Chapter 1: Toxic Manila

10.8K 170 5
                                    

Maaliwalas at magandang panahon ang bumungad sa akin pagkababa na pagkababa ko sa eroplano. It's been two years since I last breathe the polluted air of Manila. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti, kahit pala napaka-polluted dito ay nakaka-miss pa rin.

"Welcome home, Chloe." Mahina kong bulong sa sarili.

Dahil lahat ng pamilya ko ay nasa America na ay walang sumundo sa akin. Medyo sanay na rin ako dahil simula nang magtrabaho ako pagka-graduate ay nag-paroo't parito ako from Manila to Ilo-ilo for almost two years bago ako nag-decide na mamalagi na talaga sa Ilo-ilo ay wala na talagang sumusundo sa akin at diretso na ako sa bahay.

At gaya lagi ng suliranin sa airport ng Pinas ay medyo matagal akong nag-abang ng masasakyan.

As I hopped inside the taxi my cellphone rang.

"Hello, my?" sagot ko.

I wondered why mom called. Kakatawag lang kasi niya kahapon sa akin at swerte na nga sa isang linggo na tatlong beses siya kung tumawag kaya nagtaka ako.

Dahil nanibago sa istura ng Manila ay nakatuon ang aking paningin sa labas ng bintana habang nasa tenga ko ang aking cellphone.

[Kumusta? Nakarating ka na ba ng Manila?] She asked.

"Yeah, nakarating na po ako." Sagot ko.

"Diretsuhin mo na, my, alam kong hindi tungkol d'yan ang tinawag mo." Dagdag kong sabi.

She doesn't call for that kind of matter. Laging may importante siyang sasabihin o di kaya'y balita sa kanila ang lagi naming pinag-uusapan pag tumatawag siya.

[I and your dad talked about this yesterday, Chloe. We agreed to sent you a ticket. Tutal at matagal na naman na proseso ang petition mo para pumunta rito at ikaw lang talaga ang may ayaw.] Mahaba niyang saad.

"But, mommy..."

Matagal na rin na naninirahan ang mga magulang ko sa America. Unang tumungo do'n si daddy tatlong buwan mula nang grumadweyt ako sa college six years ago at sumunod si mommy after six months. Dapat four years ago ay sumunod na ako but I chose to stay in the Philippines. Mas gusto ko naman dito kaysa mangibang bansa.

[No buts, Chloe. We let you stay in the Philippines kasi akala namin na diyan mo gustong magkapamilya. But you're already 28 and still single at kahit anak wala ka.] Lintanya ni mommy.

'Yon kasi ang kasunduan namin, I should be married when I turned 26 or else I'll follow them in the states. Medyo naurong nga lang ng two years kasi nakakalusot pa ako sa kanila. But this time is different, bibili na talaga sila ng ticket.

"My, ayaw ko ngang mag-asawa diba? I have no plan of getting married anytime soon. Pero ayaw ko rin diyan sa America, okay lang naman ako dito sa Pinas." Sagot ko.

[Diyosko naman, anak. Bakit ba ayaw mong mag-asawa? Hindi madaling mamuhay ng mag-isa hanggang pagtanda.] She said, concern was very evident in her voice.

"My, sakit sa ulo lang 'yan. Hindi mo pa ba napapanood ang No other woman, The legal wife, Secret affair, One more try, The mistress, My husband's lover, The unmarried wife at ang Ika-anim na utos? Wala ng faithful na lalaki ngayon. Wala ng katulad ni daddy. Kaya ako mas pipiliin ko ang magka-anak kaysa magka-asawa." Mahaba kong paliwanag ng side ko.

[Ewan ko sa'yong bata ka, mas negative ka pa sa temperatura dito sa America. Sige na, bababa ko na 'tong tawag pero 'wag mong isipin na lusot ka na. I'll tell your dad about your decision but I don't think na mababago pa ang desisyon niyang pasunurin ka rito.] Sabi niya bago pinatay nang tuluyan ang tawag.

Trapped In (COMPLETED)Where stories live. Discover now