Chapter 40: Real

6K 120 4
                                    

Naging mabilis ang pangyayari matapos hingin ni Andrew ang kamay ko sa aking mga magulang. Nakakatawa pa nga at pinaghiwalay pa kami ng kwarto matapos nilang malaman na buntis na ako.

Daddy was mad because according to him, its not right to impregnate me first before asking my hand for marriage even if we're already married.

I get his point but it seems ironic. Nangyari na ang nangyari at buntis na ako, hindi naman siguro magiging dalawa ang bata sa aking sinapupunan kahit magtabi kami ni Andrew sa iisang kama. But I chose to respect my dad's decision, I mean, we, especially Andrew, who first answeres willingly to my father's request. Nagpapa-good shot talaga siya sa magulang ko pero sobrang kunot naman ang noo ng kami na lang dalawa kasi ayaw niya talagang matulog na hindi ako katabi pero wala naman siyang nagawa.

Hindi naman kami nagtagal sa L.A. at umuwi agad ng Pilipinas matapos ang tatlong araw. Isa sa dahilan ang naiwan naming trabaho at pati na rin ang hiwalay naming pagtulog sa kwarto. He admitted it to me when I asked him the reason of our earlier flight compared to our initial plan of five days.

Dahil nga sa nalaman ng magulang ko ang aking aking pagbubuntis ay minadali ang aming kasal. Ayaw na raw nilang matagalan pa ito at maglakad ako sa simbahan na malaki na ang umbok ng tiyan.

Sumang-ayon naman kami ni Andrew sa gusto ng magulang ko dahil 'yon din naman ang aming napagkasunduan nang ayain niya ako muling magpakasal.

Napukaw ang atensyon ko nang may narinig akong katok mula sa pinto ng kwarto kung saan ako inaayusan ng make-up artist slash hair stylist na si Freda.

Nakita ko sa repleksyon sa malaking salamin sa aking harap sina Andi, Selene at Roxanne na iniluwa mula rito. All of them are wearing an old rose gown, they look beautiful as usual.

"Hello, iistorbohin muna namin ang bride." Nakangiting saad ni Roxanne.

"Girls!" Ani ko.

Tumigil si Freda sa pag-aayos sa aking buhok.

"Sige, malapit na rin naman kaming matapos. Yo-yosi muna ako sa labas." Paalam ni Freda at lumabas na ng silid.

Agad naman akong tumayo para harapin ang mga kaibigan ko na kapwa may malalapad na ngiti.

"Best wishes, Chloe. I still can't believe that Andrew proposed to you again. I never thought na sweet pala ang isang 'yon." Saad ni Selene.

Napasulyap ako sa gawi ni Andi at nakita ko siya na may malapad ring ngiti.

Napag-usapan namin ni Andrew na hindi na lang sabihin sa iba naming mga kaibigan ang kasunduang naganap sa pagitan naming dalawa. Ayaw na namin silang mag-isip pa tungkol rito. And I think its not important anymore, it didn't start in a good way but it ended wonderfully. We found love in each other despite the fact that we married not out of love.

Masyado na kaming masaya para balikan ang nakaraang 'yon.

Ngumiti ako kay Selene bago siya sinagot kahit wala naman siyang tanong.

"Andrew might not appear it to be but he's really sweet. Pero kadalasan sweet lang siya pag walang ibang nakakakita." Natatawa kong saad.

Hinawakan ni Andi ang kanang kamay ko kaya napalipat ang atensyon ko sa kanya.

"I'm so happy for you, Chloe. You found the kind of love you deserved. I told you, God has a better plan for you. Hindi ko man inexpect na si Andrew 'yon, nagkaroon man ako ng agam-agam, masaya ako at kita ko kung gaano ka niya kamahal. This is fantastic, I'm glad that my prayers were answered." Maluha-luhang saad ni Andi kaya pati tuloy ako ay napaiyak na.

Si Andi yong kaisa-isang kaibigan ko na nakausap ko tungkol sa paano kami nagsimula ni Andrew. She knew from the start, she knew that for once, I decided about something foolishly. Pero masaya ako dahil kahit minsan di siya nagsalita na parang pinagmukha akong tanga. Siguro dahil may pagkakapareho ng konti ang pinagdaanan namin bago namin nakita ang lalaking nilaan ng Panginoon para sa amin.

Trapped In (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora