Chapter 4: Solution

5.6K 121 0
                                    

"Did I hear you right, dy?" Hindi makapaniwala kong tanong.

Paano naman ako makakapag-asawa at mabubuntis sa loob ng anim na buwan. Ang ikli ng anim na buwang palugit para sa akin na wala maski boyfriend, pagpapakasal pa kaya?

[That's final, Chloe. Just be ready in six months time, I'll send the ticket right away, bye.] Huling sinabi ni daddy bago ako tuluyang binabaan ng tawag.

"Dy? Dy? Dy!?"

How could he do this to me?

Ginawan niya pa talaga ako ng deadline, kung pakikinggan mo lang nang maigi ang sinabi niya ay parang siguradung-sigurado naman siya na hindi ako makakahanap ng solusyon.

Bakit naman kasi napakapihikan ng puso ko? Maliban sa impluwensya ng panonood ng mga palabas ay talagang hindi ko pa naranasan ang pag-ibig na 'yan. Akala ko nga first love ko na si Rob pero sadyang matagal lang talaga akong nakapag-move on no'n dahil namatay siya matapos niyang umamin na may gusto siya sa akin. Pero ngayon naintindihan ko na infatuation lang naman ang meron ako kay Rob. It was not love, love is too powerful and unfortunately, I don't know how it feels to love someone.

Nanlulumo kong binalik ang aking cellphone sa aking bulsa at napabuntong-hininga na lang. I don't really have any way out from this.

Lumabas na rin ako ng silid at tumalima na sa baba at baka kanina pa ako hinihintay ng mag-asawa. Kailangan kasi rito sa bahay nila ang sabay-sabay na pagkain.

"Good morning, Chloe." Bati sa akin ni Andi at tinanguan lang ako ni Kaizer bilang pagbati.

"Morning." Pilit na ngiti kong bati pabalik. Hindi ko na nilagyan ng good dahil wala namang maganda sa araw ko.

Umupo ako sa tabi ni Keylan kung saan abala sa pag-aasikaso si Andi sa pagpapakain dito. Habang kumakain ng agahan ay hindi ko mapigilan ang mapangiti kahit na may iniisip na problema dahil sa itsura nila. Kasi naman habang abala si Andi sa pagsusubo kay Keylan ay si Kaizer naman ang abala sa pagsusubo ng pagkain kay Andi. Halos langgamin na ako sa sobrang sweet nilang dalawa.

Nang matapos na kami sa pagkain at umalis na rin si Kaizer para pumasok sa opisina ay napagpasyahan ko nang magpaalam. Hindi kasi ako nakauwi agad kanina pagkatapos kumain dahil naaliw ako sa pakikipaglaro sa inaanak kong si Keylan.

"Una na ako, Andi." Paalam ko kay Andi na busy naman sa paghehele kay baby Aisha.

"Sandali lang, mag-usap muna tayo. Yaya, ilagay mo muna si baby sa crib." Saad ni Andi at agad namang lumapit ang yaya ng bata at kinuha ito mula sa kanya.

Kahit nagtataka ay hindi ako nagtanong sa kanya nang hilahin niya ako sa may sala.

"Tell me about it." Sabi niya na hindi ko naintindihan.

"Tell you what?" Tanong ko.

"Alam ko na may bumabagabag 'dyan sa isipan mo. Akala mo ba dahil dalawang taon na tayong hindi nagkikita at apat na taon ka nang nakatira sa Ilo-ilo ay hindi na kita kilala? I know you, Chloe, we're like sisters, right?" Seryoso niyang saad.

Wala talaga akong maitatago sa kanya. Kahit siguro tumawa ako nang malakas ay malalaman niya pa ring peke lang 'yon. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ay masyado na naming kilala ang isa't-isa na ang pagtatago ng sikreto ay hindi na posible.

Oo at minsan nakalusot siya sa akin no'ng naging sila ni Kaizer nang palihim pero minsan pa sa shooting star mangyari 'yon. At sa aming dalawa ay mas matalas siyang magmantyag at mas madali naman akong basahin.

"My and Dy want me to follow them in the States." Malungkot kong simula.

"Susunod ka ba?" Tanong niya na nahihimigan ko ng lungkot.

Trapped In (COMPLETED)Where stories live. Discover now