Chapter 20: Space...Literally

5K 114 4
                                    

Kinahapunan ng mag-usap kami ni Shaira at nalinawan ako sa dapat na gawin ay umuwi ako sa condo na buo ang loob para kausapin na si Andrew at makipagbati.

Bago umuwi ng condo ay dumaan muna ako sa maliit na convenience store na nadaanan para bumili ng mga ingredients para sa paggawa ng leche flan. Plano ko kasing gumawa nito para magsilbing peace offerring ko.

Twenty minutes before seven,  I arrived at the condo. I have enough time to cook a simple meal and the leche flan before he'll be home.

Mula kasi ng iniiwasan ko siya ay alas otso hanggang alas nwebe na siya ng gabi umuuwi, kagaya ng kinaugalian niyang uwi noong wala pa kaming kasunduan na i-consummate ang kasal. Kaya naman siguradong nakahanda na ang lahat hindi pa man siya nakakauwi.

Alas otso kinse ay tapos na ako sa pagluluto at pinalalamig ko na ang leche flan at ilalagay na lang sa refrigerator kaya naisipan ko ang mag-shower muna dahil alam kong nangangamoy ulam na ako.

Hindi ko muna inihanda sa mesa ang mga pagkain at baka lumamig.

I showered fast thinking Andrew might be home any minute.

Matapos mag-shower at magbihis ay muli akong lumabas ng kwarto para sa sala na lang hintayin si Andrew.

Nasa sala ako at nanunuod ng tv habang hinihintay siya ng muli kong tinignan ang orasam at nakitang alas nwebe na.

"Konti na lang, uuwi na rin 'yon. Hintay lang, Chloe." Kausap ko sa sarili.

I waited, I patiently waited with all of my rehearsed apology playing inside my head non-stop.

But 15 minutes had passed, there still no sign of him.

20 minutes...

35 minutes...

1 hour....

Wala pa rin siya.

"Hintay lang, Chloe. Baka may ginagawa lang sa opisina kaya natagalan. Fifteen minutes more." Kumbinsi ko sa sarili kahit gusto ko nang umiyak sa inis.

10:15pm

Mag-isa pa rin ako.

"Fifteen minutes pa, Chloe. Last na talaga, promise." Pinal kong palugit.

Ngunit gaya ng paghihintay ng ulan sa kasagsagan ng El Niño, hindi dumating si Andrew.

Mabigat ang loob akong tumayo sa pagkakaupo sa sala at pinatay ang tv. Nagtungo ako sa kusina at piniling isilid ang adobong manok na niluto sa isang tupperware para ilagay sa refrigerator upang hindi agad mapanis.

The whole time I was doing it, I did it real slow in hoping that maybe, just maybe he'll finally arrive. Pero wala, wala pa rin siya.

Hindi na rin ako kumain ng hapunan dahil wala akong gana, nawalan ako ng gana.

"Hindi na talaga siya dadating." Malungkot kong kausap sa sarili habang hinuhugasan ang mga ginamit sa kusina.

Matapos magligpit ay pumasok na ako sa kwarto.

Agad akong humiga sa kama at ipinagdasal na sana sa susunod na araw ay hindi na ganito kalungkot ang araw ko.

I can't explain why but I'm hurt. The pain I was feeling was no joke at all. Masakit pala talaga ang umasa. I'm disappointed with him and most specially with myself. Umasa pa kasi ako na may halaga ako sa kanya.

Nang ipikit ko ang aking mga mata ay kasabay nito ang pagtulo ng aking luha. Luha ng dahil sa kanya.



__________



Trapped In (COMPLETED)Where stories live. Discover now