."

Sandali pa siyang naghesitate.

Sige...ginusto mo yan eh.

Ginawa rin niya ang ginawa ko.

Gosh...hindi niya bagay magkamay! Ang gwapu-gwapo niya masyado para magkamay! Huwag na huwag siyang magkakamay!

Heart-heart-heart...behave...

Shit! He's still perfect!

Maya-maya ay nagsubo na siya.

Dug-dug.

Ngumuya.

Dug-dug.

Pumikit.

Dug-dug.

Tumango-tango.

Damn!

That damn smile!

"It's good. Hmmm...it's really good!" nagsubo ulit siya.

Napangiti na lang ako.

This man is...

WOW...

Sarap na sarap ito sa pagkain. Ang sarap niyang panoorin. With that smile on his face.

Finally, that smile on his face...

Ah...ang sarap mong mahalin...

Bigla siyang tumingin sakin.

"A-ahm...tubig?"

"Sure!"

Kumuha ako ng tubig sa ref.

Shit! Tumatambol na naman ang puso ko...

Binalikan ko ang pagkain ko and then we ate heartily.

Kahit busog na busog na ako... Busog na busog na ako... ^__^

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon