Epilogue

8.9K 228 16
                                    

"Andrew?!" Tawag ko sa aking asawa pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng aming silid.

"Asan na ba ang lalaking 'yon?" Mahina kong usal sa sarili.

Naglakad ako patungo sa kaliwang sulok ng silid kung saan naka pwesto ang bag rack. Isinabit ko ang dalang tote bag roon bago muling nilibot ang loob ng aming silid.

Our room is too spacious. We have a king sized bed in the middle of the room adjacent to the door. Siguro ay kasya ang limang katao na hihiga sa kama namin. Okay lang naman sa akin ang katam-tamang laki ng kwarto at sakto na kama para sa aming dalawa pero wala na akong nagawa ng pagkarating na pagkarating namin sa Pinas mula honeymoon ay may bahay na pala kaming nakahanda.

He said that it's the house he built since he has his own money from the company he established himself. Alam niya raw na balang araw ay kailangan niyang magpakasal para sa pamilya o para sa negosyo niyo kaya pinaghandaan niya ito.

'Yon nga lang hindi niya napaghandaan na sa babaeng mahal niya pala siya ikakasal, ika nga niya.

Matapos isabit ang dalang bag ay tinungo ko ang isang pinto kung saan ang malaking walk in closet naming dalawa na halos kalahati rin ang lawak kung ikukumpara sa mismong silid.

He's not here? I thought.

"Andrew?" Muli kong tawag.

I came from the supermarket. Sinamahan ko kasi ang katulong sa pamimili dahil na rin sa pagkabagot ko sa bahay dahil sa walang magawa. I know Andrew is already home since I saw his car in the garage when we parked the car we used.

Kahit imposible ay napagpasyahan kong tunguhin ang banyo at umaasang baka nando'n siya. Alam ko namang imposible dahil alas sais y medya palang ng gabi at kadalasang nagsha-shower ang isang 'yon tuwing patungo na kaming matulog pero baka naiinitan siya kaya nag-iba ang kanyang routine.

Hindi na ako nag-abala pang kumatok at basta na lang pinihit ang siradura.

"Andr----." I was abruptly stopped from calling him when I finally opened the door.

Nanlalaki ang mata niyang nilingon ako. "Shit!!! Chloe, babe, it's not what you are thinking!" Natataranta niyang saad habang mabilis na tumalikod at pilit na hinaharangan ng katawan ang bagay na 'yon.

I saw his naked butt for a while but then his hand is fast to pull up his pants ang zip it.

I can't believe what I saw. Anong naisip niya at bakit niya 'yon ginawa?

Kulang sabihin na nagulat ako sa nasaksihan.

"A-andrew?" Ani ko habang may masaganang luha na tumulo sa aking mata.

Marahil ay nahimigan niya sa boses ko ang pag-iyak kaya naman matapos itago sa bulsa ang kanyang telepono ay agad siyang lumapit sa aking gawi.

"Babe, sshhh.. don't cry. It's not what you think." Pag-aalo niya sa akin sabay yakap.

I want to push him away. Nandidiri ako. Nandidiri ako sa kanya. Pero di ko magawa, I lost all of my strength. Nangangatog ang tuhod ko hindi dahil sa kilig ngunit dahil sa pagkasuklam.

"Please, please don't take it negatively." He explained.

Don't take it negatively? Ano ako, mapapakatanga? Ngitngit ng aking isip.

Pinilit kong makawala sa kanyang yakap at ginamit ang natitirang kakarampot na lakas upang makawala sa kanyang yakap.

Nakakabakasan ng gulat ang kanyang mukha. He seemed lost but I won't bite the bait. I know he's acting it.

Pinahid ko ang masaganang luha sa aking pisngi gamit ang likod ng aking palad. I mustered all the strength left in me and slapped him hard on the face.

Trapped In (COMPLETED)Where stories live. Discover now