Chapter 21: Just Right

5.4K 148 2
                                    

Nasa pangalawang araw na kami ng convention at ang lahat ay nakapag-adjust na hindi gaya ng naunang araw na kapwa kami bagsak sa mga kama matapos kumain ng hapunan kaya naman nagkayayaan kaming siyam na kumain sa isang kilalang ihawan sa Cebu.

We were just started eating our dinner when a group of people got near our table. Binati namin sila nang mapagsino ang mga ito.

It was Gelyn with her five colleagues. Agad akong ngumiti at tumango sa gawi ni Gelyn nang makitang kumaway ito sa akin. Nakilala na rin siya ng iba kong kasama ng magkaabot kami sa restaurant kaninang umaga para kumain ng almusal.

Kilala din nina Rico, Karlo at Honey na kasama ko ang ilang kasama ni Gelyn dahil magkakasama ito sa iisang mesa sa convention.

"Maghahapunan din ba kayo rito?" Tanong ni Shine na kasamahan ko rin.

"Oo, dito kami sa katabing mesa niyo." Sagot ng babeng kasama ni Gelyn na matangkad at may kaputian.

"Sayang naman, nasimulan na namin ang kumain. Masaya sana 'yon pag nagsabay tayong lahat at idinikit ang mga mesa natin." Saad ni Wynna na nakaupo sa kanan ko.

"Pwede naman. Kanina pa kami naka-order at talagang umalis lang kanina dahil wala pang bakanteng mesa kaya malamang ay isi-serve na 'yon ngayon." Saad ni Gelyn na naging dahilan kung bakit agaran ding tumayo ang mga lalaki namin kasama at tinulungan ang dalawang lalaking kasamahan ni Gelyn upang ipagdikit ang aming mesa.

And Gelyn was right, just after five minutes as we all seated, their order was served.

All in all, the dinner went almost fine. Tanging ang paninitig lang na ginawa ni Ronnie ang hindi ko gusto ng gabing 'yon. I felt his stare piercing through me.

Dahil sa sobra akong naiilang sa ginawa niya na sobra ko ring halata dahil nakikita ko ang paninitig niya mula sa gilid ng aking mata ay hindi naging maayos ang pagkain ko.

Oo at naiilang ako kay Andrew tuwing tinititigan niya ako pag nagkakasabay kami sa pagkain na kinahiligan na yatang gawin ng isang 'yon pero hindi naman pareho ang pagkailang ko ro'n sa ginagawa ni Ronnie.

It's awkwardly good with Andrew while Ronnie's stare made me cringed.

"Hoy Ronnie! Kumurap ka naman at baka matunaw na niyan si Ms. Beautiful." Rinig kong tudyo ng kasama nila Gelyn na rinig kong Roland ang pangalan.

Malamang ay napansin din nito ang ginagawa ng kasama dahil magkatabi lang naman sila.

"Huwag kang titig nang titig sa akin. Kahit dalaga ako ay halos isang dekada na ang tanda ko sa iyo." Natatawang saad ni Wynna na ayaw magpatawag ng ate dahil nakakatanda raw.

"Feelingera talaga 'tong si Wynna. Mahiya ka diyan uy." Naiiling na saad ni Shine.

Natawa silang lahat maliban lang sa akin na hindi magawang sumama sa pagtawa nila. Alam ko naman kasi na ako ang tinutukoy ni Roland. I know that I didn't show any interest towards Ronnie and that I was not flirting with him either but I feel like I am already cheating.

At hindi ko gusto ang pakiramdam na 'yon.

"Hindi ikaw ang tinutukoy ni Roland. 'Di niyo ba pansin sinong tinitigan nitong aming pambatong si Ronnie?" Ani Gelyn.

"Sino ba?" Takang tanong ni Shaira.

Ilang libong santo ang tinawag ko sa isipan para hindi magsalita si Gelyn. Siguradong magiging mas awkward ang buong gabi ko pag sinabi niya ang totoo.

Pero hindi dininig ang panalangin ko.

"Sino pa ba, edi si Chloe the haba ng hair." Nakangising saad ni Gelyn.

Trapped In (COMPLETED)Where stories live. Discover now