Chapter 37: Blood

6.5K 166 25
                                    

"You sure you're okay?" Pang-anim na beses na niyang tanong sa akin.

"Okay nga lang ako. Huwag ka ng masyadong mag-aalala. Tatawag naman ako kung kailangan." Sagot ko uli pero mas hinabaan na para mapanatag na siya.

There was still hesitation on his face. Alam ko naman na nag-aalala siya sa akin dahil kapwa pa presko sa isipan namin ang nangyari kagabi sa mansion ng mga magulang niya.

Kung ako lang ang masusunod ay gusto ko rin naman na magkasama kami sa condo sa ganitong sitwasyon, ngunit hindi naman niya pwedeng pabayaan ang sariling kompanya dahil lang sa akin.

Masyado ng naantala ang trabaho niya nang pinuntahan niya ako sa Davao ngunit ngayon ay hindi na talaga maaari dahil may importante siyang kliyente na imi-meeting.

"Don't worry too much, babe. Nandito lang naman ako sa condo eh. Hindi naman siguro ako susugurin talaga ng abuela mo dahil hindi niya naman alam na wala akong trabaho sa ngayon. At hindi naman niya alam kung saan ako nagtatrabaho kaya hindi rin 'yon pupunta sa opisina." Saad ko habang inaayos ang necktie niya.

Dahil nga sa bigla-bigla kong pag-alis ay AWOL ako sa trabaho. I expected it actually but I didn't expect na babalik pala ako ng Manila na ganoon kaaga. Hinayaan kong umabsent na walang paalam para masitanti dahil wala naman akong pinirmahan na kontrata sa kompanya nang lumipat ako ng branch.

Nagsisi ako sa ginawa kong 'yon no'ng nasa Davao ako at nagka-ayos na kami ni Andrew pero nang mangyari ang kagabi, ipinagpasalamat ko na wala akong pasok kinabukasan dahil kung may trabaho ako ngayon, tiyak na lutang din ang utak ko sa rami ng iniisip.

"How can I not worry? We don't even know how Lala found out the truth about our marriage. It's only Kaizer and Andi knew about it, not even my friends who witnessed our wedding. And I also made sure that even if they found out, they will still think that we marry in secret without any motives. Our marriage is true, I made it sure to be clean as it can be." Nakakunot noo nitong pahayag.

Kahit ako man ay napaisip kung paano nga nalaman ng abuela niya. Ni hindi nga nalaman ng mama at papa ni Andrew na nandito lang sa Pinas, paano nalaman nito kung galing pa ito ng ibang bansa?

"Private imbestigator?" Hindi sigurado kong turan.

"Impossible." He responded shortly.

"But in what way it could possibly be? Wala naman ibang paraan maliban na lang kung nagsalita sina Kaizer at Andi na siyang imposible ring mangyari." Ani ko.

"Don't think about it too much, okay? Kahit ano mang paraan ang ginawa niya para malaman 'yon, ang mahalaga ay matatag tayong dalawa. We will not surrender and lose this fight, right? Just hold on tight, Chloe. I promise, everything is gonna be okay. I'll make it okay." He said as he lifted my chin to meet his gaze.

And it was like magic. Dahil lang sa sinabi niya ay gumaan ang loob ko. He had this in him, he can make me calm with his words full of assurance and love.

"I know. I know kasi nand'yan ka. Lahat naman ng bagay ay nagiging madali kasi kasama kita. I love you, Andrew. Thank you so much for loving me this much kahit na pamilya mo na ang may ayaw sa akin." Naluluha kong turan at niyakap siya.

Agad naman niyang sinuklian ang yakap ko. He kissed my head and whispered those three magic words he didn't get tired of telling me since he confessed.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay umalis na rin siya ng condo matapos ko siyang marahang iginiya patungong labas. As much as I wanted him to be with me, hindi ko naman pwedeng i-kumpirmiso ang kanyang trabaho. Mukha kasi kung hihilingin ko na manatili siya ay buong lugod niyang tutuparin.

Trapped In (COMPLETED)Where stories live. Discover now